Kabanata 7

1623 Words
Avannah's P.O.V. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang inaalala ang mga sandaling kasama ko dito sa apartment no'ng isang gabi. Sinadya ko talagang tumabi sa kaniya matulog dahil talagang inantok na rin ako nang araw na iyon. Sobrang himbing ng tulog ko habang katabi si ninong Raider at magkayakap kami. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may katabing matulog? Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may kayakap tuwing matutulog? Biglang sumagi sa isip ko ang sandaling magpaalam sa akin si ninong at humingi pa siya ng yakap bago tuluyang umalis. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang p*********i sa puson ko. Napakatigas no'n at nakatatakot. Bakit kaya naninigas ang alaga ni ninong noong araw na iyon? Tinigasan kaya si ninong habang katabi akong matulog? Bigla tuloy akong nagsisi na hindi ko man lang nahawakan ang kaniyang alaga. Sa totoo lang, sa sobrang curious ko sa maselang parte ng katawan ng isang lalaki, nag- search talaga ako kung ano ang mga itsura nito. At namangha ako sa mga iba't ibang kulay at haba, laki at taba ng mga ito. Iyong kay ninong kaya ay malaki? Mahaba rin kaya ito at mataba? Bigla tuloy akong nasabik sa isiping malaki nga ang kay ninong. Paano ko kaya masasabi sa kaniya na gusto ko siya ulit makatabing matulog? Gusto ko ulit maranasang makatabi sa pagtulog si ninong. Ngunit ayoko namang mag- first move dahil baka isipin ni ninong na haliparot ako. Kung sakali man na may gawin siya sa akin, handa naman ako. Wala naman akong pakialam kung siya ang lalaking makauna sa akin. Mas mainam na sa kaniya ko ibigay ang pagkabirhen ko kaysa sa ibang lalaki tutal gusto ko naman si ninong Raider at talaga namang naaakit ako sa kaniya. Lalo pa sa edad niya ngayon, mas lalo siyang naging kaakit- akit sa paningin ko. "Wow! Ang ganda naman ng apartment mo! Ang linis at ang sarap sa mata ng kulay!" namamanghang sambit ni Yvonne na kararating lang. Day off ko kasi ngayon kaya naman inimbitahan ko siya na magpunta dito sa apartment ko. Isang sakay lang naman ito mula sa bahay namin at nasa kalahating oras ang byahe. Sa susunod na linggo pa ako magiging secretary ni ninong. Bigla tuloy akong nasabik dahil mas makakasama ko siya. At sa tingin ko ay magiging busy na ako sa mga araw na iyon. "Balak ko na nga ring mangupahan sa ganito. Ayoko na sa bahay. Nasasawa na ako sa pagmumukha nila. Tapos nandoon pa ang tiyahin kong ipokrita. Kesyo wala raw mapuntahan dahil pinalayas siya ng ka- live in partner niya. Bagay lang sa kaniya iyon dahil ibang klase rin kasi ang ugali niya. Sakal na sakal ang ka- live in niya at talaga namang napakabungangera. Kaya siguro hindi na siya kinaya ng ka- live in niya kaya siya pinalayas," pagkukuwento ni Yvonne kasabay ng paggalaw ng kaniyang kamay. "May trabaho ka na ba? Para syempre...may mapagkukuhanan ka ng pera pambayad sa upa mo at sa sarili mong needs," sabi ko naman sa kaniya habang inaasikaso ang dala niyang pagkain. "Mayroon na akong trabaho. Kasisimula ko lang noong isang araw. Medyo malayo lang ng kaunti mula dito. Kaya naghahanap na ako ng mauupahan kong apartment kahit na hindi sobrang ganda basta malipatan ko lang kaagad. Nauurat na kasi ako sa bahay. Lalo nandoon nga ang kairita kong tiyahin. Nagiging panira ng araw ko," nakangiwing sabi niya. Natawa naman ako sa itsura ni Yvonne dahil halata sa mukha niya ang pagkairita. Kilala ko pa naman ang kaibigan kong ito kapag nairita, talagang mababakas sa mukha niya at hindi ito matatago. Nahihirapan siyang magpanggap. Hindi niya kayang makipagplastikan. "Siya nga pala...may boyfriend ka na ba? Ako kasi balak ko ng sagutin ang manliligaw ko tutal isang taon na rin siyang nanliligaw sa akin. Para na rin mabiyak na ang katawang lupa ako," sabi niya sabay hagikhik. Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon bago ako napakamot sa aking ulo. "Wala pa akong boyfriend. Ewan ko ba pero wala akong matipuhan sa mga lalaking nakakasalamuha ko ngayon. At saka gusto ko kasi sa lalaki iyong may edad. Iyon bang matanda sa akin para matured mag- isip. Para ako lang ang baby niya," nakabungisngis kong sabi. Umarko naman ang kilay ni Yvonne. "Ah okay bale gusto mo iyong matandang lalaki? Kumbaga hindi naman lolo, basta iyong matanda pero yummy?" Mabilis akong tumango. "Oo ganoon na. Iyon bang mga napapanuod natin sa mga palabas? Iyong nasa 40s na ang age nila pero mukha lang silang nasa 30s tapos ang gaguwapo at ang lalaki ng katawan pakshet!" Humagalpak ng tawa si Yvonne sabay hampas sa aking braso. "Oh my gosh! Maganda nga iyan! May edad na rin itong akin eh. Eight years ang tanda niya sa akin. Magkaiba talaga tayo, Avannah! Gusto natin iyong binibeybe tayo! I love it!" "Syempre naman! At saka ang sabi nila, masarap daw magmahal ang matatandang lalaki. Talagang baby ang turing nila sa babaeng partner nila. Iyon bang lahat gagawin nila para mapasaya ang babaeng mahal nila?" nakangiting sabi ko. Mabilis siyang tumango. "Totoo 'yan! At isa pa, magagaling sila sa kama. Syempre, may edad na sila eh. Marami na silang natuhog. Kaya talagang bihasa na sila. Ako nga ire- ready ko na ang bilat ko kapag tutuhugin na ako ng manliligaw ko ngayon dahil baka sagutin ko na siya bukas o sa susunod na araw!" sambit niya sabay tili. