Five

2076 Words
SA LOOB ng isang linggo pakiramdam ko mamamatay na ako sa hirap na dinanas ko kay Tommy. Tapos nakikisabay pa ang kapatid niya. Kapag hindi nakatingin si Tommy sisimple sakin, kung hindi sa kusina sa banyo niya ako ginagalaw. Nandidiri na nga ako sa sarili ko. Gusto ko ng umalis sa bahay na ito kaso lang hindi ko pa kayang bumukod. Kaunti palang ang ipon namin ni Tommy, kaya magtitiis na muna ako kahit nahihirapan na ako sa totoo lang. Hindi sana ako mahihirapan ng ganito kung kahit papaano nasa side ko si Tommy. Kaso nga lang minsan siya pa ang nagpapahirap sakin. Madalas na akong mabugbog o kaya naman mapagbuhatan ng kamay ni Tommy. Feeling ko nga minsan punching bag nalang ang papel ko sa kanya. Pero titiisin ko kahit na anong gaein niya sakin kasi mahal ko siya at alam ko mahal niya don ako. Masokista na kung masokista, si Tommy lang ang kumupkop sakon sa mga panahon na kailangan ko ng matutuluyan. Siya lang ang naniwala sakin noon na dapat sarili kong nanay kakampi pero hindi nangyari. Kasi mismong nanay ko ang hindi naniwala sakin at nagpalayas sakin noon. Kaya hindi ko magawang iwanan si Tommy kahit na anong sabihin sakin ng mga nakikilala ko. Kasi si Tommy lang ang nag iisang kakampi at mahal ako. "Ano na naman iniisip mo dyan? Ang lalim ng buntong hininga mo ah"puna sakin ni Grace. Nasa canteen kami ngayon para sa tanghalian namin. Buti nga mabait ang boss ko dito tinanggap pa din ako kahit na ilang araw akong walang paalam na umabsent. "Ay wag mo nang sagutin parang alam ko na"pagtataray na naman sa akin ni Vina. Hindi ko nga talaga siya sinagot at kumain nalang ako. "Iwanan mo na kasi Vina, maawa ka sa sarili mo"pagbubuyo na naman ni Grace. "Friend, hindi ko kaya mahal ko. Isa pa nag iipon na kami para naman makabukod na kaming dalaws sa mga magulang kapatid niya"sagot ko naman. "Sa tingin mo may magbabago sa inyong dalawa kung sakali? Kahit na bumukod kayo walang mangyayaring bago ako na nagsasabi"kompiyansang sagot naman ni Grace. Ayoko nalanh magkomento ulit baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Nagmadali nalang akong kumain para makabalik na ako sa opisina ni boss. Doon walang papansin sakin kahit mag emote ako maghapon. "You have already eat your lunch miss Robles?"bungad na tanong ni boss. Nabungaran ko siyang nakaupo sa lamesa ko na mukhang hinihintay talaga ako nito. "Yes boss" Umayos ito ng tayo at inayos din ang nagusot na damit nito. Dahan dahan itong naglakad papalapit sa akin hanggang isang dangkal na lang ata ang layo namin sa isa't isa. "Come with me"bulong pa nito sakin. Para akong kinilabutan sa pagbulong niya. Timama kasi sa tenga ko ang hininga niya, tapos parang double meaning pa ung sinabi niya. "Miss Robles"tawag niya sakin. Nang lingunin ko siya nasa tapat na siya ng elevator. Mabilis na kinuha ko ang bag ko at sinundan si boss. Iba din ang kinikilos ni Big Boss nitong mga nakaraang araw. Natouch pa nga ako ng ipagamot niya ako noong pumasok ako mula sa isang linggong pag-absent ko. Kita ko ang pag-aalala siya sakin noon. Panay ang tanong niya kung okay lang ba ako o kaya naman kung may masakit ba sakin. "Sir Boss saan ba tayo pupunta?"tanong ko ng nasa loob na kami ng elevator. Pero laking gulat ko nalang ng bigla niya akong isandal at ikulog sa pagitan ng mga braso niya. "Saan mo ba gusto miss Robles?"mapang akit na tanong niya sakin. Nanlaki ang mata ko sa inaakto ni boss. Ano bang nangyayari sa kanya para siyang sinapian ngayob ng kung sino. "S-sir" Tumawa naman ito ng malakas bago niya ako pakawalan. "Just joking. Para kasing ang sarap.mong asarin ngayon. Tibo"tumatawang paliwanag ni Sir. "Sir Thimothy ha! Alam mong hindi ako tomboy"naiinis ko naman na sagot na mas ikinatawa nito. Hanggang sa lumabas kami ng building di ko na siya pinansin. Naasar kasi ako sa kanya sa totoo lang, lakas kasing mang alaska ni Sir. "Hey kausapin mo naman ako"pangungulit na naman ni boss. Inirapan ko