Nagngingitngit sa galit si Dina. Nagtatago siya sa likod ng puno habang pinagmamasdan sina Selena at John na masayang nag-uusap. Nagseselos siya kay Selena, pakiramdam niya ay inaagaw nito sa kaniya si John. “O, akala ko ba sa’yo may gusto si Sir John, kay Selena naman pala, masyado kang assuming.” Napaigtad siya ng biglang magsalita sa likuran niya ang kusinerang si Olga. Huminga siya ng malalim bago pumihit paharap dito. Inirapan niya ito. “Sa akin may gusto si Sir John. Binigyan pa nga niya ako ng pasalubong. Nakita mo naman ‘di ba, ipinakita ko nga sa’yo?” “Oo nga, ipinakita mo lang sa akin pero hindi ka naman namigay,” inis na sabi ni Olga. “Tsk! Baka naman kasi nagkamali lang ng pandinig si Sir Marcus, hindi naman talaga para sa’yo ang mga pagkain na iyon kung hindi kay Selena