Kabanata 67

1422 Words

Avannah's P. O. V. 10 years later... "Gray ano ba? Saan ka na naman galing, ha? Ano 'tong sinasabi sa akin ng teacher mo na may inaway ka raw na kaklase mo sa school? At babae pa?" tanong ko sa guwapo kong anak na may pagkapasaway. Humalukipkip siya at naupo sa harapan ko. Sa tingin ko ay galing siya sa kapitbahay namin at naglaro na naman sila ng video games ng batang kaibigan niya doon. "Eh kasi naman po, mommy ang landi niya eh," magkasalubong ang kilay niyang sabi. Namilog naman ang mata ko. "Ha? Grabe ka naman magsalita, anak! Bakit mo naman nasabi 'yan?" Kumunot siya sa kaniyang ulo. "Mommy, bata pa po kami, 'di ba? Ten years old pa lang po ako pero ang dami ng babaeng nagpapapansin sa akin. Kahit kasing edad ko lang po o mas matanda pa po sa akin, ang papansin nila. Ang laland

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD