┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Habang masayang nakikipag kwentuhan si David sa kanyang pinsan na si Dazzle na kararating lamang mula sa France ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. May galit sa tinig nito kaya may kung anong takot siyang nararamdaman sa puso niya. Naririnig din niya ang kanyang ina na umiiyak kaya pinindot niya ang speaker phone upang marinig ito ng mga pinsan niya na kasama nila ni Dazzle sa office niya. "Umuwi ka dito David, ngayon din!" malakas na sigaw ng kanyang ama. Nagkatinginan sila ni Dazzle ng pinutol bigla ng ama niya ang pag-uusap nila. "You think na may alam na si tito tungkol sa nangyayari sa inyo ni Allison at sa kalagayan nito?" wika ni Dazzle. Dumating siya dito sa Pilipinas dahil tinawagan siya ni David upang tulungan sila ni Allison na paliwanagan ang k