CHAPTER 1

1138 Words
MURDERED “ Rhaim hijo… ” NAPATIIM-BAGANG si Rhaim nang marinig ang boses ng kaniyang mama. Hindi siya kumilos o lumingon man lang dito. Puno ng hinanakit at poot ang kaniyang dibdib para dito at sa pumatay sa kaniyang ama. Tinitigan niya ang mukha ng malamig na bangkay ng ama sa loob ng kabaong. Napakuyom siya nang mahigpit sa mga kamao. “ Your murderer will pay, Papa. ” Mahina ngunit puno nang panganib ang mga salitang binitiwan niya. “ Rhaim, ” untag sa kaniya ng kaniyang Tito Rufus. “ Talk to your mother, hijo. Higit ka niyang kailangan ngayong wala na ang iyong ama. ” Umigting ang kaniyang panga sa narinig. Lalong nag-apoy ang galit niya sa dibdib para sa sariling ina. Paano nito nagagawang tingnan ngayon ang bangkay ng kaniyang ama? Paano nito nagagawang umiyak gayong ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama? “ Kung gusto niyang manatili sa lamay ni Papa, huwag siyang magtangkang kausapin ako, Tito. May kapal pa siya ng mukhang… ” “ Rhaim, please respect your mother, hijo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo. Hindi kasalanan ng Mama mo ang pagkawala ng Papa mo. Biktima rin ang iyong ina, hijo. ” “ Biktima? Pagkatapos niyang iputan sa ulo si Papa? ” Narinig niya ang malakas na hikbi ng ina. Siguradong narinig nito ang masasakit na salitang binitiwan niya. Ngunit lalo lamang naghimagsik ang kaniyang kalooban. Galit siya rito. At hindi niya ito kaya pang harapin at ituring na ina, matapos mamatay ang kaniyang Papa dahil dito. “ Rhaim hijo… ” “ Tama na, Tito. Kahit pa ano'ng sabihin ninyo, hindi ko makakalimutan ang ginawang panloloko ni Mama kay Papa. ” Napabuntunghininga na lamang si Rufus. Rhaim was full of hatred. Matigas din ang puso nito gaya ni Ibrahim, ng yumao niyang kapatid. Tanging dalangin niya ay sana balang araw ay huhupa rin ang galit ng kaniyang pamangkin at patawarin na ang ina nito. “ Siya sige, hijo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sa ngayon. Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Nandiyan lang ang mga pinsan mo, kung kailangan mo ng pagbubuntunan ng galit… sigurado ako, papayag silang magpabugbog sa iyo. ” Tinapik ni Rufus ang balikat ng binata bago ito iniwan. “I hear that! ”boses ni Kiel. Ngumiti ito sa tiyuhin bago nilapitan si Rhaim. “ Mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Tito, Rhaim. Huwag kang mag-aalala, dito lang ako. Basta huwag mo lang akong bugbugin, dadamayan kita, cousin. ” Hustisya? Napatiim-bagang siya. Tumalim ang mga matang tumitig sa kabaong ng ama. “ Yeah, justice. ” Kinuyom niya nang mahigpit ang mga kamao. “ I will be that justice, Kiel. ” Napabuntunghininga si Kiel. Ramdam niya ang poot ng pinsan sa pumatay sa ama nito. Kung di lang niya ito pinsan at kilala, malamang ay matatakot siyang lapitan ito. Lalo ngayong sariwang-sariwa pa ang mga naganap sa pamilya nito. “ Huwag kang mag-alala, mahuhuli rin si Sandoval. Hindi iyon makakalusot kay Rael. Ano nmang la an ng sisiw na Sandoval sa isang agila? ” seryosong wika ni Kiel at inakbayan ang pinsan. Sisiw? At paano napatay ng sisiw ang agila? Kilala niya ang ama. Malakas pa ito at hindi kayang patumbahin ng tulad ni Sandoval. Pero anong nangyari at nasa kabaong na ngayon ang ama? Hindi pipitsuging pipit ang hayup na