CHAPTER 4: NOBODY

1516 Words
Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Sobrang sakit ng panga at dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi ni Rage kanina. He thinks I'm lying to him, but I didn't! Kung may galit siya sa'kin bakit hindi niya ako diretsuhin at ganito pa ang ginagawa niya sa'kin? Malaking kasalanan ba ang ginawa ko noon sa kanya para parusahan niya ng ganito? I'm crying silently, didn't want the maids to know that I'm crying. Ayokong magtaka sila bakit ako umiiyak. My head is spinning. Unti-unting sumakit ang ulo ko. Pinilig ko ang ulo at napahawak sa malaking sofa para makatayo, ngunit mas sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo. Sumisikip na rin ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos. I tried to calm myself and hide my pain but I couldn't! It hurts so much! "Ahh!" mahinang daing ko habang hawak pa rin ang ulo. I'm crying now not because of what happened earlier, but because of my head. Para itong nahahati sa dalawa. Ang daing ko'y lumakas pa dahil mas sumakit 'yon habang tumatagal. Before I could open my mouth to ask for help, everything went black. I was about to open my locker when I saw a post-it note. Nakadikit 'yon sa locker ko. Napakunot ako ng noo bago tinanggal ang note at binasa ang laman no'n. Hi! You don't need to know me. I just want to tell you that you can pass your finals! You'll be a great doctor in the future! From nobody Napanguso ako bago tumingin sa paligid ngunit wala pang tao sa hallway ng building namin no'n dahil maaga talaga akong pumasok para makapag-review pa para sa finals namin. Before I knew it, I found myself smiling while holding the piece of paper. Napailing na lang ako bago nilagay sa loob ng locker ko ang note at tumuloy sa room namin. The next week, I found another one. Nakadikit pa rin 'yon sa locker ko. Kinuha ko 'yon bago binasa. Congratulations for being the top med student! I know you can do it! Anyway, have a great day! From nobody Muli akong naiiling habang nakangiti dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. May mga naging suitors ako noong senior high school, pero ngayong college na ako'y tinigil ko dahil mas focus ako sa pag-aaral. I always received a letters from nobody. Everytime na nakakapasa, mataas at dean's lister ako'y nakakatanggap ako ng letter sa taong 'to. And I found it cute especially when I turned 19 years old. I was in 2nd year college when that person gave me chocolate. Nakalagay 'yon sa lapag ng locker at alam kong para sa'kin 'yon dahil palagi naman nagpapadala ang taong 'to sa'kin tuwing may okasyon. Happy birthday! I hope you're happy on your day! Enjoy and always smile! From nobody Hindi ko mapigilan na sumulat pabalik sa kanya. Kumuha ako ng sticker note sa bag at nagsulat. Me Who are you? Really. I want to see you. Gusto rin kitang makita in person. Napapasaya mo ako sa mga sulat mo. Kindly write your name next time please? Para malibre kita as a sign of thank you. The next day, napangiti ako lalo dahil may sinulat siya pabalik sa'kin. Bale dalawang post-it notes na ang nakalagay sa locker ko. Nahihiya akong magpakilala sa'yo. Just think of me as person who admires you. You don't have to know me right now, but I'll make sure you'll know me someday. From nobody Mula sa masasayang araw hanggang sa malungkot na araw ay laging siyang may letter sa'kin. When my Mother rushed in the hospital because of her risky pregnancy. She was fifty when she got pregnant again, for the second time. Cheer up! Everything will be okay soon. Hope your Mother full recovery and your baby brother will be healthy! Smile. You're beautiful when you smile. From nobody I found myself smiling while crying. Tears of joy, I guess. Hindi ko kilala ang taong nagpapadala nito sa'kin, pero sobra ang natulong niya dahil sa mga simpleng letters niya sa'kin. I hope to see this person soon. Sana magpakita na siya sa susunod na magpadala siya ng letter. I want to thank him for making me smile. Ngunit ang mga munting letters na binibigay sa'kin ay natigil. Before the school ends, nakatanggap pa ako ng sulat dahil dean's lister na naman ako. Nang tumuntong ako ng 3rd year, wala na akong natanggap na kinalungkot ko. I always expected a post-it notes in my locker everytime na may exam, dean's lister ako at birthday ko, ngunit wala na talagang sumunod. I wonder why… Halos kapusin ako ng hininga nang bumungon ako. Habol ko ang hininga at sinapo ang dibdib para pakalmahin ang sarili. My lips parted when I remembered my dream. "Was it just a dream?" hinihingal na tanong ko sa kawalan. My dream. The note. It feels so real! Parang totoo talagang nangyari 'yon! "Was it part of my past?" muling tanong ko sa sarili. "Ma'am, Anastasia! Mabuti at gising na po kayo!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Aling Sonya na papalapit sa'kin. I'm already in my room and it's already dark outside. "A-ano pong nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanya. "Naku po! Nahimatay po kayo!" Umawang ang labi ko bago naalala ang nangyari kanina. Rage was mad at me again because he thinks I'm lying. My head got hurt and everything went black after. "Mabuti nga po at nakita kayo ni Sir. Rage agad! Pinag-aalala niyo po masyado si Sir!" "Sumakit kasi ang ulo ko, Aling Sonya," mahina na tugon ko. "Pagpahinga na po kayo," anang niya. "ay! Teka! Ipaghahanda ko pa pala kayo ng pagkain! Dito muna kayo, Ma'am at kukunin ko ang pagkain niyo sa kusina." Wala sa sarili na tumango ako. Ang isip ko'y nasa panaginip ko pa rin. I have so many questions in my mind right now. Bakit ako nanaginip ng ganoon? Parte ba 'yon ng nakaraan ko na hindi ko maalala? I remember, I'm only 19 years old in my dream. So, it happened 10 years ago? Sobrang tagal na kung tutuusin! Unti-unti na bang bumabalik ang alaala ko? My doctor says before I discharged from hospital na may tendency na bumalik ang nawala kong alaala, pero may chance rin na hindi na. I can't remember everything about me. All I know is that, ako si Anastasia Claire Quinn, na aksidente, may kapatid, namatay ang magulang at may malaking utang ang pamilya ko. Bukod diyan, wala na akong maalala tungkol sa'kin. "Ma'am Anastasia, ito na po ang pagkain niyo." Muli akong nag-angat ng tingin kay Aling Sonya. Bitbit niya ang isang tray na may laman na pagkain. Ngumiti ako sa kanya. "Thanks, Aling Sonya!" "Magpagaling ka po, ah? Matulog na po kayo pagkatapos kumain. Tawagin niyo na lang po ako para kunin ko ang pinagkainan niyo." I just smile at her again and nodded my head. When she went outside my room, I eat my food. Malalim ang nasa isip ko hanggang sa kumain ako. Nang matapos ako'y agad na kinuha ni Aling Sonya ang pinagkainan ko at muling lumabas. While I went inside the bathroom to clean myself. Nang matapos, isang spaghetti straps at pajama ang sinuot ko bago tumingin sa salamin. I look like helpless. Malalim ang mga mata, mapula ang labi at ang sugat ko'y hindi pa magaling. I took a deep sigh and went outside my room to get the first aid kit to clean my wound. Pumunta ako sa kitchen bago nilagay ang first aid kit sa lamesa at umupo. I started cleaning my wound. I put some betadine bago nilagyan ng bandage ang sugat ko. Visible pa rin kasi ang tahi ko kung malapitan titingnan. Halos mapaigtad ako nang makita si Rage na nakatayo mula sa hamba ng kusina at nakatingin sa'kin. Tapos na ako at babalik na sana sa kwarto. "A-ahm…" I cleared my throat. "I-I'm just cleaning my wound." Bahagya akong ngumiti sa kanya pero malalim ang tingin na binigay niya. Napanguso tuloy ako dahil mukhang galit na naman siya. Hindi ko tuloy alam kung aalis na ba ako o hindi. When he walk towards me, halos mahigit ko ang hinga sa sobrang kaba at takot. Dahil baka gawin na naman niya ang ginawa niya sa'kin kanina. Nanginginig ako nang tumigil siya sa harapan ko. "B-bakit?" hindi ko mapigilan na magtanong. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang paglandas ng mata niya sa suot kong damit at sa sugat ko sa noo. I just bit my lower lip when he raise his hand, pero tumigil din bago pa dumapo 'yon sa noo ko. "A-ah… m-maliit na sugat lang 'to," wika ko. He's dark eyes bore mine again and he shook his head. Mariin siyang pumikit bago ko nakita ang pag-igting ng panga niya. "Sleep now… we're going back to Philippines tomorrow," malamig na saad niya bago dali-dali na umalis sa harapan ko. Napanguso ako. I know, I shouldn't assume some things, pero kahit na saglit lang. The way he look at my wound, why do I feel he still care for me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD