Divine's P. O. V. Inis kong ibinato ang cellphone ko sa pader. Bumagsak iyon sa sahig na basag- basag. Hinihingal akong napapikit ng mariin. Binabalot ako ng matinding galit ngayon. Punyetang, Raider na 'yon! Ang sakit ng magsalita! Hindi man lang niya naisip ang mga sinasabi niya sa akin! Kung makapagsalita siya sa akin, akala mo hindi niya ako matalik na kaibigan. Isa lang ang ibig sabihin niyo, masamang impluwensya sa kaniya ang babaeng kinababaliwan niya ngayon. Kasi kung mabuting babae iyon, hindi sana ganito ang trato sa akin ni Raider ngayon. "Tama na 'yan. Tanghaling tapat, lumalaklak ka ng alak. Si Raider na naman ang dahilan. Bakit kasi ayaw mo pang sumuko? Gusto mo bang paulit- ulit ka na lang na ganito? Iinom ng alak? Magpapakalasing para maalis ng panandalian ang sakit?" pan