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at naisip ko bigla si ninong Raider. Magaling kaya sa kama si ninong? Marami kaya siyang alam na posisyon pagdating kama? Siguro marami siyang alam dahil napakaguwapo niya. At isa pa, isa rin siyang modelo. Maraming mga brands ang tinatawagan siya mai- promote ang kanilang mga produkto. At maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya dahil kahit anong suotin niyang damit, bagay na bagay sa kaniya. "Eh ikaw ba nakahanap na ng lalaking may edad? Iyong yummy at hot? Kumilos ka na kaya bago ka pa maunahan ng iba!" natatawa niyang sabi sa akin. Tinawanan ko siya bago ako bumuntong hininga at diretsong tumingin sa mata niya. "Mayroon na akong nahanap....kaso alam kong medyo tagilid ito. Na parang bawal..." Umarko ang kilay ni Yvonne. "Ha? Anong tagilid at paanong bawal?" Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Huwag kang maingay, ha? Sa iyo ko lang ito sasabihin dahil ikaw ang bestfriend ko." Bigla niya akong binatukan ngunit mahina lang naman iyon. "Gaga ka talaga! Kailan ba ako nag- ingay? Buang ka talaga! Lahat ng sinasabi mo sa akin ay sa akin lang. At ganoon ka rin naman sa akin, 'di ba?" Mabilis akong tumango. "Oo naman syempre. So ito na nga. Si ninong Raider kasi... ano eh. May gusto ako sa kaniya at naaakit ako sa kaguwapuhang taglay niya. Na para bang mas lalo siyang naging guwapo at hot sa paningin ko." Napahawak siya sa kaniyang bibig. "Oh my gosh! Sinasabi ko na nga ba! Talagang magkakagusto sa ninong mong yummy!" Nangunot ang noo ko. "Ha?" Pilya siyang ngumisi. "Eh 'di ba noong mga bata pa tayo, palagi monh sinasabi sa akin na guwapong- guwapo ka sa ninong mo at sinabi mo pa nga sa akin na gusto mong magkaroon ng boyfriend na katulad niya. Tapos sinabi ko sa iyo na baka crush mo ang ninong mo pero sabi mo ay hindi. Naaalala mo pa ba?" Muli kong nakagat ang labi ko at saka natawa na lamang. Totoo naman kasing palagi kong sinasabi sa kaniya na napakaguwapo ninong. At talaga namang crush na crush ko noon si ninong. "Oo...at hanggang ngayon ay crush ko siya. Pero alam kong bawal eh kasi siyempre, ninong ko siya. Bale parang siya ang pangalawang magulang ko kaya hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito..Pero paano ko mapipigilan ito kung palagi kaming nagkikita dahil siya ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko?" Ngumisi siya. "Anong bawal? Walang bawal- bawal sa pag- ibig! Tandaan mo, Avannah makapangyarihan ang pag- ibig. Eh anong magagawa mo kung gusto mo siya? Hayaan mo lang ang sarili mo na gustuhin siya. At saka uso naman ngayon ang bawal na pag- ibig! Sabi nga, masarap ang bawal! Kaya kung ako sa iyo, landiin mo na ang ninong Raider mo. Akitin mo na para matikman mo na ang hagupit ng isang guwapong ninong!" sabi niya bago siya malakas na tumawa. Natawa na rin akong bigla. "Naisip ko nga rin iyan. Pero paano kung magkaroon nga kami ng relasyon kaso hindi naman ito matatanggap ni papa ko? Anong gagawin ko?" Tumikhim si Yvonne. "Eh 'di itago niyo muna kung sakaling magkakaroon kayo ng relasyon. Huwag niyong ipapaalam sa iba. Hayaan niyong malaman nila ng kusa. At kung sakali man na tumutol ang papa mo, ipaglaban mo ang nararamdaman mo." Hindi na lang ako nagsalita habang iniba naman ni Yvonne ang usapan namin. Tumagal ng maghapon si Yvonne sa apartment ko bago siya umalis. At nang umuwi siya, medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil wala na akong kausap. Nagluto na ako ng makakain ko para makatulog ako ng maaga dahil may pasok na ako bukas. Akma na sana akong matututulog nang makarinig ako ng katok sa labas ng pinto. Marahan akong kumilos. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si ninong Raider. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. "Ninong? Gabi na po...bakit po kayo nandito?" takang tanong ko sa kaniya. "Na- miss kasi kita inaanak ko. Hindi kita nakita kanina sa kompanya. Day off mo pala..." Napakamot ako sa aking ulo bago tumango. "Ay opo. Day off ko po..." Nadako ang paningin niya sa aking dibdib. Napalunok ako nang laway nang maalala kong wala akong suot na bra dahil hindi naman ako nagsusuot kapag matutulog na ako. "Bakat na bakat naman ang u***g mo, inaanak. Inaakit mo ba si ninong?" aniya kasabay ng pilyong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD