ZARINA POINT OF VIEW "So, tayo na ha?" nakangiting sabi niya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko habang naglalakad kami. "Ano?!" nabiglang sigaw ko sabay tingin sa kanya. "Manliligaw ka pa, 'di ba?" dagdag ko. "Nanligaw naman na ko, ah." "Sa pamilya ko lang." "Kaya nga. Pero sa'yo hindi na." "ANO?!" "Bakit manliligaw pa ko sa'yo? Eh, 'di ba mahal mo naman rin ako?" nakangiting aso niyang tanong sa akin. "Sinong nagsabi sa'yo?!" Nakasamang tingin ko sa kanya. "Nakikita ko sa mga mata mo," nakangisi niyang sagot. "Ano ka swineswerte?! Manligaw ka, 'no!" sigaw ko at nauna nang lumakad. "Oo, swerte kaya ako! Kasi dumating ka sa buhay ko!" tuwang-tuwang sigaw niya sa akin mula sa likuran. Napaharap tuloy ako sa kanya at tumakbo naman siya papalapit sa akin. "Tingin mo madadaan