lang siya bilang sagot. Nakasakay na kami sa sasakyan niya at nastranded na sa pinakamalaking parking lot sa buong Pilipinas. Edsa. "I'm sorry okay, alam ko naman may time na below the belt ang jokes ko. But hey c'mon close na tayo di ba? We're friends I guess, kahit na boss mo ako at secretary kita"pangungulit na naman nito. "Kasi naman sir, par mo naman akong nilandi kanina sa elevator. Pero later on tinawag mo akong tibo"pagsisintemiyento ko naman. "Okay again I'm sorry. Ikaw naman kasi tignan mo itsura mo para kang lalaki sa suot mo. Kulang nalang magpagupit ka ng panglalaki sa suot mo"sita nito sa damit ko. Sa totoo lang damit naman talaga ng lalaki ang suot ko. Damit kasi ito ni Tommy, kung natatandaan ko nasabi ko naman na dati sa kanya na sinunog ni Tommy ang mga damit panlakad ko noong nagtalo kami ng umuwi ako ng madaling araw. Kaya wala akong choise na kundi ang isuot ang mga damit ni Tommy para makapasok ngayon sa trabaho. "Kay Tommy ang suot ko, sir. Alam mo namang wala akong maisusuot na matinong damit ngayon"paliwanag ko nalang. "Exactly, but kasya mo lang ang damit ng partner mo?"manghang tanong ni boss. Napatawa nalang ako sa reaction niya. Well talaga namang kasya ko lang ang damit na suot ko ngayon. Fit pa nga na masasabi dahil di naman masyadong malaki sakin. "Oo boss, maliit lang kasing tao si Tommy" Naalala ko di ko pa pala sabi kay Sir Thimothy na pollio victim si Tommy na hindi na ito nakakalakad kaya maliit lang din na tao si Tommy. "Wow! Kung damit ko ang isusuot mo tshirt ko plang dress mo na I sure of that"anito. Nilingon ko si boss may point siya malaking tao kasi si boss. Tingin ko nga nasa six footer si boss. Tapos mukhang batak siya sa gym, malaki kasi kaha ng katawan niya. "What are you thinking miss Robles?"tanong nito. Doon ko lang napansin na nakahinto ang sasakyan at nakatingin na din sakin si boss. Nahiya tuloy akong bigla huli niya akong nakatitig sa kanya. "Wala naman sir. Naisip ko kang ung sinabi mo na dress ko na ang tshirt mo"partly true kasi iyon naman talaga naisip ko kanina. Hindi ko nalanh inamin anh iba ko pang naisip kagaya nalang kung may abs ba si sir. "You can check it if you want?"tanonh ni boss. Nakakunot ang noo ko na nilingon ko ulit si boss. "You ask if I had an abs Miss Robles. So you can check it if you want"nakangisi na paliwanag ni boss. Namula na yata buong katawan ko sa kahihiyan. Nasabi ko pala ang iniisip ko lang kanina na tanong. Tanga mo talaga Vina. "We're here"anunsiyo naman ni boss. Ganon na ba ako kashunga at di ko na pansin ang lugar. Feeling ko lang kanina nakapark pa kami sa Edsa ngayon nakarating na pala kami sa patutunguhan namin. Nang lingunin ko kung nasaan kami parking space din pero true na ito. Parking lot ng isang mall ito, di siya pwedeng magkamali. Kahit pa hindi siya nakakapasok sa mga mall kahit papaano naman alam niya ang mga ganitong lugar. "May bibilin ka sir?"hindi ko maiwasan na itanong. Nilingon lang niya ako bago niya ako ngisihan at hilahin papasok sa loob ng mall. ................. NAHIHILO NA AKO sa dami ng pinasukat sakin na dami ni Boss. Halos lahat nga corporate attire at mga dress. Hindi lang siguro bente baka mahihit pa nga yata sa singkuwenta sa dami. "Sir time out muna pagod na ako"reklamo mo na. Pag-abas ko kasi ng fitting room nalula na naman ako sa dami ng hawak ng mga sales lady na mga damit. Di pa nga ako tapos sa mga isusukat ko sa loob ng fitting room. "Okay, pack all of these we'll get it all"balawalang baling na utos ni sir Thimothy sa mga saleslady. "Wag mo ng hubarin iyang suot mo bagay mo naman iyan. Let's go and buy you some shoes this time"utos naman niya sakin. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa mga dala ng saleslady na mga damit. Sobrang dami kasi, kahit yata isang buwan akong hindi maglaba ng damit ko may pangpasok pa din ako sa trabaho. "Sir sandali lang, wala akong pangbayad sa mga ito"awat ko ng nasa counter na kami. "Who told you babayaran mo ang mga ito?"takang tanong naman ni boss. "Boss naman, sabi mo kukunin natin lahat ito. Sa dami nito kahit yata isang daan taon akong magtrabaho sayo hindi ko mababayaran ang mga ito"reklamo ko ulit. "Silly!. I the one who will pay for these. Dont worry di ito kaltas sa sahod mo" Mas nanlaki ang mata ko sa sinabi ni boss. Anong ibig niyang sabihin, may gusto ba sakin si boss magiging sugar daddy ko na ba siya. Kaya ba kanina nilalandi niya ako. "I dont want that looks of your miss Robles"anito ng hindi ako nagsalita. "Tsk!, fine I'll be honest with you. I'm just doing it for my own sake. Naaalibadbaran ako sa pananamit mo. And another thing is this is my tiny investment. Because the last time you show your beauty to our last client I close the deal. Now happy?"napipilitan na paliwanag nito. Okay assumong akong masyado, mali naman pala ang iniisip ko kanina. Pero parang mali pa din kahit na may dahilan si Sir Thimothy sa pagbili ng mga ito para sakin. Mali pa din na tanggapin ko kahat ito. Baka kasi pagmulan na naman ng away namin ni Tommy ang mga ito. "Sir alam niyo naman na may pagkaseloso ang ki---" "I know that, kaya nga magpapalit ka nalang ng damit kapag nasa opisina ka na, okay!. These clothes of yours will be on my office for you to chance it kapag nasa office kana. Okay" paliwanag na naman ni boss bago niya ako iwanan. Napailing nalang ako, hindi ako nakaalis agad dahil iniwanan ni boss ang credit card niya. Paglabas ko sa boutique nakita ko siya nakatayo lang sa labas at nakacross arm na naghihintay sakin. Para naman akong dalagang pilipina na naglalakad palapit sa kanya. "Now, shoes naman"anito na parang excited pa kaysa saakin. Ung mga pinamili namin ipapadala nalang daw sa opisina ni boss mukhang kilala na siya dito sa mall. Gaya ng mga damit para din mauubusan ng stock si big boss sa pagpili ng sapatos para sakin. Naiisip ko tuloy totoo kayang lalaki ito. Kasi naman ang galing maghanap ng gamit na para sa babae. Lahat ng napili ni boss ang gaganda at masasabing high class talaga para sa mga babae. "Pagod na ako boss"reklamo ko. Nasa bilihan naman kami ngayon ng bag. Kakatapos lang namin sa mga accessories and take note ang galing niyang magmix and match. "You can rest, wala na tayong pupuntahan after this"nakangiti si boss. Mukha na naman siyang good mood ngayon habang nakatitig sa red na bag na hawak niya. Napataas tuloy ang kilay ko habang tinitignan ko siya. Parang may something talaga sa boss ko. "Hey what's on the look?"baling sakin ni boss. Ngumiti naman ako at tinapik ko ang kanyang balikat. "Boss I feel you, dapat talaga di mo tinatago ang totoong pagkatao mo. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit interesado ka sakin at sa mga bagay na pinamili mo para sakin"aniko naman sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sakin. Hawak pa din niya ang red na bag hanggang ngayon. "Saakin mo binubuhos ang mga gamit na hindi mo kayang isuot at gamitin kasi alangan sa itsura mo"bulong ko dito. Ngayon ko lang talaga napagtanto, ilang taon na nga ba ang boss ko? 32 tapos wala pa din siyang pamilya. Tapos may hilig siyang sumagap ng tsismis sa buhay ko. Hilig niya din akong damitan ng magagandang damit. Now I know... "Fvck Vina! Are you kidding me? Dont tell.me you're thinking that I'am a gay?"bulong ni boss. Seryoso ko siyang tinitigan bago ko siya naiintindihan na tinanguan. Alam lo. Mahirap na magladlad lalo pa kung ganitong industriya ang ginagalawan niya. Hindi madaling magpakatotoo, lalo pa at galing siya sa prominenteng pamilya. "Damn it! Anakan kita ngayon makita mo kung sino ang bakla"angil niya sakin. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko sa sinigaw niya. At talagang sinigaw ni Boss ang hulibg sinabi niya sakin kaya naman nakatingin lahat sa amin ang mga tao sa paligid namin. Gusto ko nalang maglahong parang bula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD