"I'm sorry that we heard your conversation, Miss Montessori. Hindi naman kasi kayo nagbubulungan upang hindi marinig," pahayag ni Aries Theodore nang sa wakas ay humupa na ang galit ng nagwawalang dalaga. Sa katunayan ay nag-duwelo pa siyang dalawa in combat. Walang nais magpatalo kahit pa sabihing depensa lamang ang ginagawa ng binata. Nauunawaan naman kasi niya ang init ng ulo nito. Kaya't hinayaan lamang niya itong atakihin siya total kayang-kaya naman niyang depensahan. Kaso! "Puwede na rin pala akong maging sniper ng grupo." Lumakad palapit sa kinaroroonan ng lahat ang dalagang si Victoria Katherine habang hawak-hawak ang kalibre 45. "Heh! Kapag ako ang tinamaan niyan ay ikaw ang una kong mumultuhin! Aba'y hindi ko pa natupad ang pangarap kong magkaroon ng isang dosenang anak!" Pa