CHAPTER 2

2507 Words
"BYE, baby Everett, see you tomorrow!" "f**k you!" Akmang susuntukin na siya ni Everett nang kaagad siyang makalabas ng sasakyan nito. Tumawa siya na may pang-aasar. That's why I love him— as a friend! Ang dali-dali maasar. "Ayaw kong makita ang pagmumukha mo kaya hindi na matutuloy ang balak natin bukas. Mind your own craziness, Devyn!" Inikot pa nito ang mga mata bago sinaraduhan ang bintana saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan. He sigh while looking at his friend who's mad at him. Well, ganito naman talaga ako kaya hindi big deal ang katangahang ginagawa ko. Pumasok na siya sa kanilang bahay bago umupo sa couch at sumandal doon bago ipinikit ang mga mata. He needs some air, feeling niya'y maso-sofocate siya nang maalala iyong babae kanina. She's beautiful! The first time he saw that woman— Ariella, he felt something strange in his heart. Iyong kagaguhan niyang ginagawa ay mukhang hindi na niya magagawa dahil dito. Pinakita nito sa kaniya na kailangang respetuhin ang mga babae at hindi binabastos as what he always did to anyone especially those women. "Naglagay ako ng three million sa account mo, Devyn!" Naimulat niya ang nakapikit na mga mata nang marinig iyon. It was familiar for him pero hindi na siya nagtaka nang makita ang dad niyang pababa sa hagdan at mukhang sa kaniya pa pupunta. "Bakit?" Umayos siya ng umupo saka kinunot ang noo. His father didn't answer him. He keeps on walking hanggang sa makarating sa harap niya at umupo sa couch na nasa harap din niya. Pinakatitigan siya nito na ikinalunok niya, the way he looked at him, it looks like he was the prey and his father was the predator. "How old are you, Devyn?" Why he didn't answer me? That's insulting! "25," walang kabuhay-buhay niyang sagot dito. "May matino ka na bang babae? Like, do you already have a fiancé? I know you're a playboy pero dapat sumeryoso ka rin sa isang babae. So, answer me." He smirked. Bakit para laging nanguna ito? Or should I ask, bakit lagi ako nitong pinangungunahan? Bullshit! "I don't have a fiancé because women are just a toy and I didn't respect them because they are just a piece of s**t. I only one love and it was my mother, the only woman that I had respect." Biglang nandilim ang mukha ng kaniyang dad. Parang handa na siya nitong kainin dahil sa sama ng tingin nito at halatang-halata pa na nagpupuyos lang sa galit. Nagalaw-galaw ang panga nito, he gritted for f**k's sake. "How could you? Women aren't just a toy." He stood up. "Itatak mo sa kokote iyang sinabi ko, hindi lang basta laruan ang mga babae, they need to be respect." Then his father left him alone. Napabuga na lang si Devyn nang mawala na sa paningin niya ang kaniyang dad. Lumabas ito at hindi niya alam kung saan pupunta. Maybe in the company? Or he wants to be alone? Hindi pa man nakakalipas ang ilang minuto nang bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok ang ama niya na may kasamang— babae? For real? Is she my father's girl? Tapos may kasama pang isang matanda na mukhang kaedad lang din ng dad niya. "Devyn!" tawag sa kaniya ng daddy niya kaya naiinis siyang tumayo at lumapit dito. Ano na naman bang pakulo ito, Dad? He rolled his eyes because of his dad craziness. "Who is she? And he?" takang tanong niya saka tinuro ang babae na parang kaedad lang niya at sa matandang nasa tabi nito. "Devyn, I would like to introduce you this beautiful woman." Tinuro nito ang babaeng nasa harap nila, nakangiti ito. Tsk, basically not my type! "She is Samantha and he is Fred, her father," anito pa saka tinuro ang matandang nasa tabi ng babaeng nagngangalang Samantha. "Then?" Confusion filled his whole body as he looked at his father who was just smiling. Weird, it's really weird. "Anak, you told me na wala ka pang fiancé so, she, m-marry Samantha..." Marry Samantha? Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi niya maiwasan ang mapangiwi. Hindi niya type ang babae at hindi niya rin ito papakasalan. No way, dumanak o bumaha ng dugo, I won't marry her. "Nagkasundo kami ng Dad mo, Devyn na ikasal kayo ni Samantha. Huwag kang mag-alala dahil mabait ang anak ko. She's responsible woman," anang Fred, Samantha's father. Susunod-sunod siyang umiling bago tiningnan ang ama. "Dad, it's my life at ako ang magdedesisyon kung sino ang papakasalan ko. Huwag niyo akong pangunahan dahil hindi ko siya papakasalan," iritado niyang saad saka galit na tinalikuran ang ama saka bumalik sa pagkakaupo kanina. "Mukhang hindi sang-ayon ang anak mo, Denz, so, yeah, just respect his decision at mukhang ayaw talagang pakasalan ni Devyn ang anak ko." It was Fred who's speaking. "I'm sorry, Fred." His dad looked at Samantha. "I'm sorry too, Samantha. Hope you two respect his decision." "Okay lang naman po iyon, Tito Denz." Samantha was smiling and she looks beautiful. Not my type! "Mauuna na kami, Denz." Tumango lang ang dad niya kaya lumabas na rin ang dalawa. He took a sigh and looked away from his dad who's looking at him badly. "Ano bang ginawa mo, Devyn? Bakit ayaw mong pakasalan si Samantha? She's pretty and I like her. Bakit ayaw mo siyang pakasalan? At talagang pinahiya mo pa ako!" He frowned. "Buhay ko ito, Dad at ako ang magdedesisyon kung sino ang papakasalan ko. Wala pa sa akin ang magpakasal dahil bata pa ako, I wanna enjoy this life." "For real, Devyn? Hindi mo talaga papakasalan si Samantha." "Yes, Dad. Ayaw kong pakasalan ang babaeng hindi ko kilala at hindi ko mahal. So, sorry for not accepting your offer." He shrugged then stood up. Akmang maglalakad na siya paalis nang magsalita ang galit niyang ama. "Then work on my company." Matawa-tawa niyang tiningnan ito. "Dad, ilang ulit mo na iyang sinasabi sa akin pero hindi ko naman tinatanggap. Ayaw kong magtrabaho at ayaw kong mahirapan." "Then marry Samantha kung ayaw mong mahirapan ka!" sigaw nito na hindi man lang niya ikinagulat. "Talaga bang gusto mo akong ikasal sa babaeng kanina ko lang nakita? Hindi ko rin siya kilala at mas lalong hindi ko siya mahal." Sinamaan siya ng tingin nito bago lumapit sa kaniya. Ilang dangkal lang ang layo nito sa posisyon niya kaya hindi nakatakas sa ilong niya ang hininga nito. Amoy alak. "Magtatrabaho ka sa kumpanya ko. Dati, I want you to be its CEO pero nagbago ang desisyon ko." Mas lalong sumama ang tingin nito bago ngumisi. "Kulang ako sa Janitor and yes, you will work as a Janitor. Goodluck, son!" He tapped his shoulder before left him shocked. Nanigas siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa bultong ng ama na naglakakad sa hagdan. For real? Ganitong kaguwapo, magtatrabaho bilang Janitor? Baliw na ba siya? If not, why the heck he would do that to his own f*****g son? He talked himself. "DAD, I thought sa company natin ako magtatrabaho pero bakit natin nilampasan?" tanong nito. It was Saturday morning, hindi siya sa sanay na gumising ng maaga pero wala siyang nagawa nang gisingin siya ng ama niya dahil ang araw na ito ay simula ng kaniyang trabaho bilang Janitor. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon dahil kapag hindi, he definetly marry Samantha na hindi naman niya kilala at gusto. Now, Devyn was confusing dahil lumampas na ang kotseng sinasakyan nila sa kanilang gusali. "Nagbago ang desisyon ko. Kina Fred ka na magtatrabaho. You're unlucky because my secretary called me that they had already found Janitors and Janitress. Basically, doon ka na magtatrabaho." "With that woman named Samantha?" malakas ang boses niyang tanong dito. "Huwag kang mag-alala dahil wala si Samantha sa kumpanya ng Dad niya. Kaparusahan mo iyan sa hindi pagpayag sa gusto ko na ikasal kayo ni Samantha." Hindi niya ito sinagot. He crossed his arms and looked on the road strictly. Hindi na niya alam kung ilang minuto ang naging byahe nila hanggang sa makarating sila sa isang matayog na gusali. Bumaba ang ama niya kaya bumaba na rin siya. "Let's go, Devyn." Naiiling siyang sumunod sa ama na ngayo'y naglalakad na patungo sa main entrance ng building. Pesteng buhay ito! Pinahid na lang dapat ako sa kumot! "Good morning po, Sir. Denz." "Good morning too. Where's your boss?" his dad asked the chubby guard. "Nasa conferrence room po, Sir. Denz. Puwede na po kayong pumunta roon dahil kakatapos lang po ng meeting nila." Ngumiti lang ang ama niya kaya sumunod siya. Para siyang tuta na sunod-sunod sa taong may dalang pagkain. Damn this f*****g life, nakakairita! Pumasok na sila sa elevator at pinindot ng ama niya ang 16th floor. He just crossed his arms and leaned on the elevator's wall. After how many minutes, bumukas na rin ang elevator at muli na naman siyang sumunod sa dad niyang lumabas. s**t, mukha akong pulubi rito! Naglakad na sila sa mahabang hallway hanggang sa kumaliwa ang ama niya at binuksan nito ang malaking pintuan. Iyon ang conferrence room. Pumasok ang ama niya kaya sumunod siya, he keeps in his back, para siyang batang iiwan ng ina sa grocery store. So stupid! "Good morning, Fred." "Oh, good morning, Denz. What's you brought here? Is there any problem?" anang Fred at nag-alala pa itong tumayo sa swivel chair at lumapit sa kanilang dalawa. "Bakit kasama mo si Devyn?" nagtataka pa nitong tanong saka tumingin sa kaniya. "Naalala mo ba iyong text ko sa iyo kagabi?" tanong ng dad niya rito. Tumango lang si Fred. "Good dahil ang batang ito ang magtatrabaho rito." Hinawakan siya ng kaniyang ama sa braso at puwersahan siyang iniharap kay Fred. It was bullying, a physical bullying. "Seryoso ka? Ang anak mo ang pagtatrabahuhin mo bilang Janitor? Don't joke me, Denz." "I'm serious, Fred. Siya ang magtatrabaho rito and that's final!" madiing anas ng ama niya saka tinapik ang kaniyang balikat. "Gawin mo ang iuutos sa iyo ng Sir. Fred mo, if not, ikaw ang malilintikan sa akin!" anito pa saka binitawan siya at lumabas na ng conferrence room. "Ahmmm..." Napalunok siya ng kaway. "Can I start my work now? As in now!" aniya rito. Ngumiti ang Sir. Fred niya bago tinapik-tapik ang nanlulumo niyang balikat. "Sure, follow me!" Nilagpasan siya nito kaya napasunod na lamang siya. This is the bad day I'd encountered in my whole life. Nakakainis! SABADO ng umaga, imbis na magtinda ay nakahiga lang si Ariella sa kaniyang papag habang hawak-hawak ang mga lilibuhing pera na ibinigay sa kaniya ni Mr. Guwapo— Everett. "Putangina! Saan ka nakapagnakaw, Ariella?" Gagad na itinabi ni Ariella ang mga perang hawak niya bago tiningnan kung sino ang nagsalita. Sa may paanan ng papag na kaniyang kinahihigaan, nakatayo roon ang kuya Abo niya habang malalaki ang mga mata at nakanganga pa. Ang pangit. "Ang judgemental mo naman, Kuya Abo!" Iniikot niya pa ang mga mata rito dahil medyo nainis siya. "FYI, never pa akong nagnakaw sa tanang buhay ko kaya itikom mo iyang bibig mo!" dagdag niya pa sa naiinis na tono. "Seryoso, Ariella. Saan galing ang mga perang hawak mo?" Umupo ito sa paanan niya at hinihintay siyang sumagot. Nangangamoy na naman! Nangangamoy utang na naman itong kapatid kong ito. "Binigay lang