"You two again! Aba'y wala na ba talaga kayong matinong gawain? My goodness! Sa dinami-dami nang nangyayari at problema ng ating bansa ay padagdag pa ang mga tulad ninyo!" Galit na galit! Palakad-lakad pang tinampal ng opisyal ang noo sa harap ng dalawang pangkat na nasa presinto. "Chief, it's his fault. Don't blame on me." "Anong ako? Kayo ng grupo mo ang basta na lamang sumulpot sa aming lugar. Wala naman sanang problema kung hindi kayo naghahari-harian eh!" "Aba'y kasalanan ko ba kung gusto ng taga-dito na umanib sa aking grupo? Tsk! Tsk! Ang sabihin mo ay talagang basagulero ka!" "Aba'h! Aba'y talagang ginagalit mo ako---" Kaso ang palitan ng dalawang grupo sa maanghang na salita ay pinutol ng hepe. "Enough! Magsitigil kayong dalawa! Dahil kung hindi ay talagang pinanindigan kon