LEXUS #2:

2929 Words
Typos and grammatical error ahead!!! ¤¤¤ LEXUS POV: ¤¤¤ Ang bigat ng pakiramdam ko ng magmulat ako ng mga mata. Sina Engr. at iba ang namulatan ko na ngayon ay nakatunghay sa akin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa loob na ako ng tent na itinayo nila. "Sir Vergara ayos na ba ang pakiramdam niyo?" Tanong ni Engr. Marco. Hindi agad ako sumagot. Tinignan ko ang paa ko kung saan ako kinagat ng ahas kanina. May mga tapal na ng dahon ang paa ko na binalot ng kapirasong tela. "Paanong.." hindi ko maituloy ang tanong ko. Ang huling natatandaan ko ay nawalan na ako ng ulirat kanina dahil sa makamadag na ahas na kumagat sa akin. "Sa tagal mong nawala sa kagubatan ay hinanap ka na namin Sir Vergara at naabutan ka na naming wala pang malay na nakahiga sa may batuhan." "Pero paanong nabuhay pa ako sa kagat ng ahas? Gaano ako katagal nawalan ng malay?" Tanong ko. Nagkatinginan ang mga ito na tila hindi din alam kung ano ba talaga ang nangyari. "Isang buong araw Sir Vergara dahil sa makamandag ang ahas na kumagat sayo." Sagot ng isa sa health worker na isinama namin in case na may mga dapat gamutin sa pananatili namin ng isla. "Pero may nauna ng gumamot sayo at ang tapal na iyan sa paa mo ay naabutan na namin iyang ganyan." "Kung ganun may naunang tumulong sa akin?" Muli kong tanong. Doon ko naalala ang lalaki sa may talon. "Nakita niyo ba ang lalaki?" "Wala kaming nakitang ibang tao sa may talon maliban saiyo Sir Vergara. Marahil ay mga tao sa kabilang panig ng isla ang nakakita sa inyo at tinulungan kayo." Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga at umayos ng upo. Hinawakan ang mga halamang gamot na nakatapal sa paa ko. "Ang talon.. bahagi ba ang talon na iyon sa nabili ng aking ama?" Muli ay tanong ko. "Oo sir Vergara.. bahagi iyon sa lupang nabuli ng iyong ama. At sa bahaging iyon doon magpapatayo ng planta." "What?" Kunot ang nuo ko. "Sisirain niyo ang ganda ng talon na iyon para sa planta?" "Pero doon na po ang naitalagang site para sa konstraksyon." "No! Find another place. Sa lawak ng nabili na lupa ng papa ay makakahanap kayo ng ibang pagtatayuan nun. And don't f*****g think to distroy that falls." Napataas ang boses na sabi ko dito. Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong ayaw ipagalaw. "But!.." "That falls can be one of a tourist attraction. Just do what I've said." Matatag na sagot ko dito. Hindi na ito umimik pero halatang hindi sang ayon sa gusto ko. "Sasabihin muna namin ito sa inyong ama sir Vergara. Kung papayag ito ay maari naming ilihis ang constraction site para sa planta." "Ako na ang bahalang makipag usap kay papa..I want to secure that area. " muli ay matatag na sagot ko. Hindi ko hahayaang masira ang magandang view ng falls na iyon. At gagawin ko iyong private property ko kung sakali. "Sige... iwan niyo na ako." Pagpapalayas ko sa kanila. Agad naman silang tumalima at iniwan na akong mag isa sa loob ng tent. ¤¤¤ ¤¤¤ "Anong kalukuhan iyan Lexus." Sigaw mula kay papa ng sabihin ko na ibahin ang location ng ipapatayong planta. "Hindi mo ba naisip papa.. isa sa magiging tourist spot dito sa isla ang talon na iyon. Kung masesecure lang area ay siguradong gaganda pa iyon." Matatag na sagot. "Diba iyon naman ang plano.. ang humatak ng turista para sa isla?" Narinig ko ang pagpapakawala ng papa ng buntong hininga sa kabilang linya. Hindi agad ito nagsalita pero napangiti ako ng marinig ko ang pag sang ayon niya. "Okay! May punto ka sa sinabi mo. Pero siguraduhin mong ikaw mismo ang aasikaso sa nasabi mong tourist spot na iyan. Huwag mo akong bibiguin." "Walang problema papa. Ako na ang bahala doon. Alam niyo naman kung gaano kahaba ang guguguling panahon para sa power plant na ipapatayo niyo." "Yeah I know.. kaya nga isasabay na ang pagpapagawa ng mga resort diyan. Para habang ginagawa ang planta ay sumasabay na ang kita." "Tama ka diyan papa.. hightech na ang panahon ngayon kaya siguradong gagana ang mga naplano." "Sige.. aasahan ko ang iba mong plano para sa ikakaunlad pa ng mga negosyo." "Yeah." Maayos naman akong nagpaalam kay papa bago ko pinutol ang linya. Mabuti na lang talaga at nagdala kami ng mga gamit para magkaroon ng signal sa mga mobile phone. Nagpasya akong muling tahakin ang daan sa talon. Nagpautos ako sa iba para linisan ang daan papunta doon at gamit ang ilang mga machine ay napadali ang trabaho nila. Sa 24 hours na halos nakatulog ako noong isang araw ay dumating ang ilang mga equipment para sa mga sisimulan ng trabaho. Natriple na din ang dami ng mga trabahador na dumating. Naidating nadin ang ibang mga gamit para sa ipapatayong mga gamit. Sabi ni Engr. Marco ay patuloy ang pagdating ng mga iyon para mapadali ang mga gusaling ipapatayo at hindi aabutin ng mahabang panahon. Tama nga naman ang papa.. aanhin ang kakaunting tauhan kong matatagalan. Dahil pareho lang naman ang magagastos kung sakali man. Totoo din ang minsang napag usapan namin ni Wright.. ang apat na pamilya na kilala sa buong probinsya at sa kapit ka probinsya.. isa na ang pamilya ko doon. Si Wright.. si Janus at si Raymond.. Naging magbabarkada na kami dahil na din sa mga magulang namin.. na sanga sanga ang mga sosyong mga negosyo nila at dahil kami ang panganay sa bawat pamilya ay kami ang natalagang magmanage ng negosyo at magpatuloy ang mga nasimulan nila. At heto ako ngayon... iniwan ko ang kasosyalan sa buhay... nilisan ang lugar ng luwalhati kasama ang mga angkan ni Eva para lamang dito... sa ipapatayong planta.. mga gusali para sa resort ng pamilya.. Ngayon.. hindi ko alam kong kailan makakauwi doon.. isang buwan? Dalawang buwan? Tatlo.. apat.. o aabutin ba ako ng taon bago ako makauwi.. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.. saka ko na iisipin ang pag uwi total naman hindi pa ako naboboring.. apat na araw pa lang naman kami dito.. Mayroon din akong gustong alamin kaya nagpasya akong bumalik ng talon.. gusto kong galugarin ang talon baka sakaling makita ang lalaking nakita ko doon na maliligo.. Naisip ko na ito ang tumulong sa akin ng makagat ako ng ahas. At dapat ko ding alamin kung galing ba talaga ito sa isang tribo dahil ayon kay ama ay walang naitalang ibang tao dito sa isla maliban sa mga nakabili ng ibang mga bahagi nito. O sadyang hindi lang sinabi ng gobyerno iyon dahil malayo naman ito sa kabihasnan. Maliit na isla na tanging mga nag tatayugang puno at mga burol lamang ang makikita. Maayos na narating ko ang talon. Naging aware na din ako sa paligid baka may ahas na namang maligaw at makagat na naman ako. Hindi na siguro ako suswertehen sakali mang makagat ako ulit. Iginala ko na ang paningin ko sa paligid. Muling pinagmasdan ang kaaya ayang ganda ng talon. Ang kumikislap na tubig na bumabagsak sa taas ng malaking bato na nasisinagan ng araw ay parang nasa lupa na ang mga bituin at wala na sa kalangitan. Ang ganda ng paligid at talaga namang hindi nakakasawang pagmasdan. Sa pagmamasid ko sa ganda ng talon ay natigil ang paningin ko mismo sa tubig na bumabagsak pababa.. "May tao sa likod ng tubig talon." Kunot ang nuo ko. Kinusot ang mata ko baka namamalikmata lamang ako pero totoo ang mga nakikita ng mga mata ko. Hindi man malinaw dahil sa tubig pero hindi ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking nakita ko noong nakaraang araw. Mabilis na tinalunton ko ang mismong talon. Hindi man ako nakalapit noon ay ngayon ko pa napagtanto na sadyang may palaging napaparito sa talon dahil maganda at may maayos na daanan papunta sa likod ng talon. Inisa isa kong tinanggal ang damit ko. Tanging itim na panloob na lang ang itinara ko saka ko tinawid ang tubig. Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod ito na para bang may inuukit na kung ano sa bato. "Hi." Dahil sa hindi ko mahintay na lumingon ay nagsalita na ako. Halata na nagulat ito ng makita ako at mabilis ang naging pagkilos na lumayo sa akin. Umatras pa sa may pinakaloob ng talon. Hindi ito nagsalita pero nasa mga mata ang pagkamailap. "Huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao." Dahil sa lakas ng lagaslas ng tubig na bumabagsan sa talon ay kailangan kong lakasan ang boses ko. Hindi ito nagsalita. Ng tinanggka kong lumapit dito ay mabilis na itinutok nito ang isang matulis na bagay.. para iyong pangil ng kung anong hayop na ginawang punyal. "Sandali... hindi na ako lalapit." Itinaas ko ang kamay ko at humakbang paatras. "Huminahon ka?" Pagpapakalma ko dito dahil talagang gustong itarak na sa akin ang hawak na patalim. Hindi ito nagsalita. Napapaatras na lang ako kapag tatanggkain niyang ilapit sa akin ang hawak. "Sandali.. ito... ito.. natatandaan mo ito?" Sabay turo ng paa ko na may benda parin pero wala ng halamang gamot. Kung siya ang gumamot sa akin mula sa pagkakagat ko ng ahas ay siguradong matatandaan nito. Hindi ito nagsalita pero napatingin naman sa paang itinuro ko. Kunot ang nuo paring bumaling ng tingin sa akin. Ang kaninang talim at ilap ng tingin ay unti unting nawala. Ang kamay na may hawak na patalim ay unti unting ibinaba. "Natatandaan mo ako diba? Ikaw ang gumamot nito?" Sabay turo na naman ng paa ko. Wala parin ang natanggap na sagot mula dito. Nasa mukha nito ang pagkalito na parang hindi naiintindihan ang mga sinasabi ko. "Ito.." sabay turo ng paa ko. Tinignan niya ulit ang paa ko. "Ito.. ikaw." Sabay turo sa kanya dahilan para bigla siyang umatras at muling itinaas ang kamay na may hawak ng punyal.. Itinaas ko naman ulit ang kamay ko para ipahiwatig dito na hindi ko siya sasaktan o gagawan ng masama. Paano ko ba ipapaliwanag dito ang mga sinasabi ko na hindo nito maintindihan. Baka kapag nagkamali ako ay masaksak pa ako sa hawak nito. Halata pa naman ang pagkalisto ng kilos. Hindi naman sa natatakot ako na masaksak. Ano lang ba ang pamana ng katawan niya kumpara sa katawan ko. Muli ko na namang sinubukan ang kausapin siya. "Ako.." sabay turo ng sarili ko. "Ako.." muli ay nakinig naman ito sa sinasabi ko habang itinuturo ko ang sarili ko ng paulit ulit. Ibinaba na naman nito ang kamay na tila gusto na namang pakinggan ang sinasabi mo. "Ikaw.." alanganin na itinuro siya pero di na gaya kanina ay naging alisto ito. "Ako.." turo na naman sa sarili ko.. "ikaw." Sabay turo ulit sa kanya. Sinubukan kong humakbang palapit sa kanya pero ng makita kong umatras at naging listo na naman ang kilos ay muli akong humakbang paatras. Mailap talaga. "Ito.." turo ulit sa paa ko. Nagpasya na akong tanggalin ang benda sa paa ko. Basa na din lang iyon. "Natatatandaan mo ito." Itinuro ang kagat ng ahas na may marka parin ng dalawang ngipin. "At ito." Sabay turo din ng maliit na sugat sa may ibaba ng tuhod ko. Hindi ko matandaan noon kung bakit may tatlong sugat sa may taas ng nakagatan ng ahas pero paliwanag ng isa sa kasama ko ay baka iyon ang ginawang daan para alisin ang kamandag ng ahas. "Ikaw... gumawa nito diba? Ang gumamot sa akin?" Turo ko sa kanya sabay turo sa sugat ko. Hindi ito nagsalita pero nanatiling nakatitig sa akin. Palipat lipat ang naging tingin sa paa ko at sa akin. Wala man akong narinig mula sa kanya ay kapansin pansin na nawala na ang pagkamailap nito. Humakbang palayo sa akin at umupo sa isang tabi. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil wala man lang akong narinig ni isang salita mula sa kanya. "What a waste of time?" Naibulong ko. Kung hindi lang ako nausisa sa pagkatao niya ay hindi ko ito paglalaanan ng oras. Tumalikod ako at nagpasya na akong maligo na lamang. Hindi ko na sasayangin ang panahon ko sa kanya. Dahil walang ibang tao sa paligid maliban sa kanya ay nagpasya din akong alisin ang natitirang saplot ko sa katawan. Lalaki naman ito. At kung anong mayroon sa akin ay ganun naman ang mayroon sa kanya. Matapos akong maghubad ay liningon ko na muna siya na ngayon ay naging listo ang tinging ipinukol sa akin. Napansin ko din na napatingin siya mismo sa ibabang bahagi ng katawan mo. May gahilbang guhit ng ngiti ang labi ko. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon at ganun na lang ang ginawang pagtitig sa akin. "Wanna join me?" Tanong ko pa at katulad kanina ay wala namang sagot mula sa kanya. "Hayst! Paano ba kita kakausapin.. wala ka naman yatang naiintindihan sa mga sinasabi ko." Naiiling na saad ko. Bahala na nga siya. Mabilis na ang ginawa kong paglabas sa likod ng tubig. At walang pag aalinlangang tumalon. "Uhmmm. How refreshing?" Napasinghap ako ng malalim. Nilasap ang kalamigan ng tubig. Ang ganda at ang linaw ng tubig. Kitang kita ko mismo ang sarili ko na nakalubod sa tubig. Napansin ko sa gilid ng mata ko ang paglabas niya mula sa likod ng talon at nanuod sa akin. Pinakitaan ko naman ito ng ibat ibang klase ng paglangoy. Nagpabalik balik ako hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Umahon at walang pag aalinlangang humiga sa malapad na bato sa gilid. Ipinikit ang mga mata. Nawili na din siguro siya sa panunuod at kumilos para lumapit mismo sa kinahihigaan kong bato. "Gusto mo din bang maligo?" Tanong ko ng maupo ako at tumingin sa kanya. May dalawang metro ang layo niya mula sa akin. "Maligo.. diyan." Sabay turo sa tubig. "Maligo." Pang uulit ko saka ako tumalon sa tubig. "Maligo." Muli ay sabi ko dito na nakikinig lang sa akin. "M-maligo????" Mahina pero sigurado akong ginaya niya ang sinabi ko dahilan para mapatitig ako. "Oo, maligo.. dito." Sabay tampisaw sa tubig. "Maligo.." "M-maligo??????." Pang uulit na naman niya. Pero hindi salita na naiintindihan niya bagkus para iyong tanong na hindi naintindihan ang salitang maligo. Naiiling na muli akong umahon. Kung hindi nga lang sa pananamit niya ay maniniwala sana akong hindi siya isang katutubo dahil maputi naman siya saka ang buhok ay hindi kulot. Karamihan naman sa mga katutubong nakikita ko ay maitim. Hindi naman maitim kundi kayumanggi ang kutis. Kung tutuusin ay mas maputi pa yata ito sa akin.. Hindi ko napansin ang kulay ng kutis niya noong una kp itong makita dahil walang sinag ng araw noon at may kadiliman sa kinatatayuan. At kanina ay sa likod ng talon ay hindi ko din nakita ang kulay ng kutis dahil madili din o di kaya naman sadyang may ipinahid lang sa katawan kaya hindi mapapansin ang kakinisan ng kutis pero ngayon... Isa ba talaga itong katutubo? O nagtatago lamang ito sa suot na damit na gawa pa sa balat ng hayop. At ipagkukumpara ko pa sa hitsura ng ilan sa mga katutubong nakikita ko ay mas matatawag pa itong lumaki sa lungsod kaysa dito sa isla na walang ibang makikita maliban sa mga nagyayabungang mga puno. "Halika." Sinubukan lahadan ito ng kamay. "Dito." Sabay tapik sa tabi ko. "Halika dito." Kumunot ang noo niya. Mas lumayo pa siya sa akin kaysa ang lumapit. "Ano bang gaggawin ko sayo?" Tanong ko na may kasamang pag iling. "M-maligo." Narinig kong saad niya habang tumitingin na sa tubig. "Agdigos.." malakas niyang salita sabay turo ng tubig. "Huh!" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Agdigos." Pang uulit niya ng tumingin sa akin sabay turo sa tubig. "M-maligo." Ng mapagtanto at makuha ko ang ibig niyang sabihin ay napangiti ako. Kung ang pang uulit niya sa sinabi ko na maligo ay parang sinasabi niya sa salita nila iyon. "Agdigos." Pang uulit niya. Kumilos ito at nagtanggal ng damit. Inalis ang damit na balat ng hayop at wala na ding itinirang saplot sa katawan. Dahil sa malayo siya noong una ko itong makita at hindi malinaw ang imahe niya ay ngayon napagmasdan ko na ang katawan niya. Maputi talaga ito. May mga bahagi sa katawan niya ang may mga pilat pero kapansin pansin maliban sa mga pilat na iyon ay sigurado akong malambot ang balat nito. Damn! Bakit ko ba naisip na malambot ang katawan nito. At bakit naeengganyo akong pagmasdan ito gayong wala namang ibang makikita sa katawan nito dahil parehas lang kaming lalaki. Hindi ko alam kung gaano ko ito katagal pinag aralan ang katawan. Napakurap na lang ako ng tumalon na ito sa tubig at nagtampisam na dito. "Agdigos." May kalakasang saad niya habang naglalaro na sa tubig. Nagpapabalik balik na din sa paglangoy. "Damn!." Bakit ako napalunok ng makita sa linaw ng tubig ang makinis na umbok ng likod niya. Kung pagmamasdan mo siya mula sa likod ay aakalain mo itong parang babae dahil may kurba ang katawan nito. Lalo na doon. Mas may mahihigitan pa itong mga babae sa magandang pagkakahubog ng pwetan nito. "Damn you Lexus.. what's wrong with you." Gigil na tinampal ko ang nuo ko ng makitang unti unting tumayo ang nasa gitna ng hita ko. Wala pa naman akong kahit na anong saplot sa katawan kaya kitang kita ko kung paano iyon tuluyang nagmayabang. Dahil sa gusto ko iyong maalis ay tumalon na din ako sa tubig. Natigil ito sa paglangoy at lumingon sa akin. Pero mas nag umigting ang pagkakatayo ng akin ng makita ko ang pagngiti niya. "Agtigos ta." Saad niya. Ang kaninang pangingilag niya ay nawala at mabilis na lumapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD