Kabanata 51

1214 Words

Avannah's P. O. V. "Ouch..." daing ko nang magising ako. Hindi ko pa rin alam ang mga nangyayari. Gusto ko sanang umuwi sa amin kaso sinabi ni ninong na baka lumala pa ang sitwasyon ko. At isa pa, baka magalit sa akin sina mama at papa kapag nalaman nila ang nangyari sa akin. Iisipin na naging pabaya ako sa sarili ko at baka hindi na ako payagan pang mangupahan. Nandito ako ngayon sa apartment ko. Dito raw ako nangungupahan sabi ni ninong. Pero wala talaga akong maalala. Ang huli kong natatandaan, umuwi ako sa amin. Sinabi lahat sa akin ni ninong kung ano ako ngayon. Secretary niya raw ako pero hindi ko talaga alam. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong sa akin ni ninong nang pumasok siya sa kuwarto. Tiningnan ko si ninong Raider. Napakagwapo talaga niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD