01

1157 Words
Chapter 01 3rd Person's POV 2 years pagkatapos mapunta si Fider Salvatore sa mansion ng mga Ortega. 13 years old so Fider ay namatay ang ina niya. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Fider matapos mangyari iyon. Hindi pumunta ang ama niya sa burol at ang malala nalaman niya na may iba na itong pamilya. Malakas ng ulan at nanatili sa sementeryo si Fider. Ayaw niya iwan doon ang ina at hindi na niya matanggap na mag-isa na siya. "Mama, paano na ako," ani ni Fider habang umiiyak. Patuloy sa paghikbi si Fider at inalis ang salamin niya. Pinunasan niya ang mga mata at nagpatuloy sa pag-iyak. Isa-isa ng umalis ang mga tao sa sementeryo hanggang si Fider na lang ang naiwan doon. Maya-maya hindi na naramdaman ni Fider ang pagpatak ng ulan at sumisinghot na inangat ang tingin. May dalawang itim na payong. Tumingin siya sa dalawang taong nasa magkabilang gilid niya. "Hanggang kailan mo balak umiyak dito. Hindi na babangon diyan si nanay Fe kahit isang buwan ka pa umiyak dito," ani ni Destiny Rivas Ortega na nasa kanan niya. Sumang-ayon si Lucky Rivas Ortega na nasa kaliwa niya. "Hindi niyo ako naiintindihan. Wala na akong pamilya. Wala na mama ko bakit hindi ako iiyak?" tanong ni Fider habanh humihikbi. Ang ina niya na lang ang natitira sa kaniya. Masyado pa siyang bata at hindi pa tapos sa pag-aaral. Naubos na din ang ipon ng ina niya dahil sa mga hospital fees at gamot. Kung hindi pa siya tinulungan ng mga Ortega ay baka hindi pa siya umabot ng isa pang taon. Huli na nalaman ni Fider na matagal ng may iniindang sakit sa puso ang ina niya. Kahit ang mga Ortega ay nagulat at nagalit pa ang mga ito dahil hindi sinabi ng ina niya. Kung nasabi kasi agad iyon at humingi ng tulong ang ina niya ay magagawan pa nila ng paraan iyon. Hindi na niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. "Ano bang sinasabi mo? Meron ka pang kami. I'm sure hindi ka papabayaan nina dad. Kung hindi ka nila i-adopt siguradong hahanapan ka nila ng magagawa sa mansion. Tumigil ka na sa kaiiyak mo nakakairita," ani ni Destiny. Sinaway ni Lucky si Destiny at sinabing huwag masyadong maging rude kay Fider. "Huwag ka na umiyak Fider. Nandito kami ni Destiny. Hindi ka namin pababayaan." Parang nanuyo ang lalamunan ni Fider matapos siya yakapin ni Lucky at dumikit ang dibdib nito sa braso niya. Inilapit ni Destiny ang bibig sa tenga ni Fider at bumulong. "Ano bang klaseng trabaho gusto mo? Ibibigay naming dalawa?" tanong ni Destiny. Sa pagkakaalam ni Fider dapat nilalamig siya dahil basa na siya ng ulan. Bakit sobrang layo yata ng lamig sa init na nararamdaman niya. Para siyang pinapaso ng balat ni Lucky at nag-iinit ang buong sistema niya dahil sa paghinga lang ni Destiny sa tenga niya. "Fider, are you okay?" Naalarma si Fider. Naitulak niya si Lucky at napalayo kay Destiny. Umalis siya sa payong at lumayo sa dalawa. Tiningnan niya si Jasper na may hawak din na payong at nag-aalala na lumapit sa kanila. "Nandito pala sina ate Lucky," ani ni Jasper. Agad na lumapit si Fider kay Jasper. Tinanong ni Jasper kung ayos lang si Fider. Bakit basa ito at namumula. "A-Ayos lang ako. Lalagnatin yata ako. Pasensya na," ani ni Fider. Pinayungan ni Jasper si Fider at sinabing umuwi na sila. "Kanina pa kayo hinihintay nina daddy sa sasakyan. Hindi ka dapat nagpabasa Fider dahil siguradong pagagalitan ka nina dad," ani ni Jasper. Sinuot ni Fider ang salamin at humingi muli ng sorry. Napa-pokerface si Lucky at Destiny Rivas Ortega. 13 years old, identical twin— mula sa height, features, at kurba ng katawan ay parehong-pareho ang dalawa. Hindi mo nga malalaman kung sino dito si Lucky at Destiny. Kahit ang mga parents nina Jasper na sina Jackson at ang mga kapatid ay naguguluhan kung sino sa dalawa si Lucky at Destiny. Nahihirapan silang ma-identify ang mga ito except sa isang tao. Lumingon si Fider. "Lucky, Destiny— umuwi na tayo," ani ni Fider. Lumingon din si Jasper. Ngumiti si Lucky at sinabing uuwi na. Sumunod si Destiny at sabay ang dalawang naglakad palapit sa dalawang lalaki. Matapos nga iyon. Si Fider ang nagpresinta na maging caretaker ng mansion at papalit sa ina niya. Paglilinis ng mansion, pagdidilig at pag-aalaga kina Jasper. Sinabi ni Jackson na hindi na iyon kailangan gawin ng binatilyo ngunit nag-insist si Fider. "Masyado pong malaki na ang utang na loob namin ng mama ko sa inyo. Kayo ang gumastos ng opera at mga hospital fees niya at pinag-aaral niyo pa po ako. Hayaan niyo sana na gawin ko ito bilang kabayaran sa kabutihan niyo," ani ni Fider at yumuko. Nagkatinginan si Jackson at ang tatlo nitong mga asawa. Hinawakan ni Dahlia ang pisngi. Isa sa mga asawa ni Jackson. Sinabi ni Dahlia na kung iyon ang magpapaluwag sa kalooban ni Fider ay hahayaan nila si Fider. Natutuwang inangta ni Fider ang paningin at nagpasalamat. Masipag si Fider at wala itong reklamo sa mga trabaho— natutuwa dito sina Jackson. Ginagawa ni Fider ang dating trabaho ng ina niya then nag-aaral. Hindi na din iba si Fider sa pamilya ng mga Ortega. Lumipas ang limang taon, "Fider, nandito ka pala," ani ni Lucky. Napatalon si Fider at nabitawan ang hose matapos may yumakap sa likod niya. "Lucky! For god's sake huwag ka nga biglang susulpot," ani ni Fider. Hinawakan nito ang dibdib— feeling niya mahuhulog ang puso niya dahil sa gulat. Tumawa ang babae. Natulala si Fider. Ilang taon na siya naninirahan sa mansion na iyon at hindi pa din siya immune sa ganda ng babae. Umiling-iling si Fider. Hinawakan ang balikat ni Lucky at nilayo ito sa kaniya. "May work ako. May pasok ako mamaya kaya please huwag mo muna ako bulabugin," ani ni Fider. Inosente siyang tiningnan ni Lucky at tinanong kung anong ginawa niya. Napasapo si Fider sa noo matapos mapasadahan ng tingin ang katawan ng babae at dibdib nito. Palihim na napangisi si Lucky. "Lumalabas ka ng naka-night dress lang. Babae ka Lucky. Kahit bahay niyo ito matuto ka magsuot ng formal na damit kapag lalabas ng room mo," ani ni Fider. Tinanong ni Lucky kung anong problema doon. Tiningnan ni Fider si Lucky mula ulo hanggang paa. Bakat na bakat ang puti nito na bra at panty sa suot nitong puting nightdress. "Ikaw lang naman gising ng mga ganitong oras at— tayo lang naman ang nandito," ani ni Lucky. Nilapit ang bibig sa leeg ni Fider na napalunok. Umatras ang lalaki at sinabing nasa labas sila. "Then pwede ko iyon gawin kapag nasa loob na tayo?" tanong ni Lucky na namumungay ang mata. Napamura na lang si Fider. "Goodmorning, Fider." Nabato si Fider sa kinatatayuan matapos may lumingkis sa likod niya at may naramdaman siyang bagay na malambot sa likod niya. Ang natural scent nito at boses. "Destiny."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD