Chapter 3

2039 Words
ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Malabo pa rin ang paningin ko habang unti-unting iniikot ng tingin ang paligid. Wala pang pumapasok sa isip ko at wala pa akong naiintindihan. Habang paulit-ulit sa pagtingin sa buong lugar, unti-unti ring lumilinaw iyon. Nakakita ako ng dingding na gawa sa kahoy. Maliit lang ang silid at kita ko ang halos buong paligid. Sa kaliwa ko, nakita ko ang umuugoy na kurtina, marahil sa malakas na hangin sa labas. That window made me realize na wala ako sa sariling bahay. Napabalikwas agad ko ng bangon pero napahawak din ako agad sa ulo ko and groaned in pain. Tila may matulis na bagay ang tumusok doon. I tried to control the pain for a couple of minutes pero pakiramdam ko ay lalo lang iyong sumasakit dahil sa iba't-ibang bagay na pumapasok sa isip ko. I thought of getting my phone pero halos mapatalon ako at malaglag sa hinihigaan nang may makita akong lalaking nakatayo malapit sa paanan ng higaan ko. Agad akong napahawak sa damit ko and no one could tell how thankful I was na may nakapa pa akong damit. "W-who are you?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko. "W-why are you not wearing any... shirt on?" For goodness sake, he was topless. Napatingin ako agad sa damit ko at wala sa loob na hinila ang blanket to cover myself. I was wearing one of my shirts pero pakiramdam ko sasabog na ang utak ko thinking na hindi naman iyon ang suot ko noong umalis ako ng bahay. "Hija..." Napatingin ako sa matandang pumasok sa silid. May hawak itong maliit na tub. "Gising ka na pala." Mabilis akong umusog sa dulo ng bed nang umupo ito sa paanan ko. Mahina itong tumawa. "Kalma, hija. Huwag kang mag-alala. Wala kaming ginawang masama sa'yo." "W-where am I? W-why am I here?" Sunod-sunod na tanong ko. "Hmm... nasa barrio La Mera ka, hija." I stiffened for a moment. Hindi agad iyon nag-sink in sa isip ko. "Hindi mo ba naalala ang nangyari sa'yo?" he asked and suddenly everything started flashing on my head. Sinusubukan kong tumawid ng ilog... when suddenly— Sunod-sunod akong napalunok at wala sa loob na hinawakan ang gilid ng noo ko na noon ay may bandage. Kumikirot pa rin iyon. "Nakita ka ng apo ko sa ilog. Dinala ka niya rito." Wala sa loob na napatingin ako sa lalaking nakahubad. Muli akong napalunok nang magkasalubong ang mga mata namin nito. I didn't expect to see those cold eyes. "At pasensya na, hija. Pinakialaman na namin 'yung bag mo para kuhanan ka ng damit. Huwag kang mag-alala, si Loring doon sa kapit-bahay ang nagpapalit ng damit mo. Mag-iisang linggo ka na kasing walang malay." Bahagyang napaawang ang mga labi ko. One week? A whole week was wasted dahil lang sa katangahan ko? "Siya, mukhang maayos ka naman na, hija at mukhang kaya mo nang maglakad. Tamang-tama naghanda na ako ng tanghalian. Kumain ka muna para may lakas ka. Marami pa kaming itatanong sa'yo," anito at mahinang tumawa bago tumayo mula sa bed. Pakiramdam ko ay nanunuyot ang lalamunan ko habang sinusundan ng tingin ang mga ito palabas ng silid. Tumayo agad ako mula sa bed. Hinanap ko ang mga gamit ko at mabilis na kinalkal ang mga iyon. Everything was there. Sinubukan kong isindi ang phone ko pero lowbat na iyon. I tried to find an outlet sa buong room, but I guess it was impossible. Nasa isang maliit na drawer sa tabi ng bed ang mga accessories ko. Ibinalik ko na sa loob ng bag ang singsing, bracelet at hikaw pero sinuot ko ang kwintas na binigay sa akin ni Helix bago ako sumakay ng bus. Tiningnan ko pa rin ang buong paligid nang makalabas ako ng silid. Hindi ko alam kung saan gawa ang bubong nila. Tila gawa iyon sa d**o or what. Hindi ko rin alam kung anong material ang ginamit sa dingding. Tumingin din ako sa sahig na wala akong ibang natatapakan kung hindi lupa lang. Nakita ko ang mga ito sa hapag. Pinaghila ako ng upuan ng matanda. Halos lahat ng gamit nila roon at gawa sa kahoy o maybe... bamboo. I don't know. "Hija, kumain ka na. Masarap 'tong ulam natin." Nagbaba ito ng palayok sa ibabaw ng mesa at excited na ipinakita sa akin ang laman. Pakiramdam ko ay lumuwa na ang mga mata ko at tumayo lahat ng balahino ko sa katawan nang makitang malalaki at matatabang uod iyon na pinirito. Humagikgik ito. I just felt relieved nang magbaba ang lalaking iyon ng ibang putahe sa mesa. I looked at him again and I was again relieved na nakasuot na ito ng pang-itaas. "Umupo ka na, hija." Wala sa loob na umupo ako sa silya. "Roro!" sigaw ng matanda. "Halika na at kakain na!" Ilang sandali lang narinig ko ang takbo papalapit sa amin. Nakita ko ang isang batang lalaki na mabilis lumapit sa mesa. Kumuha ito ng matabang uod sa palayok pagkatapos ay diretso iyong sinubo sa bibig niya. Agad naman akong napaiwas ng tingin. I couldn't take seeing that. Pakiramdam ko ay bumabaliktad na ang sikmura ko. May talong, kamatis at ilang talbos naman na ibang pagkain sa mesa. I really felt hungry kaya lang, wala silang kutsara. "Oh, hija, hugasan mo ang kamay mo." Tiningnan ko ang inabot na tubig ng matanda na pinaghugasan rin nila ng kamay at wala sa loob na sinawsaw ang kamay ko roon. "Gising na siya, tatay!" sigaw ng bata na muli kong binalingan ng tingin. Bahagyang namimimilog ang mga mata nitong kumikislap. He looked so cute. "Wow..." Hindi ko napigilang ngumiti rito. "Hi..." Agad namula ang pisngi nito at nahihiyang inangat ang kamay para kumaway sa akin. Napansin ko agad ang pamilyar na suot nitong smart watch. Agad din naman nitong binaba ang kamay. "Tsk, ibalik mo na 'yan, Roro. Gising na 'yung may-ari." Agad nitong hinubad ang smart watch ko at nilapag iyon sa mesa. "Hiniram ko lang naman, tatay. Sorry, ateng maganda. Ang porma kasi ng relo mo eh! Umiilaw at tsaka tats krin!" I chuckled at inabot iyon. Mabuti na lang at gumagana pa rin iyon at may charge pa. Walang latest message and calls and I guess useless talaga ang kahit anong electronic device sa lugar nila. That was better. Iyon naman talaga ang gusto ko. Malayo sa lahat. "Umupo ka na at kumain ka na. Kanina ka pa naglalaro sa labas. Tingnan mo 'yang kulay mo, kakulay mo na 'yung paborito mong kalabaw. Hindi ka na nahiya dito sa bisita natin. Parang papel ang kulay." Ngumiti pa nang malapad sa akin ang bata bago siya kumuha ng kanin. Hindi naman bago sa akin ang magkamay dahil nagagawa ko na rin iyon kapag bumibisita ako sa mga farm namin. I had no any problem eating different vegetables din. "Nga pala, hija. Naliligaw ka ba?" tanong muli sa akin ng matanda. Sandali akong napatigil sa paglalgay ng talbos sa pinggan ko. "Ngayon lang kita nakita rito eh. Hindi ako p'wedeng magkamali dahil ngayon lang din kasi ako nakakita ng maganda rito." Hindi ko alam kung anong isasagot ko rito. I was a bit scared kahit mukhang mababait naman ang mga ito. "Alam mo bang hindi basta-basta nakakapasok ang ibang tao rito? Kapag nalaman nila, siguradong hindi ka na makabalik kung saan ka nanggaling." Muli akong sunod-sunod na napalunok. Pakiramdam ko ay nasa hukay na ang kalahit ng buhay ko and I was so afraid because I knew I wasn't good at lying. "M-meron ho akong mga... k-kamag-anak rito." "Ah, talaga? Anong pangalan nila?" I again gulped something down my throat. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. The more they asked the more I had to lie. "Kilala ko halos lahat ng tao rito sa barrio. Maihahatid kita sa kanila kung sakaling kilala ko ang mga kamag-anak mo rito. Siguradong nag-aalala ang mga iyon sa iyo. Mabuti pa't nagpasundo ka na lang." I was lost of words to say. I felt that it was a wrong move. Nakatingin lang ito sa akin na tila ba hinihintay ang sagot ko. Malapit nang sumabog ang isip ko, but he just laughed softly. "Pasensya na, hija... sige at kumain ka muna. Masyado yatang naparami ang tanong ko. Huwag kang mag-alala, tutulungan ka naman naming makarating sa totoong destinasyon mo." Wala sa loob na napainom na lang ako ng tubig. Naubos ko agad ang isang baso. "Nga pala, ang pangalan ko ay Luciano pero Lucio lang ang tawag nila sa akin dito. P'wede mo na rin akong tawaging tatay na lang kung gusto mo. Kahit minsan ay gusto ko namang magkaanak ng maganda." Pinilit kong ngumiti rito kahit punong-puno na ng kung anong bagay ang isip ko. "Maraming salamat po sa pagtanggap niyo sa akin dito, t-tatay Lucio." "Walang ano man, hija. Ito naman ang apo ko, si Roro. Napaka-kulit pero naasahan 'yan sa mga gawaing bahay." I smiled widely at him lalo at malawak din ang ngiti nito sa akin. "Ate, anghel ka ba?" "No..." "Hmm, mukha ka kasing hulog ng langit eh." Lalo pa akong napangiti rito. "May boypren ka na po ba?" Marahan akong umiling. "Wala pa." "Ah ako po wala pang girlfriend, 'yung kuya ko din po, wala pa." Turo nito sa lalaking nasa kabilang dulo ng mesa. Wala sa loob na napatingin ako rito. He looked so serious na nakatingin lang sa pinggan niya. I didn't even notice na pinapanuod ko ang pagglawa ng panga niya sa pagnguya. Mabilis lang akong nag-iwas ng tingin nang akmang babaling ito sa akin. Muling mahinang tumawa si tatay Lucio. "Siya nga pala ang apo ko si Travon. Trey ang tawag namin sa kanya. Habulin ng mga babae rito 'yan. Medyo suplado lang at masungit, pagpasensyahan na natin," mahinang bulong nito sa ilang huling salitang binigkas. "Ikaw po ateng maganda? Ano pong pangalan mo?" "I'm... Ka—" I immediately stopped nang ma-realize kong hindi nila dapat malaman ang totoong pangalan ko because they might recognize my name. "C-call me Zav." "Zav..." Muli akong napatingin sa lalaking nasa dulo ng mesa nang bigkasin nito ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportableng nakatingin ito sa mga mata ko. I was used to seeing cold eyes and even those na walang emosyon dahil kina Ate K, Ate Klaire and Kuya King, pero kapag ibang tao... it didn't seem fine to me. I was bothered kung anong nasa isip niya. "Sand—Santos," I answered nervously. "Wow, ang ganda po ng pangalan mo, parang ikaw." Babaling san ako kay Roro pero muli itong nagsalita. "Alam mo ba kung saan sila nakatira?" "Uhm..." Simple kong nilublob ang kamay ko sa tubig nang hindi tinatanggal ang tingin rito. "H-hindi ako sigurado—" "Hindi ba dapat alam mo?" he cut me off. I guess tatay Lucio was wrong. Hindi lang siya mukhang masungit, istrikto din siya. "May dala kang mapa, hindi ba?" Pakiramdam ko ay lalaong nanuyot ang lalamunan ko at wala na kong malunok pa. I couldn't say a name. That would be a bad move dahil siguradong kilala nila halos lahat ng tao sa barrio nila. My whole body was shaking at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko o ang gagawin ko. I just let my impulsive self decide. "Argh..." I groaned at humawak sa ulo ko. "Ayos ka lang, hija?" agad tanong ni tatay Lucio. "B-Bigla hong sumakit ulit yung ulo ko." "Naku, halika, bumalik ka na muna sa kwarto. Magpahinga ka..." Hinayaan kong alalayan nito ang braso ko. Simple kong sinilip ang lalaking iyon sa gilid ng mata ko habang um-e-exit. "K-kaya ko na ho..." sambit ko agad nang maihatid ako ni tatay Lucio sa silid at agad kong sinira ang pinto. Napapikit agad ako nang mariin at napatakip sa mukha ko. "God..." I whispered. Paano kapag nalaman nilang hindi ako taga-roon? Papatayin ba nila ako? Ikukulong? Paparusahan? That was absurd. It was a baseless reason to kill or punish someone. But what if... that was really the case? I almost groaned. Hindi ko mapigilan ang kabog sa dibdib ko. Should I just act na... wala akong maalala? I couldn't lie like that. No way... "No way, Kal," I whispered to myself. "You have to think..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD