Avannah's P.O.V. "Honey..." tawag ko kay ninong na abala sa pagluluto ng hapunan namin. "Yes, honey?" malanding sabi niya sabay kindat. Lumapit ako sa kaniya. "Nabanggit sa akin ni Divine na niyayaya ka raw niyang lumabas?" Agad naman siyang tumango. "Oo pero hindi naman ako pumapayag. Sinasabi ko na busy ako. Bakit?" Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Naitanong ko lang naman. Wala ka kasi sinasabi sa akin." "Pasensya ka na, honey kung wala akong sinasabi sa iyo. Pero wala ka namang dapat ikabahala dahil hindi naman ako sumasama sa kaniya. At saka naisip ko na pinagseselosan mo siya, 'di ba? Kaya lumalayo talaga ako para hindi ka makaramdam ng pangamba o ano pa man," mahinahong sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni ninong. Mabuti naman at nakaramdam na siya kahit papaano