iyon ng isang mayamang lalaki." "Sus! Hindi kita isusumbong kina Mama at Papa kung bibigyan mo ako ng pera. Pambili ko lang ng cellphone. Dali na, Ariella." Sinabi niya sa sarili niya na kakanyahin niya lang ang pera pero parang magsisi siya dahil sa kapatid niyang ito. Napakapal ng mukhang hingian siya samantalang hindi nga niya ito hinihingian ni singkong duling. "Pambili ng cellphone? Sarili ko nga hindi ko mabilhan ng cellphone, ikaw pa kaya?" naiiritang tanong niya rito. "Dali na, Ariella. Baka naman kasi gusto mong malaman ito nina Mama at Papa. Okay lang na hindi mo ako bigyan." Tumayo ito at naglakad na pero hindi pa naman ito tuluyang nakakaalis nang tawagin niya ito. Wala na akong pagpipilian! "Sandali!" Kinuha niya mula sa ilalim ng unan ang mga pera. Kumuha siya ng limang libo saka inabot iyon sa kapatid niyang nag-uuhaw sa pera. "Ayan na, ipambili mo na ng bago mong cellphone." "Dagdagan mo naman, Ariella. Kulang pa ito, isang libo na lang. Oo, isang libo na lang." Kunot-noo siyang kumuha ng isang libo saka pagalit iyong ibinigay sa kapatid. "Ayan na, tumahimik ka na lang at kapag nalaman ito nina Mama at Papa, sasabihin kong damay ka rin!" Pangiti-ngiti lang ang kapatid niya bago lumabas ng kinauupaan niya. Peste talaga ang lalaking iyon, purwisyo palagi! Ayaw ni Ariella na tuluyang mag-init ang kaniyang ulo kaya ibinulsa niya ang mga pera bago lumabas ng kuwarto. Paglabas pa lamang niya ay nakita niya kaagad ang mga magulang niya at dalawa pa niyang maliliit na kapatid. Nanonood ang mga ito ng T.V. "Lalabas na po muna ako, Mama at Papa." "Saan ka pupunta, anak?" kuryos na tanong ng mama niya habang nakatingin sa kaniya. "Basta po, babalik din po ako kaagad," nakangiti niyang anas. "Ganiyan din ang sinabi ng Kuya Abo, bumalik ka kaagad, Ariella," anang papa niya sa mahinahong boses. Tumango siya. "Mauuna na po ako." At lumabas na siya sa kanilang maliit na bahay. Pagkalabas pa lang niya ay ang preskong hangin ang kaagad na bumungad sa kaniya. Ang sarap-sarap naman lalo pa't naalala niya ang mukha ni Mr. Guwapo— Everett. Naglakad na siya patungo kung saan. Hindi niya talaga alam kung saan siya pupunta hanggang sa namataan na lang niya ang sarili na bumaba ng jeep. Naglakad na siya at excited na pinasok ang grocery store. "Ano bang bibilhin ko? Ano? f**k, hindi kita maintindihan! Go, call my secretary. f**k, si Vivian, ang bobo mo naman!" Natigilan na lang siya sa paglalakad nang marinig iyon. Malapit lang ang boses na iyon sa kaniya kaya natigilan siya. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa ba siya dahil sa mga narinig. Para kasing bata iyong nagsasalita. "Don't laugh, ang pangit mong tumawa!" Biglang umingos ang mga kilay niya sa narinig. Hindi niya namalayan na may isang lalaki na pala ang nakatayo sa harapan niya. Magkakrus ang mga braso nito at halatang iritado. "Anong problema mong lalaki ka? Inaano kita?" Naka-arko ang mga kilay siyang tumingin dito. "Alam kong pinagtatawanan mo ako dahil sa mga narinig mo kanina lang. And sorry ha, hindi kasi ako sanay mag-grocery. And..." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang sa paa saka isang ngisi ang gumuhit sa labi ng nasa harap niya. "Bago ka sana umalis sa bahay niyo ay dapat tiningnan mo muna kung ano nang naisuot mo!" At iniwan siya nitong nagtatanong ang mga mata. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang magka-iba ang suot niyang tsinelas. Seryoso? Seryoso ito? Tanga mo, Ariella. Nakakahiyang pangyayari sa buhay mo ang magsuot ng magka-ibang tsinelas. Ano ka, abnormal? Naiiling na lang siyang tumakbo para itago ang kahihiyaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD