ANG BILIS ng panahon parang kailan lang kakapasok ko palang sa trabaho bilang secretary ni Thimothy. Ngayon kasama ko na siya sa bahay. Alam na sa buong building namin ang relasyon naming dalawa. Pinapahinto na nga ako ni Thimothy ng trabaho para sa bahay nalang daw ako at di na mapagod. Ako lang may ayaw, gusto ko kasi kahit papano may sarili akong pera. Ayokong i-asa kay Thimothy lahat ng pangangailangan ko. Natuto na ako sa past relationship ko kay Tommy. Masasabi ko na magkaiba naman sila ni Tommy pero mahirap na din naman na mag-asume masyado na okay na kami forever ni Thimothy. Alam ko dadating ang araw na aayawan din ako ni Thimothy. Na magsasawa din siya sakin at hihiwalayan din ako. Ganon na yata talaga ang buhay ko. Pang-kama nalanh at hindi panghabang buhay. Tanggap ko na na