MATAPOS kong mabasa ang letter ni kuya Rey, hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. “Hala, bakit umiiyak ako ngayon?” Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. He care about me. Napatalo ako at kinuha ang aking phone sa side table. Mabilis gumalaw ang aking daliri hanggang mapunta ako sa chat namin ni kuya Rey, nakita ko ang last chat niya, about sa New Year, binati niya ako. Mallory: Hello, kuya Rey. Na-receive ko na po iyong gift niyo sa akin. Natanggap ko na po ang limang gift niyo po, ang iPad, si Rangy the Penguin, sling bag from Ciggu, dress and picture frame po nating dalawa. Sobrang thank you po sa gift niyo sa akin kahit iba iyong pakikitungo ko sa inyo noong pasko and bagong taon. Sorry po dahil nagselos talaga ako kay Via, lalo na may sinabi siya sa akin. I