CHAPTER 2: EVERYTHING

1505 Words
"T-teka lang, Mr. Velasquez…" pigil ko. Nasa loob na kami ng airport at ngayon lang ulit ako nakapagsalita. I was so shock that I couldn't open my damn mouth until we're inside the airport. "K-kailangan ba talagang umabot sa ganito? Pwede naman nating pag-usapan muna ang lahat." His dark eyes bore mine. "Can you pay me 100 million pesos today? If you can, then…" he shrugged his shoulders. Napahalukipkip ako. "I don't have 100 million pesos right now… but, we can still talk about it. Bigyan mo lang ako ng palugit." "Ms. Quinn, this is the only solution I can give you," diretsong sabi niya. "If you don't want my options, then I'll sue you." Nangingilid ang luha sa mata ko. Hindi ko alam bakit ganito ang ino-offer niya sa'kin. A marriage? For what? Because I have a big debt to him? "Looks like you didn't like my offer?" he raises his brows. Tumingin siya sa mga bodyguards niya bago ito sinenyasan. "get this trash away from me. Make sure na hindi makakalabas ng kulungan 'yan." Nanlaki ang mga mata ko. In one move, hawak na ng mga bodyguards niya ang braso ko. "T-teka lang…" naluluha na talaga ako. "Mr. Velasquez, I-I'm begging you. Huwag naman ganito. Pag-usapan natin ng maayos 'to." "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Anastasia," nagbabaga ang mga mata niya ng sabihin 'yon. "I am a businessman, not charitable institution. Your family has a big debt and you need to pay me back. If you couldn't do it, the jail bars are waiting for you… dalhin niyo na 'yan sa prisinto." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko bago nagpupumiglas sa mga naglalakihang lalaki. "Ma'am, sumama na lang po kayo para walang gulo." "No!" I tried to get away from them and when I did, mabilis akong tumakbo kay Rage na naglalakad na. I held his hand and kneel in front of him. "I-I'll do everything… gagawin ko na lahat ng gusto mo, b-basta huwag mo lang ako ipakulong," humikbi ako habang nakaluhod sa kanya. "m-maawa ka naman… I know I can't pay that large amount of money. I don't have money… I don't have anything right now." Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko habang nakaluhod. Nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko. I felt so damn exhausted emotionally and I feel I'm really alone in this battle. Hindi na ako makapag-isip ng tama, hindi ko na rin alam kung may pupuntahan pa ang mga pinaggagawa ko. I was so overwhelmed with too much emotions. "N-nagmamakaawa ako, Mr. Velasquez..." Hindi ko siya tiningnan at yumuko lang. Natatakot ako sa magiging desisyon niya. He really talks and speak his piece like a real businessman. I know I won't get away from this easily. Kahit na magtrabaho pa ako ng ilang beses sa isang araw, hindi ko kayang bayaran ang 100 million pesos na utang ng kompanya namin sa kanya. It's too much. There was a long silence between us. Nakaluhod pa rin ako. Mukha na akong tanga sa harapan niya at ramdam ko ang mga tao na nakatingin sa'min. I heard him cleared his throat bago siya nagsalita. Dahil nakayuko ako, hindi ko siya nakita. But he kneel too and held my chin to lifted it to face him, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. For the first time, nakakita ako ng ekspresyon sa mga mata niya. "You'll do everything?" ulit niya sa sinabi sa malamig na tono. Humihikbi na tumango ako ng sunod-sunod. "Y-yes," nanghihina na tugon ko dahil sa pag-iyak. "lahat gagawin ko. P-payag na rin akong magpakasal tayo… basta, huwag mo lang ako ipakulong… nagmamakaawa ako. May—" "Get up," utos niya sa malamig pa ring boses. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili. I even wiped my tears too and looked at him and I saw a ghost smile on his lips bago siya naglakad palayo. I immediately followed him. Nanginginig at natatakot ako sa pinapasok ko, pero hindi ko kayang makulong. Hindi ko kayang iwan si Nash. Siya na lang ang natitira sa'kin. Kung mawawala ako, ano na lang ang mangyayari sa kapatid ko? He's too young to suffer. Masyado siyang bata para mawalan ng pamilya. Agad kaming dumeretso sa isang mansyon nang makarating kami sa Greece. This large mansion is probably one of his properties here in Greece. Isa kasi iyon sa mga nabasa ko sa kanya. The mansion is a very ancient type. Mula mga mwebles, furnitures at mga mamahalin na paintings ay alam mo ng sobrang mahal ng mga 'yon. Tahimik lang ako na nagmamasid sa paligid. Nagkakatinginan kami ni Rage pero hindi man lang nabago ang ekspresyon niya. He is still cold as ice. Very unreadable! After almost one hour, may dumating na mga naka-suit and tie. Another bodyguard, perhaps. I wasn't sure. "Sir. Rage, everything is ready now," the man with black suit said. Rage just nodded his head before he tilted his it towards mine. "Wear something presentable and don't humiliate me. You looked like a trash." Napatingin ako sa kanya, napahalukipkip. Hindi ko alam pero bakit galit na galit siya sa'kin? I can feel his madness on his eyes everytime he looks at me. I'm not feeling good about this. Something is not right. Sinunod ko ang gusto niya. The man with black suit gave something to me, I guess a dress. I went upstairs to change my clothes. Pagkabihis ko, lumabas na ko. Naglagay ako ng konting make-up pagkatapos punasan ang sugat ko sa noo. I still have my wound because of the accident. Hindi naman malaki 'yon, pero medyo masakit pa rin. Since wala akong bandage na pamalit, nilinis ko na lang ng kaunti. Ngayon na pala kami ikakasal ni Rage. Walang bisita, kami lang at ang dalawang lalaki na naka-suit. A lonely small crept on my lips when I realized kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. I'm marrying someone that I didn't even know. I'm not dumb, I know Rage is planning something for me. Hindi siya mag-o-offer ng kasal na walang malalim na dahilan. I can feel it. The way his dark eyes look at me, it's burning with fire. I just don't know why he was doing this. I pity myself right now. This is not how I imagine myself getting married. Dapat memorable ang kasal, 'di ba? Bakit parang iba tong sa akin? Papakasalan ko ang isang lalaki hindi ko man lang kilala? Natatakot ako kasi hindi ko mabasa kung ano nasa isip nya. Takot at kaba. Dumating na ang pari at nagsimula na ang seremony. Tinitingnan ko si Rage na walang emosyon ang mukha. Ano kayang mangyayari sa amin pagkatapos nito? Ano bang balak niya? Bakit gusto niya akong pakasalan? Ang dami kong tanong sa isip ko, pero hindi ko magawang itanong sa kanya ng diretso. Pakiramdam ko sinentensyahan ako na manahimik lang. Na simula ng pumayag akong susundin ang lahat para sa kanya, nawalan na ako ng karapatang magsalita o magreklamo dahil malaki ang utang kong pera sa kanya. "Do you Rage Lorenzo Velasquez take Anastasia Claire Quinn to be your wife? To have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health. To love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith?" "I do..." Rage answers in a bored tone. "Do you Anastasia Claire Quinn take Rage Lorenzo Velasquez to be your wedded husband? To have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health. To love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith?" I gulp. "I do..." "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!” Nang sabihin ni Father 'yon, kinabahan ako at nataranta. Dahil sa naging sobrang daming iniisip, hindi ko na naisip na may ganoon pala sa pagkinakasal. Napalunok ako ulit. My nervousness grew because since I was comatose for 7 years and can't remember everything, hindi ko alam kung may nahalikan na ba ako bago ako maaksidente. I don't even know if I have a boyfriend or ex-boyfriend before! Humarap sakin si Rage at ngumisi. Lalo akong kinabahan sa ngisi niya. And without hesitation, his lips crashed mine. I couldn't move because he was kissing me aggressively. Marahas na inangkin niya ang labi ko. Ramdam ko ang galit, gigil at pagpipigil niya sa halik niya. When he stopped, he bore his eyes on mine. Walang emosyon ang mukha niya. "You follow my rules from now on, Anastasia. You'll do everything for me and you're to obey me. Only me," his voice is cold as ice. Nangatog ang tuhod ko sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD