CHAPTER THREE

643 Words
IVAN POINT OF VIEW "Hi!" nakangiting bati ng asawa ni Jericho sa akin. Ang ganda niya pala talaga. Bigla tuloy akong napatitig sa kanya at namangha. "Ahem." Pagpapapansin sa amin ni Jericho na nagpabalik sa diwa ko. Inalis ko agad ang pagkakakamay ko sa kanya at ngumiti. "Ang sexy pala talaga ng asawa ni Jericho. Kaya pala pinag-interesan niyong dalawa," nakangising bulong ko kay Clyde at Christian, na nakatingin ngayon sa akin nang masama. Ayon kasi sa source ko, pinag-agawan nilang tatlo si Eliza at kapanipaniwala naman dahil totoong napakaganda naman talaga niya. "So, you're saying na pinagtitripan ka na naman nila tito?" nakangising tanong ni Clyde habang nakapaikot kami sa mesa at sabay-sabay kumakain. "Ikaw ba naman 'yung bigyan ng babaeng secretary na naman! Tapos sabi nila magpakatino na raw ako," paliwanag ko. "Eh, ano naman kung babae?" nakatinging tanong sa akin ni Christian. "Bro! Ang sexy! Kung makikita niyo lang!" bulalas ko habang minomostra ang katawan ni Zarina at mabilis ding napatigil dahil kay Eliza. Nagpipigil na siya ngayon ng pagtawa na ikinahiya ko. "Sorry, nakalimutan kong may babae pala. Hahahaha," nakatawang sabi ko habang nakahimas sa batok. "Hindi, ayos lang," sabat ni Eliza at nagsimula nang tumawa. "Totoo? Hay, grabe naman sila tito. Parang tinutukso ka pa," 'di makapaniwalang sabi ni Clyde. "Ipakilala mo dapat kami," loko naman sa akin ni Jericho at bigla na lang siyang kinaltusan sa nuo ni Eliza na ikinatawa naming lahat. "Hon, naman!" angal ni Jericho. "Anong ipakilala?" pagmamasungit na sagot ni Eliza. "Joke lang naman 'yon," paliwanag niya. "Hay, paano kaya ako magpapakatino kung lagi ko 'yon makakasama?" angal ko ulit. "Edi i-fired mo," suggest ni Clyde na ikinaharap ko sa kanya habang nag-iisip. "Anong klaseng fired ba? Kapag naiisip ko siya, ako ang nag-iinit, e," hindi ko mapigilang sabi. "Ulol! Ibig kong sabihin palitan mo!" nakatawang sigaw ni Clyde sa tainga ko. Napa-isip tuloy ako. Gentleman akong lalaki at hindi ako nagtatangal ng babae lalo na kung walang dahilan. "Wahhh! 'Yung mukha niya talagang 'di niya kayang tanggalin." "Type niya yata, e." Bulungan ng dalawa sa harapan ko. "Nagbubulungan pa kayo, rinig ko naman." "So, type mo nga?" ZARINA POINT OF VIEW "Ilang kilo ba, hija?" tanong sa akin ng tindera. Namimili kasi ako ng mga ingredients dahil birthday ni Mama ngayon at pinapauwi nila ako sa bahay. "Dalawa po," sagot ko habang nakamostra. "Uy!" "Ayyy, kabayo!" sigaw ko nang may nangaliti sa tagliran ko. "Gwapo 'to, 'no! Hindi kabayo!" mayabang niyang angal habang nakatawa. "Marvin!" angal ko at inirapan siya. "Kumusta ka naman ngayon?" "Ayos naman. Ikaw, bakit nandito ka?" nakangising tanong ko. "Nakakuha kasi kami diyan ni Papa ng pwesto. Karnihan." "Ahhh, ang galing naman," napahangang sabi ko. "Wala ka bang bibilin na karne? Sa amin ka na lang bumili," aya niya sa akin. "Ay, kaya pala. Bebentahan ako. Hahaha," pabirong sabi ko. "Gano'n talaga. Business man na 'to, bro." Nakatawang kuha niya sa mga dala kong plastic. "Ang yabang mo! Kapag ako hindi mo nabigyan ng discount, ah!" "Oo, ako ang bahala sa'yo. Kung gusto mo nga, sagutin mo lang ako libre na lang lahat, e," biro niya pa sa akin habang hila na ko. "Sapok, gusto mo?" balik ko sa kanya habang pinapakita ang kamao ko. "Joke lang, eto naman parang hindi pa sanay. Ilang kilo ba?" "Tatlo't kalahati nito tapos dalawa nito. 'Yan lang," nakangiti kong sagot. Tinitigan ko si Marvin habang nagkikilo ng baboy. Dati pa man, gusto niya na talaga ang magnegosyo ng ganito. Siguro 'yan ang nagpapasaya sa kanya. Matagal ko na ring alam na may gusto siya sa akin dahil sa mga kaklase namin dati. Siguro 'di ko lang talaga siya type maging boyfriend kaya kahit anong pakita niya ng motibo ay dinadaan ko sa biro. Saka ang paghihiganti ko kay Ivan ngayon ang mas importante. Makakagulo lang kung magkakaruon pa ako ng boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD