MONDAY, ika-26 ng Pebrero, dalawang araw na lamang ay uuwi na sa Alberta, Canada sina kuya Rey and tito Raffy. Bigla akong nalungkot dahil kung kailan nagiging close na kami ni kuya Rey ay bigla na siyang babalik sa Canada. Simula nang magpunta kami sa Mall ay nakakatanggap na ako ng chat mula sa kanya, katulad na lamang ng mga: “Good morning, Mallory! Eat your breakfast.” “Sana ingatan mo iyong sunflower and cat na binigay ko sa iyo.” “Kumain ka na.” “Take a rest din. Huwag puro aral, okay?” Iyon lang naman ang mga chat na natatanggap ko mula sa kanya. Siyempre nagre-reply ako sa kanya, ayokong mawala ang connection naming dalawa, mabuti na lamang talaga ay hindi pa nanggugulo si Via muli. Mukhang napagalitan talaga siya ni Lolo at nagpapa-good shot muna siya. Speaking of kuya Rey