Avannah's P.O.V. Gabi na rin nang makabalik ako sa apartment ko. Wala si ninong Raider doon. Inis akong pumasok sa kuwarto ko at saka ko hinahagilap ang charger ng cellphone ko. Nagbihis muna ako saglit bago ko kinalikot ang cellphone ko. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko nang makita ko ang message ni ninong Raider. Kasama niya raw si Divine ngayon sa galaan. Sinabi niya pa message niya sa akin na gagala lang naman daw sila at sasamahan niya lang si Divine. Wala raw anong dapat ikabahala dahil walang ibang mangyayari sa gala nilang iyon. "Buwiset! Hayop na lalaking 'yon!" galit kong sigaw sabay taklob ng unan sa mukha ko. Kainis talaga! Nagdrama lang sa kaniya ang babaeng 'yon, sinamahan na niya kaagad? Anong klaseng boyfriend siya? Ni hindi man lang niya napapansin na nagdadra