THE WILD PRINCESS
BY : SHERYL FEE
CHAPTER FOUR
"Wake up Princess . It's sunday, the drums is waiting for you." bulong ni Queennie habang nag-iinat.
Well, it's sunday! No one gonna disturb her in the music room.
"Namiss ko tuloy sina kuya Chester at kuya Cyrus. Hmmpp! Bakit pa kasi sila umalis ng Baguio eh!" muli ay bulong nila.
Nang makuha ang buwelo para bumangun ay nagtungo siya sa banyo ng kuwarto niya at tinapos ang morning rituals niya.
"My favourite day! It's Sunday! Pupunta ako sa simbahan. Ako ang magdrum hmmmm I love it Lordie." aniya at muling pinasadahan ang sarili.
Pero napaupo siyang muli ng makita ang orasan!
She's late to the mass that supposedly for her to drum for the mass!
"Pesteng alarm na ito hindi yata tumunog hindi tuloy ako nakapagsimba! " gigil niyang sabi na kulang na lang basagin niya ito.
Hoy langgam kung nagsasalita lang sana ang alarm pinagmumura ka na!
Kayat ang admit niyang pangsimba ay muli niyang pinalitan ng pang lakad. Itinali pataas ang mahaba niyang buhok at nagtungo sa music room nilang magkakapatid.
"Ako muna ang drummer habang wala si kuya Cyrus."aniya ni Queennie at nagsimula na ngang pumalo sa drum set.
Samantala, dumaan naman ang magkaibigang Dos at Wayne sa tahanan ng mga Aguillar.
"Tol mukhang nagsolo flight si langgam ah." sabi ni Wayne kay Dos.
"Malamang hindi na naman niya narinig ang alarm niya kamu abah dati rati pag araw ng linggo maagang pumupuntang simbahan si bunso." tugon ni Ruben matapos ipinarada ang sasakyan at pumasok sila.
"Hello Ma ." bati ni Dos sa kanilang ina na nasa sala at humalik dito.
"Kumusta anak?" tugon naman ni Lampa.
" Okey naman po Ma , mukhang nag iisa ka lang ah nasaan di papa?" sagot ni Dos.
"Kaawaan ka ng Diyos anak." sagot ni Lampa kay Wayne na nagmano sa kanya bago sumagot sa kay Dos.
"Nasa likuran ang papa mo anak. Kumaan na ba kayong dalawa?" sagot ni Lampa dito.
"Hindi pa tita kaya kami dumaan para makikikain. " sagot ni Wayne pero ang paningin ay sa music room.
"Hahaha kong ako sa iyo tol bawas-bawasan mo na ang pang-aasar kay bunso para hindi ka mahirapang ligawan siya. Mukhang mababali na ang leeg mo niyan." tukso dito ni Ruben.
"Paanu lagi siyang galit sa akin pare paanu ko siya maliligawan." kakamot kamot na sagot ni Wayne.
" Paanu Hindi magagalit ang tao sa iyo eh lagi mong inaasar kayat ang labas lagi kayung nagbabangayan." sagot ni Dos.
"Correction pare nagpapapansin lang ko as kanya hindi ko inaasar. Ang ganda niya kasi pag nagagalit at namumula ang mukha." salungat naman ni Wayne sa kaibigan.
"Lol ganun na rin iyun. Tara na nga sa kusina at makakain." aniya ni Dos.
"Wala si manang lumabas kayat magluto muna kayong dalawa ng kakainin ninyo." singit ng kanilang ina.
"Wala pong problema tita yakang yaka namin iyan ni pareng Dos." sagot ni Wayne at magkasama silang nagtungo sa kusina upang maghanda ng kanilang makakain.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Antimano kung saan nakatira ang mag asawang CG at Sherwin dahil hindi pumayag si Retired AFP officer na bumukod pa sila. Na kahit si Villamor ay ito ang sumunod sa yapak ng lolo Oliver niya dahil ang bunso ng mag asawa ay mas gusto ang sumunod sa yapak ng tito JR nito na isang doctor at sa MT PROVINCE ito nagtratrabho. (hindi mga Smith ang mga iyan ah Abrasado hihihi ).
"Oh I miss my darling Wayne." malanding aniya ng isang sopistikadang babae habang naghihintay ng magbubukas ng gate.
"s**t!!! ang kukupad naman ng mga hampas lupang mga katulong na ito." muli ay bulong niya at sinunod sunod ang pagbusina.
"Walang hiyang haliparot na ito makabusina wagas ggggrrrr!" saad ni Perly na halos magkanda dapa dapa sa pagmamadali para mapagbuksan ang haliparot.
"Hoy mutchacha bilisan mo! Kanina pa ako dito na naghihintay para pagbuksan mo!" tungayaw ni Rhose na haliparot ng makita ang pobreng katulong.
