Word 01

1938 Words
Napabuga ng hangin si Neil pagkatapos niyang isulat ang sagot niya sa huling item ng kanilang exam. Ito na ang huli nilang pagsusulit para sa kahuli-hulihang summer class nila. Clearing his chair, he slipped the pen he’s using inside his side pocket while the calculator in his back pocket. He stood up as he double checked his answer sheet if he answered all the items. Nang makita niya na wala siyang nakaligtaan ay naglakad na siya papunta sa harap kung nasaan ang teacher nila. Napatingin siya sa paligid nang mapansin niya na halos wala nang tao sa kanyang harapan at dinadaanan. He checked his wristwatch. Ilang minute na lang ay mauubos na ang nakalaang oras para sa pagsusulit nila. Napakamot siya sa kanyang ulo. Hindi niya namalayan na napatagal ang pagsagot niya. It is very unusual for him to be one of the students to pass their papers with only a few minutes left on the clock. Most of the time, isa siya sa mga nauunang nagsusumiti. Sinalubong siya ni Xavier ng isang batok pagkalabas niya ng classroom na siyang ikinabigla niya. Napahinto siya. “Ang tagal mo ata natapos?” may pang-uusisa na biro nito sa kanya. “Baka perfect mo na ‘yon.” “Gago. Sumakit lang ulo kanina kaya matagal akong natapos.” Inakbayan niya si Xavier nang mahigpit. Kinaladkad niya ito sa gitna ng hallway habang naglalakad siya papalapit sa mga kaklase nila. “Hindi naman ako kasing talino mo para ma-perfect ‘yon,” natatawa niyang sabi. Agad niyang binawi ang kanyang braso mula sa leeg ni Xavier nang nagpupumiglas na ito. Halata sa mukha nito na naiinis ito sa ginagawa niya. Neil and Xavier are the best of friends ever since their freshman year. Sa hindi malamang dahilan ni Neil ay silang dalawa ang palaging nagkakasundo sa klase nila. Aminado siya na hindi siya kasing talino ng kanyang kaibigan. Ngunit, tila magkadugtong ang mga bituka nila kung kaya’t madali silang nagkakasundo. Time flew by so fast that they will be on their fourth year sa BS Accountancy in the next academic year. Actually, this will be their last summer classes based on their school’s curriculum for their degree program. The next summer, after they graduate from their ladder degree – BS in Accounting Technology, will be their preparation for the qualifying examination which will determine if they can proceed to their fifth year in BS Accountancy. So, technically, they will be graduating students for two years since they will receive two bachelor’s degree. “Neil, Xav, mag-a-unwind kami mamaya. Sama kayo?” tawag pansin na tanong ng isang nilang kaklase. Kahit na silang dalawa ni Xavier ang palaging magkakasundo ay malapit pa rin naman sila sa mga kaklase nila. Why wouldn’t they? Kaunti lang naman sila na natira sa batch nila. There were only nineteen left on their batch from a hundred plus students during freshmen year. Kaya hindi nakakapagtaka na malapit silang lahat sa isa’t-isa. “Game ako!” masiglang sagot ni Neil at saka siya tumingin kay Xavier. “Ikaw, Xav?” Bago pa man makapagsalita ang kanyang kaibigan ay inunahan na niya ito. “Don’t say no. Malapit na tayong grumaduate, hindi ka pa nakakasama sa mga lakad ng klase.” Sinamaan siya nito ng tingin. Itinaas niya ang kanyang dalawang mga kamay. “Okay. Hindi ka nga pala lumalabas.” Alam naman niya na hindi talaga ito sasama. Sinubukan niya lang na kulitin ito baka sakaling pumayag. His best friend is not fond of night life. Ilang beses na niyang sinubukan na pasamahin si Xavier sa mga nagdaang taon pero wala talaga. Ni minsan hindi siya nagtagumpay na pasamahin ito. Humarap siya sa mga kaklase nila. “Saan tayo mamaya? Same time, right?” Wala namang masama kung sasama siya. Minsanan lang naman ito kapag katatapos lang ng mga exams nila at minsan kahit quiz lang - quiz na sobrang hirap. Kailangan din niya na mailabas ang stress paminsan-minsan. Hindi nagtagal ay napagkasunduan din nila na sa isang sikat na bar sila pupunta. They bid their goodbyes afterwards with the agreement that they will meet at the chosen bar later this night. “Hindi ka talaga sasama mamaya, Xav? Wala naman nang pasok bukas at sa susunod na dalawang linggo. We have two weeks to relax our mind and brain,” pamimilit niya. Naglalakad na sila palabas ng building nila. Nauna na ang kanilang mga kaklase dahil may aayusin pa raw ang mga ito. They were just taking their time for awhile. After two months of restless studying, they finally had the time to relax. Even though it was a summer class composed of minor subjects, it was bloody as hell. The teachers had high expectations from their class knowing that they are accountancy students. Hindi maari na mababa o sakto lang ang makuha nilang grade. As much as possible they must have a grade higher than their major subjects. “No,” tipid na sagot ni Xavier sa kanya. “Anong no? Na hindi ang sagot mo sa tanong ko?” he tricked Xavier. He crossed his fingers behind his back. “No - as in hindi ako sasama,” Xavier hissed with finality. Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya talaga mapipilit ang kaibigan niya. “Okay. Okay. Hindi na kita pipilitin,” natatawa niyang pagsuko. Once Xavier says no, it really means no. You can’t change his mind. They parted ways as they reached the ground floor. Neil went straight to the parking lot of their school while Xavier walked to the main gate. Inalok niya ito na sumabay na sa kanya dahil dala naman niya ang kotse niya. But for the second time around this day, Xavier turned him down. Mas gusto nito na maglakad muna pauwi ngayon. He understood him. It’s not new to him that his best friend will prefer to walk his way home. This is Xavier’s way to unwind – walking in silence. Playing with his car keys as he peacefully walked to his car, he imagined some possible things that might happen on their night out. Hindi niya mapigilan ang ngiti na gumuguhit sa kanyang mga labi. Something within him has awakened and took over him. He shook his head trying to cast away his thoughts. Napahinto siya sa kanyang paglalakad na saktong tapat din ng kanyang kotse. Hindi dapat siya magpadala sa kung ano man ang nagigising sa kanyang katawan. He needed to control himself. Or else, he might do a sinful act out of his normal state if he can’t hold himself. He took deep breaths clearing his mind. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. He was about to unlock his car when his phone distracted him from doing so. Nagba-vibrate ito mula sa kaliwang bulsa ng pants niya. Napapikit na lamang siya kasabay paghinga niya nang malalim habang dinudukot ang kanyang cell phone. There’s only one mobile application on his phone that was set into vibration once it has a notification. Ito ang application na nagagamit niya tuwing inaatake siya ng makamundong pangangailangan. The said application is more like the mobile application version of the school’s website but an upgraded one. Mayroon itong features na katulad ng sa mga social media applications kung saan makakapag-post ka ng status at chat. Hindi ito exclusive sa mga mag-aaral ng paaralan nila. It was made by some of the IT students in their school. Katuwaan lang talaga ang paggawa nito ngunit sa paglipas ng panahon ay kumalat ito sa school nila. No one knows kung nakarating na rin ang application na ito sa outsiders. Doon na nagsimula na gamitin ito ng mga students para sa school announcements, gossips at kung ano pa mang pinagkakaabalahan ng mga estudyante. But, just like any other programs, it also has its dark side. Kahit na tungkol sa mga ganap sa paaralan nila lamang ito ginagamit, ay nakakagawa sila ng dummy accounts rito. May sarili rin itong alternate universe na gawa mismo ng mga mag-aaral. There, the students lurk to satisfy their mortal craving. Neil massaged his temple slowly for a minute. Umaasa siya na hindi galing sa isang uhaw na tao ang notification. Kakasabi niya lang sa kanyang sarili na hindi dapat siya magpatalo. Ngunit, heto siya ngayon ilang hibla na lang ang natitirang kumakapit para lumaban. Dahan-dahan ang pagmulat ng kanyang mga mata. He sighed in relief when his sight landed to his phone. Isa lang pala itong follow notification, hindi isang message. Mabuti na lang ito ang nabasa niya. Ang dummy account pa naman niya ang naka-log in dito. Nakaligtas siya. Akala niya’y hindi siya agad makakauwi. Pabagsak na humiga si Neil sa kanyang kama. It was a tiring day for him. Buong araw ang exams nila. Pinagsabay na sa isang araw na ang mga exams nila dahil tatlo lang naman ang subjects nila. Pero nakakapagod pa rin ito dahil magkakasunod. Thirty minutes lang ang pagitan ng bawat subject. Inilabas niya ang mga laman ng mga bulsa niya’t pinatong ang mga ito sa kama maliban sa kanyang telepono, sa may gilid ng kanyang ulo. Tiningnan niya muna ang group chat nila ng mga kaklase niya kung may update o pagbabago sa napagkasunduan nila kanina. Before he can even turn it off, it shut down by itself. It ran out of battery. Napilitan siyang bumangon upang i-charge ito at saka muling pabagsak na humiga. Nakasabit ang mga paa sa dulo ng kama. He raised his right arm lazily. He still has time for a nap. Using the toes of his feet, he slipped off the shoes he’s wearing. He crawled in bed making himself comfortable sleepily. Naalimpungatan na lamang si Neil sa maingay na pagtunog ng kanyang cell phone. His classmates were calling him. Still eyes closed, he extended his right arm reaching his phone with a slight feeling of annoyance. Malalim na ang tulog niya nang biglang tumunog ito. Ito pa naman ang naging una niyang mahimbing nitong summer. Kinain ng academics ang oras niya sa nagdaang mga araw. He didn’t bother to know who was calling him. Agad niyang sinagot ang tawag nang maabot niya ng kanyang kamay ang tumutunog pa ring telepono niya. Inilapit niya ito sa kanyang tainga. “Hello,” medyo inaantok pa ang boses niya. He could hear the upbeat music in the background from the other side of the line. “Hoy, Neil! Nasaan ka na? Nakalimutan mo ata ang lakad natin ngayon,” natatawang sagot ng kausap ni Neil sa cell phone. Napamulagat si Neil sa kanyang narinig. Inilayo niya ang cell phone sa tainga niya’t tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya. It was one of his classmates. Doon niya lamang naalala ang usapan nila ng kanyang mga kaklase. Taranta siyang bumangon mula sa kama. Mabilis siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng kanyang kuwarto. He chuckled. “Buti na lang tumawag ka, bro. Nakatulog kasi ako.” Natawa na rin siya sa sarili. Ang tagal din ng naging pagtulog niya. Hindi na nga siya nakapag-dinner. “Akala nga namin nakalimutan mo na which is impossible. Ikaw pa ba makakalimot?” “Syempre, hindi! I’ll be there in a few. Maghahanda lang ako.” He ended the call right after his last word. Pinatong niya ito sa itaas ng maliit na cabinet sa may gilid ng sink. He stared at his reflection in the mirror in front of the sink. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya habang nakatukod sa magkabilang dulo ng sink ang kanyang mga kamay. “Let’s enjoy the night, Neil.” His smile slowly turned into a grin before he moved to prepare himself for their night out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD