Episode 3

1560 Words
Balak na niyang gisingin si Miguel kaya minabuti niya na umakyat na sa mahabang hagdanan nila. Kanina pa kasi niya naluto ang almusal nito at malapit ng mag eleven ng tanghali. Nasa tapat na siya ng pinto nito at dahan dahan na pinihit ang door knob pero nakalock pala iyon sa loob. "M-miguel." Sinabayan niya ng mahinang katok sa pinto. Tumigil siya at pinakiramdaman kung may kumikilos sa loob, pero wala siyang naulinigan kaya sa tingin niya ay tulog pa ito. "Miguel." Inulit niya ang pagtawag at pagkatok medyo inilakas niya ng kaunti. Nang may narinig na siyang kumilos sa loob ng kwarto. Naghintay siya na pagbuksan siya ng pinto nito. "Hhmm. Bakit?" Bungad nito, ng buksan nito ang pinto. Gusot ang buhok at maliit pa ang bukas ng mga mata nito. "Good morning Miguel. Medyo late na kasi at kanina pa ako nakaluto ng almusal mo kaya ginising na kita." Pilit niyang pinasasaya ang kanyang tinig pati ang kanyang mukha. "Ok sige bababa na ako." Sabi nito at tumalikod na, hinayaan naman nitong nakabukas ang pinto kaya sumilip siya doon, nakita niyang dumoon ito sa banyo at siya naman ay lumapit sa pinaghigaan nito para ayusin niya iyon. Naaamoy pa niya ang male scent nito sa mga unan at kumot nito habang inaayos niya. Nakakadama na siya nang sobrang pagkamiss dito. Hindi niya napansin na napatulala na pala siya, kaya medyo nagulat siya ng lumabas na ito ng  banyo. Napatingin din ito sa kanya at derederetsong lumabas ng silid na iyon, napasunod tuloy siya dito. "Kakain ka na Miguel?" Tanong niya dito habang nakasunod. "Yes please." "Ah sige ireready ko breakfast mo." Nagkumahog siya at pinilit niyang maunang makapunta sa kitchen ng bahay na iyon. Nakita niyang umupo na ito sa mahaba nilang lamesa, at agad niyang inilagay ang plato nito at inihain ang kanyang niluto. Saglit siyang pumunta sa kitchen para salinan ang mug nito ng mainit na brewed coffee. Nadatnan niyang kumakain na ito. "Ikaw kumain ka na ba?" Narinig niyang tanong nito, inilapag niya ang mug sa tabi ng plato nito. "Hhmm uu, nagutom na kasi ako kanina." Paliwanag niya. Umupo siya sa bakanteng upuan malapit dito. Pinanood niya ito habang kumakain, natutuwa siya dahil kinakain nito ang niluto niya, at mukhang nagustuhan naman nito, ginawa niyang espesyal ang pagkakaluto niya sa omelet at nilagyan pa niya iyon ng cheese at cream. "Mag stay ka ba dito sa house Miguel?" Pagdaka ay tanong niya dito. "Nope! Aalis din ako mamaya." Nakadama siya bigla ng lungkot, ang akala niya kasi ay makakasama niya ito ngayong araw. "S-san ka pupunta? P-pwede bang sumama ako?" Hindi siya nakatiis at tinanong niya ito. "Hindi na! Dito ka na lang sa bahay." Wika nito, natameme siya dahil medyo may pagkairita ang timbre ng boses nito. "O-oh s-sige Miguel, uwe ka na lang agad ha. Ipagluluto kita ng paborito mo mamaya, sabay tayo mag dinner sana mamaya ha." Hiling pakiusap niya sa asawa. Nakita niya medyo tumango naman ito sa request niya. Dahil doon ay ibinalik na niya ang saya, ayaw niya kasing magpatalo sa negatibong isipan. Asawa niya si Miguel at alam niya na mahal siya nito dahil kung hindi ay hindi naman siya pipiliing pakasalan siguro nito. Nakatingin lang siya dito habang humihigop sa mug nito. "Gusto mo pa ba?" Tanong niya para malagyan niya pa ang plato nito. "No thanks Celyn, I'm full." Tumayo na ito at hindi na inubos ang kape. Tumungo na ito sa sala ng kanilang bahay, siya naman ay iniligpit ang pinagkainan nito. Iniisip niya kung saan kaya ito pupunta mamaya at ayaw pa siyang isama. Kahit ayaw niyang isipin ang babae na nadatnan niya sa loob ng opisina nito ay kusang pumapasok iyon sa kanyang isipan, pero pilit naman niyang nilalabanan at ayaw niyang mag isip ng negative, wala naman siyang pruweba at hindi iyon magagawa ni Miguel sa kanya tiwala siya sa pagmamahal nito sa kanya, alam niyang may dahilan kaya ito naging malamig, maaaring may hindi ito sinasabi sa kanya, dahil may mabigat itong dahilan. Natapos niyang hugasan ang hugasin at lumabas na siya ng kusina para lapitan ang asawa niya at makipagkwentuhan, ngunit wala sa living room si Miguel kaya lumabas siya ng kanilang bahay. Nakita naman niyang naroroon pala ito sa kanilang hardin, nakatayo at lumilinga sa paligid, napansin siguro nito ang mga orchids niya, marami na kasing tubung bulaklak kaya ang ganda gandang tignan bukod doon ay yumayabong na ang tanim niyang mga wall plant, gumagapang na ang mga iyon. "Miguel.. maganda ba." Nakangiting tanong niya, lumapit siya dito at lumingon naman ito sa kanya "Oo ang gandang tignan." Sagot nito. "Inaalagaan kong mabuti ang mga iyan. Ang ganda kasi sa hardin yan, makukulay tignan." Hinawakan niya ang likod nito, kinapa niya at baka basa na ng pawis ang puting sando nito. Hindi niya inaasahan na bigla itong tatalikod at pumasok sa loob ng bahay, naiwan tuloy siyang tulala. Naisip niya na ayaw siguro nito na humahawak siya sa katawan nito, halata kasi niya na bigla itong iiwas. Naisip niya na siguro ay huwag na lamang niya itong hahawakan, sayang ang pag uusap nila kanina dahil naputol. Magandang simula na sana iyon na makapagkwentuhan sila, hindi niya maiwasan na hindi sisihin ang sarili. Nilapitan niya ang kanyang mga orchids, hinipo niya ang mga bulaklak niyon. Masarap pagmasdan ang mga makukulay na bulaklak, nakakatulong para kahit papaano ay maibsan ang lungkot sa puso niya. Nang may maalala siya bigla, may sasabihin siya kay Miguel kaya sinundan niya ito sa loob ng bahay. "Miguel.." Tawag niya  dito. Malamang ay nasa itaas ito dahil walang sumagot sa kanya, kaya umkyat siya, sinilip niya ito sa ginagamit nitong silid, ngunit wala ito doon kaya dumeretso siya sa work out area nito. Nadatnan niyang may kung anong tinitignan ito doon. "Miguel nandito ka pala?" Lumingon ito sa kanya. "Miguel may gusto sana akong sabihin sa iyo.." Tumigil ito sa ginagawa "Ano yun Celyn?" "G-gusto ko sana magkaroon ng dog." Nagtatanong ang mga mata nito na tumingin sa kanya. Kaya natawa siya. "Dog! Aso!" Sabi niya dito "Ok ok.. I'll buy one for you." Sabi nito. "No Miguel huwag na. Yung classmate ko nung college ay bibigyan ako, nanganak kasi ang aso nila." Paliwanag niya dito "Alright, alright, go ahead Celyn, gawin mo kung anong gusto mo." Tumayo na ito at mukhang tapos na ang ginagawa nitong pagbusisi. Nakatitig lang siya dito, gustong gusto niya sana na yumakap dito dahil masaya siya at pinayagan siya nitong mag alaga ng aso at gusto niya rin itong yakapin dahil sobrang nangungulila na siya sa pagmamahal ng  asawa niya. Nakarinig sila ng nagriring na phone at alam niyang sa asawa niya iyon. Mabilis itong lumakad patungo sa silid at sumunod siya dito. Kinuha nito ang phone na nakapatong sa lamesita. "Hello." Narinig niyang sabi nito. At pagkatapos ay nakinig sa kausap, mataman siyang nakatingin dito, gusto din niyang malaman kung sino at tungkol saan iyon. Nakita niyang tumatango ito at napapatikhim sa kausap, nang bigla itong napatingin sa kanya. "Celyn leave me alone please." Request nito, kahit labag sa loob niya, ay no choice siya kundi sundin ang utos nito. Bantulot siyang lumabas ng silid nito, sinadya niya na hindi niya isinara ang pinto nito, balak niya kasi na makinig sa mga sasabihin ng asawa niya, pero ito mismo ang lumapit doon at isinara. Naiwan siyang nakatayo lang sa labas ng room nito. Nanlulumo siya dahil naging ganoon na si Miguel sa kanya, dati rati ay hindi naman ganon ito at lagi pa siyang updated sa lahat ng nangyayari sa paligid nito. Nagsisimula tuloy umusbong ang mga luha na iyon pero agad niyang ring pinigil. Inisip na lang niya na talaga sigurong hindi niya dapat marinig ang pakikipag usap nito, dahil confidential. Ganon naman talaga dapat niyang labanan ang anumang negative mind na kanyang nadarama, kung mahal niya ang asawa niya na si Miguel ay gagawin niya iyon, hindi niya hahayaan na mapagtagumpayan siya ng negative emosyon. Magtitiis siya at magpapakatatag alang alang sa kanilang relasyon. Minabuti na lang niya na pumasok sa kanilang silid at may balak pala siyang kutkutin naisip na niya iyon kahapon pa, at magmemessage siya kay Badette na kaklase niya noon, na pumayag na ang Mister niya na magkaroon siya ng aalagaang aso. Kailangan niya kasi ng maraming mapaglilibangan dahil sa lagi siyang mag isa sa bahay na iyon, iwas pag iisip na rin ng mga bagay bagay. Ang talagang gusto niya a magkababy na sila ni Miguel, may katagalan na rin ang pagsasama nila kaya dapat lang na mabigyan na niya ito ng anak. Pero paano mangyayari iyon kung hiwalay sila ng tulugan ni Miguel, at napakailap pa nito sa kanya. Nagulantang siya dahil sa narinig niya kay Miguel. Napatayo siya mula sa pagkakaupo at lumabas ng silid. "Celyn I'm going out! Bahala ka na dito, I'll be back later." Wala siyang nagawa kundi ang panuorin ito habang paalis. At hihintayin na lamang niya ito sa pag uwe, no choice naman siya at ayaw na niya na awayin ito tulad noon, ang tanging gusto na lamang niya ay maramdaman nito na isa siyang mabuting may bahay at laging susuporta dito sa lahat ng adhikain nito sa buhay kahit nangangahulugan pa iyon na lagi siyang masasaktan. Umaasa pa rin siya na mahal pa siya ni Miguel hanggan nananatili itomg umuuwe sa kanya sa araw araw. "Miguel mahal na mahal kita at hindi magbabago iyon kailanman, lagi lang ako naririto at hindi ka iiwan." Malungkot na sinabi ng kanyang puso, pumunta siya sa veranda ng kanilang silid at patuloy na nakatanaw sa malayo, sa dinaanan ng sasakyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD