PANGITI-NGITI si Ariella na lumabas ng mall nang sumagi sa isip niya ang nangyari kaninang umaga. Talagang mahal siya ni Devyn kaya sino ba siya para hindi tanggapin ang pagmamahal nito? Mahal din naman niya ang binata. Minsan na niyang naitanong sa sarili niya kung bakit niya nagustuhan si Devyn. Saksakan ito ng yabang at bastos nang makilala niya kaya paulit-ulit na tinatanong niya ang sarili. Sana naman ay maging maayos na ito kapag naging sila na ng binata. Nawala na lamang ang ngiti sa labi niya nang makita sa hindi kalayuan ang papa niya. Napalunok siya saka nagmartsa papalapit dito. Akmang kukunin na niya ang kamay nito para magmano ay kaagad nitong iniiwas ang kamay kaya tumigil sa ere ang kamay niyang hahawak sana sa papa niya. Naiiling niyang ibinaba ang naka-angat na kamay sa