"MGA HAYOP kayo" Agad akong lumapit sa kanila at hinila ko ang buhok ng mahadera naming kapitbahay na si Eva. Matagal na naming kapitbahay si Eva. Close ko pa nga ito dahil mukha namang mabait. Kapag dumadaan ako sa bahay ng mga ito panay ang bati nito sakin. Minsan pa nga tinutulungan pa ako nito kapag may problema kami ni Tommy. Iyon naman pala ahas ang malanding ito. Nahuli ko lang naman si Tommy at Eva na nagtatalik sa mismo pa naming kwarto. "Ano ba!"sigaw naman ni Eva. Nakasabunot pa din ako sa buhok ng walang hiyang babae na ito. Wala akong pakialam kahit oa hubu't hubad siya. Ang mahalaga mailayo ko siya kay Tommy ng mga sandaling ito. "Bitiwan mo akong puta ka"sigaw ni Eva. Hindi ko naman ginawa, panay pa din ang halibas ko sa kanya. Dalawang kamay ko na ang nananabunot sa