PAKIRAMDAM ni Ariella ay parang nakalapat pa rin ang labi ni Devyn sa kaniyang labi. Hawak-hawak niya iyon habang malalim ang iniisip. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan na hinalikan siya ni Devyn na may pagkamanyak. Ramdam na ramdam niya pa rin ang labi nito kahit na halos tatlumpung minuto na ang nakalipas nang halikan siya nito.
Hindi siya makapaniwala na hahalikan siya ng binata dahil sa totoo lang ay iyon ang unang halik sa buong buhay niya. Si Devyn ang lalaking unang humalik sa kaniya kaya ganoon na ang ang pagtatanong niya sa sarili. Bakit niya ako hinalikan? Bakit niya iyon ginawa?
Noong una'y nagpupumiglas sa mapusok na labi nito pero hinayaan na lang niya kapagkuwan. Ilang libong boltahe ng kuryente ang nanalantay sa kaniyang katawan nang simulan na siyang halikan nito at wala siyang ginawa kundi ang sagutin ang halik ni Devyn. Ang sarap.
"Tulala ka riyan, Ariella."
Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Tracy, ang kaibigan niya. Kakapasok lang niya kaninang umaga pero naging magkaibigan na rin silang dalawa.
"May iniisip lang kasi ako, Tracy."
Bumuga siya ng hangin sa bibig saka naglakad papasok sa counter kung nasaan ang kaibigan. Hindi pa naman ganoon karami ang customer kaya ayos lang na mag-usap sila.
"Iniisip mo ba iyong lalaking nambastos sa iyo kanina?" seryosong tanong nito sa kaniya.
Nangingiti na lang siyang umupo sa isang stool saka humarap sa kaibigan. "Oo, ang bastos-bastos!" gigil niyang bigkas saka kumunot ang kaniyang mukha kapagkuwan. "Teka nga, ano pa lang nangyari kanina?" tanong niya pa.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukh ni Tracy at napaghalataan niyang galit ito dahil halos hindi maipinta ang mukha nito.
"Bigla na lang ba akong hinila ng isang lalaking kasama ng lalaking nambastos sa iyo. Hinila niya ako patungo sa fitting room at hinalikan. Hindi ko naman siya kilala! Pati natatakot ako dahil baka malaman iyon ng boyfriend ko." Lumapit sa kaniya ito. "Please, Ariella, ipangako mo sa akin na wala kang sasabihan ng nangyari kanina, nagmamakaawa ako." Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at kita niya sa mga mata nito ang pagsusumamo.
Bumuntong-hininga siya saka pinakatitigan ito. "Magtiwala ka sa akin, Tracy at wala akong gagawin na ikakasama o ikakasira mo. Maaasahan mo ako kahit bago lang tayong magkaibigan," nakangiti niyang sabi rito.
Hinimas-himas ni Tracy ang kaniyang mga kamay na hawak. "Maraming salamat, Ariella. Buti at mabait ka at maaasahan, hindi katulad noong dati kong kaibigan na niloko ako."
Ngumiti lang siya rito para ipakita na dapat maging positibo. "Kung ano man ang nangyari, kalimutan mo na."
"Salamat talaga. Utang na loob ko sa iyo ito."
"Teka lang! Matanong lang, ha. Hindi ka naman hihilahin ni Everett kung hindi ka niya kilala. Ang ibig kong sabihin ay, baka may affair na kayo dati..." naguguluhang aniya.
"Sino si Everett?" nakakunot-noong tanong nito.
"Iyong lalaking humila at humalik sa iyo. Nakilala ko lang siya nitong nakarang araw at sobrang bait n—"
Kaagad na nagsalita si Tracy. Umikot pa ang mga mata nito na tila'y naiinis. "May mabait bang nanghihila at nanghahalik na lang ng basta-basta? Nakakainis iyon, Ariella. Gusto ko siyang isumbong sa pulis pero iniisip ko na baka malaman pa ng boyfriend ko ang nangyari," lintaya nito na ikinatango na lang niya.
"Kanina lang ba kayo nagkakilala o matagal na?"
Sandaling nanahimik ang pagitan nilang dalawa. Pinakatitigan niya ang mga mata ni Tracy na nasa malayo ang atensyon. Mukhang nagdadalawang isip siyang sagutin ang napakasimple niyang tanong.
"Actually, nagkakilala na kami noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung nagkakilala ba kami o ano. Basta nakita ko lang siyang nakasandal sa kotse niya habang ako ay naglalakad tapos may biglang umagaw ng bag ko at hindi ko namalayan na hinabol na niya iyong kumuha ng bag ko. Natatakot ako noon kasi mahalagang mga gamit ang nasa loob ng bag na iyon at hanggang sa dumating siya na dala ang bag ko at nagpapasalamat ako dahil utang ko sa kaniya ang pagbalik niya sa akin ng bag ko. Ayon ang una naming pagkikita at kanina lang ang pangalawa," pagkukuwento nito na ikinaguso na lamang niya.
Iba rin pala si Everett. Baka na-love at first sight ito kay Tracy kaya ganoon na lang ka-obssessed ito sa kaniyang kaibigan. Maganda naman ito at guwapo naman si Everett.
"Love at first sight ang tawag doon, Tracy. Na-love at first sight sa iyo si Eve—" Natigilan na lang siya ng isang pamilyar na boses ang sumingit.
"Yeah, na-love at first sight ako kay Tracy."
Nang balingan niya kung sino iyon. Isang guwapong lalaki ang papalapit sa kanila. Naka-shade ito habang nakapamulsa at may malaki pang ngiti sa mga labi. Walang iba kundi si Everett. Mr. Guwapo!
"At anong ginagawa mo ritong bastos na lalaki ka?" kaagad na tanong ni Tracy nang medyo makalapit na si Everett sa kanila.
"Because I want to see you, honey," nakangiting anas ni Everett.
Natuod na lang siya sa kinauupuan nang tanggalin nito ang kaniyang shade at ganoon na lamang ang gulat niya. Ang guwapo talaga, napakaguwapong nilalang.
"Huwag mo akong ma-honey honey diyan dahil may boyfriend na ako. Kung wala lang siguro akong boyfriend ay kanina pa kitang napapulis!" Ramdam niya sa boses ni Tracy ang tindi ng galit kay Everett na ikinangisi na lang niya.
"I don't care if you have a boyfriend. I love you, Tracy Del Rosario at hindi kita papakawalan pa kahit na may boyfriend ka pa. Aagawin kita at wala akong paki kung magkamatayan man," nakangising anas ni Everett habang matalim ang titig nito sa kaibigan niya.
Napatingin siya kay Tracy at saktong nagmartsa ito palabas ng counter. Akala niya'y aalis ito pero nagkamali siya, lumapit lang naman ito kay Everett at binigyan ng mag-asawang sampal. Rinig na rinig pa ng mga tainga niya ang paglapat ng palad ni Tracy sa makinis at maputing mukha ni Everett.
Hindi yata nasaktan si Everett dahil nakangiti pa itong humarap sa kaibigan niya. Ang panga nito at gumagalaw at mukhang pinipigilan lang ang inis, iyon ang pananaw niya sa mga lalaking gumagalaw ang mga panga.
"Hindi ako nasaktan, Tracy." Kapagkuwan ay ngumisi ito at matalim na tumitig kay Tracy. "Akin ka, Tracy, you are mine." Pagkatapos nitong sabihin ang huling salita at dumukwang si Everett kay Tracy at mabilis na hinalikan ang kaibigan niya.
Napalunok na lang siya nang makita ang dalawa. Para lamang siyang nanonood ng teleserye sa T.V dahil sa ginagawa ng dalawang nasa harapan niya. Hanggang sa natigilan na lang ang dalawa ng isang baritono ang umeksena.
"Anong ibig-sabihin nito, Tracy!"
Nakita ni Ariella na itinulak ni Tracy si Everett palayo at tumingin kung saan. Ang atensyon ni Tracy ay napangko hindi kalayuan sa kanila.
"B-benjie..." hindi makapaniwalang sabi ni Tracy saka tumakbo sa lalaking hindi naman kalayuan, nakayukom ang mga kamao nito at halatang galit na galit na.
"Anong ibig-sabihin nito, Tracy? Niloloko mo lang ba ako? Nakikipaghalikan ka sa lalaking iyan? Pinaglololoko mo ba ako, Tracy?" sunod-sunod na tanong ng lalaking nagngangalang Benjie.
"Hayaan mo muna akong mag-explain, Benjie. Hindi ko ginusto ang nan—"
Ngumisi si Benjie saka matalim ang mga matang tumingin kay Tracy. "Hindi ba ginusto iyong hinayaan mo lang ang lalaking iyan?" Sandali nitong tiningnan si Everett na nakatayo lamang at ibinalik ang atensyon sa mga mata ni Tracy na lumuluha na. "Hindi ko alam kung bakit mo nagawa ito sa akin, Tracy. Ang sakit-sakit dahil niloko mo ako. Tatlong taon na tayong magkarelasyon at ikaw lang pala ang sisira noon. Nangako ka na hindi mo ako iiwan o lolokohin pero anong ginawa mo, Tracy? Niloko mo ako, punyeta ka! Sige, magpakasasa ka sa lalaking iyan dahil mukhang mas mapera pa iyan kaysa sa akin. Magsama kayo. Hiwalay na tayo, Tracy! Putangina lang!" galit na lintaya ni Benjie saka galit ding nagmartsa palabas ng store.
Dahil sa pag-aalala sa kaibigan na ngayon ay humahagulhol na, lumabas siya ng counter at inalalayan itong makaupo sa isang upuan. Nag-aalala siya sa kalagayan nito lalo na't hindi iyon biro, ang makita ng boyfriend nito na may kahalikan siyang ibang lalaki at alam ni Ariella na masakit iyon.
"Okay lang iyan, Tracy. Lalaki lang iy—"
Tumayo si Tracy mula sa pagkakaupo at galit na kinuyom ang mga kamao saka lumapit kay Everett na nakasandal lang sa counter. Sumunod siya sa kaibigan para alalayan ito sa ano mang mangyayari.
"Nang dahil sa iyo, hiniwalayan ako ng boyfriend ko!" sigaw nito saka dinuro-duro si Everett na nakatitig lang kay Tracy. "Nang dahil sa kapusukan at kabastusan mo, nakipaghiwalay ang boyfriend ko." Lalo pa itong humagulhol. "Nang dahil sa iyo, nasira ang relasyong matagal ko nang inaalagaan. Nang dahil sa iyo, nangyari ang lahat..."
Para yatang walang puso si Everett dahil nakita niya itong ngumisi. Wala ba itong awa sa nararamdaman ni Tracy ngayon? Parang mali yata ang pananaw niya rito noong una silang magkita. Oo, nasabi niya na mabait ito lalo pa't binigyan siya nito ng maraming pera pero iba ngayon, relasyon ang pinag-uusap at totoo ngang sinira nito ang relasyon ni Tracy at ng boyfriend nito. Baka ganito lang talaga siya, mabait sa una, may pagkademonyo rin pa lang natatago.
"You know, mas mabuti nga iyon, na nakipaghiwalay ang boyfriend mo dahil mapapasaakin ka na, Tracy. You're mine and no one can own you, naiintindihan mo ba ako?" nakangising anas ni Everett kay Tracy.
"Sa tingin mo magugustuhan kita dahil sa ginawa mo? Manigas ka! Hindi mo ako pagmamay-ari para sabihing iyo lang ako. Wala kang karapatang sabihin iyan, gago ka!" Lumapit si Tracy kay Everett saka sunod-sunod na sinuntok ang matigas na dibdib nito.
Hindi gumagalaw ang lalaki at hinahayaan lang si Tracy. Ni hindi nakikita ni Ariella na ngumingiwi ito. Talagang hinayaan lang nito ang kaibigan niya na suntukin siya.
"Continue, I won't stop you dahil darating din ang panahon na magugustuhan mo rin ako. Na magmakaawa ka na huwag akong umalis sa tabi mo, pinapangako ko iyan, Tracy Del Rosario," anang Everett at parang may pagbabanta pa ang tono nito.
Tumigil si Tracy at galit na pinukawan ang lalaki. "Sumabog man ang araw at mga planeta sa solar system, magkaroon man ng lindol at tsunami, at umulan man ng apoy at kutsilyo, hinding-hindi ko magugustuhang ang isang lalaking katulad mo!" gagad nito saka tinalikuran na si Everett kaya napasunod na lang siya sa nagmamartsang si Tracy.
"I can do whatever you want, I can buy whatever you want and I don't even care kung mahal man iyan. Please, Tracy, I just want you to love me back as what I did to you. Mahal kita, Tracy."
Tumigil ang kaibigan niya kaya tumigil din siya. Humarap ito sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanila at muling siniilan ng matalim na tingin. Go, go lang, Tracy, support kita riyan! Anang utak niya.
"Gusto ko lang sabihin na wala akong pakialam sa pera mo! Mas gugustuhin ko pang paghirapan ang perang ibibili ko kaysa manggaling sa lalaking nanira ng relasyon ko. Wala akong pakialam kung mayaman ka katulad ni Bill Gates o kung sino man, ito lang ang sasabihin ko sa iyo, isaksak mo sa baga, utak, mata, tiyan, atay, bato, bituka, puwet, at sa itlog mo iyang mga pera mo!" gigil na anas ni Tracy na ikinatawa niya. Iba rin ang bibig nito, walang sinasanto.
Tumingin siya kay Everett at ang mga mata nito ay talagang nagmamakaawa. Nagmamakaawa na mahalin siya pabalik ng kaibigan niya pero talagang matigas ito.
"Mahalin mo na lang ako katulad ng pagmamahal ko sa iyo, Tracy," wika ni Everett.
"Hindi kita mamahalin, never! Cross my heart and hope to die. Mas mamahalin ko pa ang pulubi kaysa sa iyo na pera lang ang pantapat!" gagad pa ni Tracy saka muling lumapit sa lalaki at walang habas nitong sinampal si Everett. "Sampal bilang kabayaran sa pagsira mo ng relasyon namin ni Benjie." Muli naman nitong sinampal ang lalaki na hindi man lang ngumingiwi. "Isa ulit sampal dahil sa pagbastos mo sa akin kanina!"
"Pulubi pala, huh? Mas pipiliin mo pa ang pulubi kaysa sa akin na may pera?" nakakunot-noong tanong ni Everett kay Tracy.
Umarko ang magkabilang kilay nito. "Oo, mas pipiliin at mamahalin ko pa ang pulubi kaysa sa iyo." Inikot pa nito ang dalawang kilay bago bumalik sa posisyon niya at hinila siya nito papalabas ng store.
Mula sa loob, halos lahat ng tao ay nasa kanila ang mga atensyon na parang may nagaganap na shooting ng isang teleserye.
Hila-hila siya ni Tracy hanggang sa tumigil sila sa isang hallway na kakaunti lang ang mga taong nadaan. Sumandal ito sa pader at doon humagulhol.
Dahil sa pag-aalalala, tumabi siya rito at sinapo ang likod nito saka marang minasahe. "Magiging maayos din ang lahat, magtiwala ka lang."
DUMATING na ang uwian kaya naman lumabas na sina Ariella at Tracy sa Lorenzo's Store para umuwi. Wala pa ring tigil sa pagluha si Tracy kahit na may pinapagalitan na sila ng kanilang boss na si Wendzki.
Nang makasakay sa escalator, hinawakan ni Ariella ang laglag na balikat ni Tracy.
"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong dito.
Nakayuko lang ito kaya hindi niya makita ang mukha nito ngayon. Pero ramdam niya ang nararamdaman nitong sakit kahit na never pang nangyari iyon sa buhay niya, masakit para sa kaniya lalo pa't nasa harap siya nang masaktan ang kaibigan.
Hanggang sa makarating sila sa unang palapag ng mall at naglakad na para lumabas ng Cunningham Shopping Mall. Walang pinagbago sa posisyon ni Tracy, ganoon at ganoon pa rin.
Nang nasa labas na, nagsalita siya. "Paano ba iyan? Mukhang hanggang dito na lang tayo, Tracy. Mukhang may nag-aabang sa akin." Ngumiti siya at mula sa malayo ay natanaw niya ang papa niya. "Gusto sana kitang ihatid sa sakay—"
"Huwag ka nang mag-alala dahil okay na ako, Ariella. Umalis ka na lang," ani Tracy sa malumanay na tono.
Bumuga siya ng hangin sa bibig bago niyakap ang kaibigan. "Mag-iingat ka." Pagkasabi niya noon, umalis siya sa pagkakayakap dito at tumalikod na saka naglakad para magtungo sa papa niyang mukhang kanina pang naghihintay.
Nag-aalala siya para kay Tracy. Gusto niyang balikan ito para may masamahan ito sa sakit na nararamdaman pero nang humarap siya rito, wala na ito. Nabuga na lang siya at laglag ang balikat na tinungo ang ama.
"Mano po, Pa." Kinuha niya ang kamay ng paa at idinikit iyon sa kaniyang noo saka sumakay na sa loob ng tricycle na minamaneho ng papa niya. Tricycle driver ito at proud na proud siya dahil marangal ang trabaho ng papa niya at hindi katulad ng sa iba na sa masama galing kinukuha ang pantustos sa pamilya. Proud ako at mahal na mahal ko si papa kahit na hindi siya ganoon kaedokado.
"Kumusta naman ang unang araw ng trabaho, anak?" tanong ng papa niya nang matapos i-start ang tricycle at pinaandar na.
Ngumiti siya. "Okay naman po," pagsisinungaling niya. Kahit na ang totoo ay ang araw na ito ang pinakangmasamang araw sa buhay niya dahil sa hindi inaasang pangyayari. Ang kaniyang happy thought na magiging masaya ang trabaho niya ay nauwi sa bangungot o destruction, na parang dumating ang napakalaking at nagtataasang alon at dinala siya nito patungo kung saang lupalop.
Haystttt! Napabuga na lang siya ng hangin saka ipikit na ang mga mata.