Chapter 8: Malaking Halaga

1573 Words

Halos hindi mapakali si Reden nang nasa accomodation na siya, wala pa ang nga kasamang security guard s***h bouncer ng club dahil alas-dos pa lamang naman at tiyak na nagkakainitan pa sa club ng mga sandaling 'yon. Agad na nilabas mula sa bag pack ang perang binigay ni Donya Martha sa kanya. Halos hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lamang ay makakahawak siya ng ganoong kalaking halaga ng pera. Titig na titig si Reden sa tatlong sobre na nasa harapan, naisip tuloy agad niya na magagawa na niyang ipagamot si Katarina sa halagang hawak sa sandaling 'yon. Kahit kaunti ay lumuwag ang dibdib ni Reden at mabilis na binalik sa bag ang mga sobre bago pa bumalik ang mga katrabaho. Nahiga siya sa kama at sinubukang matulog pero tila buhay na buha ang kanyang diwa at hindi magawang makatulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD