Avannah's P.O.V. Bagsak ang balikat ko nang maupo ako sa aking puwesto. Tatlong araw na simula nang hindi nagpakita sa akin si ninong Raider. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong naging maarte. Nagtampo siguro sa akin si ninong Raider kaya hindi muna siya nagpapakita sa akin. Napatingin ako sa orasan. Habang hinihintay ko ang mga araw, nababagalan ako sa takbo ng oras. Pakiramdam ko usad pagong ang takbo ng oras. Wala tuloy akong ganang magtrabaho ngayon dahil wala si ninong. "Avannah? Wala pa rin ang ninong mo?" tanong sa akin ng kararating na si Divine. Tiningnan ko siya. Isa pa 'tong babae na 'to. Nakita na nga niyang wala dito si ninong pero nagtanong pa siya. Buwisit na tandang Divine na 'to. Ayaw pang tigilan ang ninong ko. Siya talaga ang sagabal sa relasyon naming dala