iyon. “ Sabihin mo kay Rael, huwag tumigil hangga't hindi nahahanap si Sandoval. I will send the son of s b***h to hell myself. ” He gritted. Tumango si Kiel. “ Maayos natin ang kaso ni Sandoval, pagkatapos ng libing ni Tito, Rhaim. Kapag nahuli siya, hand him over to the police, will you? ” Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Kiel. Kilala niyo ang pinsang si Rhaim. Nangangamba siyang sa kamay nito ilagay ang batas para sa nasawing ama. “ Police? ” Umigting ang panga ng binata. “ No. I will kill him, Kiel. Walang batas-batas. Dahil ako ang magiging batas ni Sandoval. ” “ Kalma, cousin. Hindi gugustuhin ni Tito na papatay ka ng tao para ipaghiganti siya. ” “ At hindi ko ring gugustuhing malaya at humihinga pa si Sandoval, Kiel. ” Laglag ang balikat na tinapik ni Kiel sa likod ang pinsan. Hindi na niya mababago ang desisyon nito. At kahit pa sinong nilalang ang haharang dito ay hindi paaawat sa paghihiganti. Tanging dasal na lamang siguro ang kailangan para mailigtas ang kaluluwa ng pinsan sa impiyerno kung sakali man. Ihihingi na lamang niya sa kaniyang ina na ipagdasal ang pinsan, dahil di naman siya marunong manalangin, para naman sa ganoon ay mabawasan ang kasalanan nito sakali. Ang kaniyang Mama ang palasimba sa kaniyang pamilya. Baka nga may maitutulong ito sa sitwasyon ni Raim. Ilang minuto ang lumipas at nabaling ang atensyon nilang pareho sa pagtunog ng mobile phone ni Rhaim. “ Maybe it's Rael, ” ani Kiel. Mabilis na dinukot ni Rhaim sa bulsa ang patuloy na nag-iingay na gadget. “ Yes, Rael. Hiw is everything? ” agad na sagot ng binata. Buntong-hininga ni Rael ang narinig mula sa kabilang linya. Lalong nagtagis ang bagang ni Rhaim. This means negative ang lead kay Sandoval. “ The devil… find him Rael. Huwag kang tumigil hanggang hindi siya nahahanap! ” nagpupuyos niyang saad. “ Walang lead kung nasaan siya, cousin. Pero may nahanap akong lead para mas mapabilis ang paghahanap sa kaniya. ” Sukat sa narinig ay tima nabuhayan ng loob si Rhaim. “ Ano ang ibig mong sabihin?” excited niyang tanong. “ Nalaman kong may anak si Sandoval, dude. At na-locate ko na rin kung nasaan ang anak niya. ” “ Nasaan ang anak ng demonyong iyon? ” He gritted his teeth. “ Sorelle Dell Immacolata, ” tugon ni Rael. “ Sorelle Dell… f**k! ” mura niya. Paanong naroon ang anak ni Sandoval? “ She's a noviciate. ” Mapaklang tumawa si Rhaim. Sino’ng mag-aakala na ang demonyong pumatay sa kaniyang Papa ay may Madreng anak? Tumikhim si Rael. “ Pero, cousin, inosente ang anak ni Sandoval. Isa pa, hindi ako pumapatay ng Madre. ” “ Sino ba ang nagsabing papatayin mo, Rael? Leave her to me. Email her informations now. ” “ Ano'ng binabalak mong gawin? Tila biglang nabahala ang tinig ni Rael. “ Ano pa? E, di gamitin para lumantad ang ama niya. ” “ Pero… ” “ Bring her to me, Rael. I will transfer two million pesos to your account right away. ” “ Wait, what? Inuutusan mo akong kidnapin ang isang madre sa kumbento? Nababaliw ka na ba? ” Hindi makapaniwalang tanong ni Rael. “ Kaya kong gawin ang lahat para lumabas si Sandoval, Rael. Planuhin mo kung paano makuha ang babaeng iyon. I trust you, cousin. Do it for me, please? ” “ Oh damn it! ” mura ni Rael bago niya ito pinatayan ng tawag.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD