"I'm sorry for saying this, brother. Dinalaw ka lang ng asawa mo upang sabihing mag-ingat ka sa muli mong pagsabak sa trabaho," pahayag ni Hugo. Sa narinig ay pansamantala siyang natahimik na sinamantala rin ng panganay sa kanilang quadruplets. "In addition to what our brother Hugo just said, huwag mong ibaon ang iyong sarili sa trabaho. Lingunin mo rin ang iyong mga anak. Look at them, they are growing so fast. And most of all, your late wife want you to be happy not to mourn and mourn," dagdag turan ni Aries Eric. Kaya naman ay napaangat siya nang paningin. Kaso mukhang nabasa ng best friend na kambal ang utak niya. Kaya't inunahan na rin lang niya ito. "Huwag mong sabihing may sasabihin ka rin, Miguel? Aba'y hindi ka pa ba nagsawa sa opisina ni boss?" agad niyang sansala. "Well, de