DALAWANG linggo naʼng bumalik sa Canada si kuya Rey. Dalawang linggo na rin kami nagbi-video call, kahit hindi ko ino-open ang camera ko. Tinupad niya ang sinabi niya sa akin na ko-contact-in pa rin niya ako at kikilalanin pa namin ang isaʼt isa. Hindi ko tuloy maitago ang aking ngiti kapag naaalala ko ang unang contact niya sa akin pagkauwi niya from here sa Philippines to Canada. Maraming na rin akong nalaman about sa kanya. Ayaw niya red na shirt dahil kulay dugo raw. Nag-e-exercise rin siya pero gamit lamang ang treadmill. Wala siyang gaanong kaibigan sa Alberta, Canada dahil gusto niya laging mapag-isa, kaya si kuya Adam lamang ang matalik niyang kaibigan. Wala rin siya gaanong pimupuntahan sa Canada except sa campus, culinary school and house nila. Mas gusto niya ring mag-stay sa h