#ThatGuy EPISODE 25 Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana dito sa bahay. Nakatingin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa tuwing pagmamasdan ko talaga ang langit, ang mukha niya ang aking nakikita. “Mukhang ang saya ng anak ko huh…” hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Mama na siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya. Sabado ngayon kaya parehas kaming walang pasok. “Anong meron sa langit at napapangiti ka diyan?” tanong pa nito. Napaiwas ako ng tingin kay Mama at muling tumingin sa kalangitan. “Wala naman Ma… Nakakagaan lang kasi sa pakiramdam na pagmasdan ang kalangitan…” sabi ko. “Ganun ba…” sabi ni Mama na ewan ko kung naniwala ba sa sinabi ko o hindi. Muli akong napatingin kay Mama dahil may bigla akong n