AMALFI, ITALY "My God! What's the meaning of this?" tanong ni Isabelle sa kawalan. Bigla na lamang siyang kinabahan. Nakauwi siya ng maayos mula sa trabaho. "What a hell! Ano ba itong nangyayari sa akin? Aba'y bakit bigla na lang akong kinakabahan?" Nagmistula tuloy siyang bubuyog na bulong nang bulong. EKSAKTO namang pagbaba ng kaniyang ama mula sa ikalawang palapag ng mansion nila kaya't sigurado siyang nakita nito ang pagiging balisa niya. "May problema ka ba, anak? Aba'y sa hitsura mo pa lang ay halatang hindi ka na mapakali ah," anito. "Yes, Daddy. As you can see, I just arrived from my work. Pero bigla na lamang po akong kinabahan. Hindi ko nga po alam kung ano ang ibig sabihin nito," tugon niya. "Kung wala ka rin lang alam na dahilan upang salakayin ka ng kaba ay umakyat ka n