ZARINA POINT OF VIEW
"You're hired."
Napangiti ako dahil sa sinabi ng head ng HR department.
Nang mabalitaan ko ang pag-alis ng secretary ng presidente ng Lovelaine Company. Pumunta agad ako para makapasok. Pagmamay-ari ng pamilya Buenavista ang kumpanya na ito at sa pamamagitan ng pagpasok ko dito, maiisakatuparan ko na ang mga plano ko sa Ivan Buenavista na 'yan.
Gagawin ko at ipaparamdam sa kanya ang ginawa niya sa best friend ko.
"Humanda ka, Ivan Buenavista," nakangising sabi ko at naglakad nang palayo.
IVAN POINT OF VIEW
"Jericho! 'Wag nga 'yan!" Pagbawal ko kay Jericho na kanina pa naglilikot dito sa condo. "Umuwi ka na nga sa inyo," inis kong dagdag at napahawak sa ulo sa sobrang kunsumi sa tatlo kong pinsan.
"Jericho, uwi na..." biro naman sa kanya ni Clyde.
"Kasama kayong dalawa," mabilis kong sabat at inakbayan sila nang sabay.
"Kasungit mo, bro. Ngayon ka lang namin nakasama, e."
Inalis nila ang pag-akbay ko at sila naman ang umakbay habang nakikipagkulitan lalo.
"Hay, ang kukulit niyo," pagsuko kong bulong.
JERICHO POINT OF VIEW
"Hoy, unggoy! Asan ka na ba? Pinabibili lang kita ng diapers, ha? Saan ka na namang lupalop napunta?!"
Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ni Eliza sa kabilang linya.
"Yari na naman kay Eliza, haha!" tawang-tawang loko nilang dalawa sa akin.
"Sino si Eliza?" tanong naman ni Ivan.
"Si Eliza, 'yong napangasawa ni Jericho," sagot sa kanya ni Clyde.
"Opo, ayan na uuwi na po," sagot ko kay Eliza sa kabilang linya at binaba na ang tawag.
Grabe, ang sungit niya talaga ngayon. Pagkatapos manganak ni Piglet sa pangalawa naming anak naging masungit na siya palagi. Gano'n daw talaga kapag ka-aanak pa lang. Laging mainit ang ulo at minsan naman ay sobrang lambing.
Pero kahit gano'n, ang nakakatuwa ay may anak na kong isang lalaki at isang babae.
IVAN POINT OF VIEW
"Hindi ba, Christian? Eliza rin ang pangalan ng girlfriend mo?" tanong ko at napataas ng isang kilay nang sabay-sabay silang tumingin sa akin. "May nasabi ba kong mali?" nagtatakang tanong ko dahil masasama ang tingin nila sa akin.
"'Yan ang problema sa'yo, e. Lagi ka kasing nasa trabaho, late ka tuloy sa balita," nakapamewang na sabi ni Clyde.
"Tara na ngang umalis." Irap naman ni Christian.
Nagsi-ilingan sila at sabay-sabay na lumakad palabas ng condo.
Lalo tuloy akong na-curious. Ano ba ang hindi ko alam? Ang weird nilang tatlo. Napailing na lang din ako at isinara na ang pinto ng condo ko.
ZARINA POINT OF VIEW
Monday, araw na ng una naming pagkikita.
Kailangan kong mas magpaganda at sisiguraduhin ko na unang kita niya pa lang sa akin ay mahuhulog na siya sa bitag ko.
Napakagat ako sa aking labi habang nakatitig sa salamin.
"Kaya mo 'yan, Zarina. Gawin mong miserable ang buhay niya," sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Ngumiti ako nang dahan-dahan at tinaas ang isang kilay bago umikot ulit para tingnan ang kabuuan ng suot kong damit.
Ito na ang simula.