"Bilang Ate ninyo ay ako na ang nagsasabing gawin natin ang tama. We need to comfort him. As we can see, it's been three days since bring them back home but he didn't say anything yet. Alam ko namang nag-aalala na tayong lahat sa kaniya," ani Theo sa mga kapatid na barako. "Iyon na nga po, Ate. Ngunit sa sitwasyon ngayon ay walang pumapasok sa isipan ko kung paano siya lapitan. I'm sorry for the word, ngunit sa tingin ko ay muling nanumbalik ang dating Theodore." Napatingin sa gawi ng kapatid niya si Miguel. Siya ang kasa-kasama ng young widow nilang kapatid kaya't kilalang-kilala niya ito. Bago pa nila nalamang ito ang nawawala nilang kambal ay matalik na niya itong kaibigan. Kaya't masasabi niyang siya ang mas higit na nakakakilala rito. Subalit sa oras na iyon ay wala siyang lakas ng