"Anak, ipangako mo sa akin na kahit ano man ang mangyari ay huwag kang susuko. Panindigan mo ang iyong pagiging tigasin," saad ni Mr Montessori. "Pero ayaw ko rin namang mawala ka, Daddy---" "Anak, kailanman ay hindi ako mawawala sa iyo kung iyan ang nais mong idugtong. Dahil kahit mamatay ako sa palad ng hayop na iyon ay mananatili ako sa puso mo." Pamumutol nito sa dalaga. "No, Daddy. Hayaan mo na lang ang assets na gusto niyang kamkamin. Dahil kahit papaano ay may ipon pa ako---" "No way! Isabelle! Kahit buhay ko ang kapalit ay hindi ko ibibigay sa hayop na iyon ang pinaghirapan namin ng Mommy mo! Dahil kung may nagmamay-ari sa mga iyon ay walang iba kundi ikaw at magiging anak mo balang-araw!" Muli ay pamumutol ni Mr Montessori sa anak. Mas gugustuhin pa niya ang mapunta sa orphan