Kapwa sila natigilan ni Maine nang may tumikhim sa kanilang tagiliran. Pareho ring nanlaki ang mga mata mula ng makita roon ang kuya nitong nakapamulsa at sa hilatsa ng mukha nito ay tila galit na naman. "Hi kuya," bawi ni Maine. "What did you do?" maanghang na wika nito. "Wala ah," mabilis na sabad nito. "Hindi naman siguro aalis na lang basta si Leticia ng wala kang ginagawa!" mariing wika nito. Napapalunok si Chris dahil imbes na sa kapatid nito tumingin ay sa kaniya pa talaga hanggang sa mabaling kung saan ito nakatingin. Mabilis na pinagdikit ang kita. Nakalimutan nga pala niyang naka-miniskirt. "Next time Miss Suarez, kung trip mong magsuot ng miniskirt. Huwag kang bubuka-bukaka para hindi makita ang green mong panty!" inis na baling nito. Halos maibuga ni Maine ang kasusubo