"Malunok mo sana ang dila mong buwisit ka!" bulong ng dalagang tagapagsilbi.
"Isusumbong kita kina mama at papa ikaw hampas lupa kang makupad ka abah bubulong bulong ka na nga ang kupad mo pa! " muli ay tungayaw nito.
Inis na inis man si Perly sa hitad na haliparot ay pinili na lamang niyang manahimik.
"Madapa ka sanang hitad kang haliparot----
"Blag!
Nagdilang-anghel yata siya dahil hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay natapilok na ito. Sumabit ang high heels nito sa hose ginagamit ng hardenero sa pagdidilig.
"Heeeelllllpppp!!! Heeeeellllpppp!!!!!" tili nito.
Hindi alam ng dalaga kong maaawa o matatawa sa itsura nito. Para itong palakang nasubsob sa putikan. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti imbes na lapitan ito.
"Hoy katulong tulungan mo ako ditong makatayo. Isusumbong kita kay mama para palayasin ka na dito hayop ka imbes na tulungan mo ako eh pinagtatawanan mo ako huhuhu. " maarteng aniya ng hitad kayat ang damdamin kanina ni Perly na tulungan ito ay muling napalitan ng inis.
"Hmmmppp!!! Bahala ka sa buhay mo! Buwisit kang matapobre ka! Eh di magsumbong ka kahit sinung poncio pilato!" aniya ng dalaga at iniwan ang hitad.
"Bahala kayo kong tulungan niyo siya o hindi bahala siya sa buhay niya buwisit akala mo siya ang amo at nagpapasahod sa atin! Ni ang pagtaasan tayo ng boses ni ma'am CG o sina sir wala siya pa kayang hitad na haliparot na habol ng habol kay sir Wayne! Peste niya!" gigil na gigil na aniya ni Perly at iniwan ang kasamahang nakanganga sa inasta niya.
But who cares!
Ang hitad daw ang nagsimula eh! Kaya bahala daw ito sa buhay niya!
Akmang lalapit ang mga kasamahan ng dalaga sa suitor ni Wayne este naghahabol kay Wayne pero tinabig lamang ito ng hitad at unti unting tumayo.
"Isinusumpa ko ang araw na ito mga hampas lupa kayo! Pagbabayaran niyo ito! Mga hayop kayo!" tungayaw nito at paika ikang bumalik sa sasakyan nito at pinaharothot.
MAGBUNYI ANG MGA KATULONG!!!!
Ang hindi nila alam ay nasaksihan ito ni JR Antimano ang bunsong kapatid ni CG.
"She's crazy indeed!" bulong na lamang niya dahil sa nasaksihan.
Samantala, saka lamang tumigil si Queennie sa pagdrum at pag awit ng makaramdam ng gutom.
"Kakain na nga muna ako. Hmmmm anu kaya ang niluto ni mama." bulong niya habang papalabas ng music room.
Dahil sa gutom ay hindi na niya napansin ang ibang tao sa kusina nila.
"Wow my favourite ! Makakain na nga! Talagang ipinaghanda ako ni mama ah. I love her." muli niyang bulong na hindi pansin ang kuya Dos niya at ang impaktong kangaroo na naghanda sa pagkain.
Kinuha niya ang plato na nakahanda at sumandok na rin sa nakahaing kanin.
Abah! Anak mayaman siya pero ang paborito niyang ulam ay talbos ng kamote na may sawsawang bagoong at kalamansi.
"Hmmmm sarap!"aniya sa pagitan ng pagsubo.
Habang pigil hininga ang dalawang binata na nanonood sa dalagang sarap na sarap sa pagkain.
"Tol mukhang bagoong at kalamansi na lang ulam natin ah." aniya ni Wayne sa kaibigan without a sound.
Pero pinatahimik lamang ito ni Dos dahil sarap na sarap ang princesa nila. Malakas itong kumain lalo kong gulay ang ulam nila pero pag karne ay hindi pero hindi naman ito tabatsoy infact she's sexy!
"Thank you LORD for the food I'm full." aniya ng dalaga ng matapos kumain.
Ubos ang talbos ng kamote!
Naiwan ang pritong tilapia at adonong manok!
"Nandiyan pala kayo kuya? Kain na kayo tapos na ako. Hay ang sarap.!" sabi ng dalaga ng mapansin ang dalawang nakamasid sa kanya.
"Grabe ka naman langgam inubos mo ang ulam namin ni pareng Dos!" aniya ni Wayne.
"Hoy impaktong kangaroo eh di magluto ka kong gusto mo! At bakit dito ka na naman makikikain!" sagot ni Queennie.
"Imbes na magpasalamat ka eh ikaw pa ang may ganang manigaw." tugon ni Wayne.
"At bakit ako magpapasalamat sa iyong impaktong kangaroo ka!" muli ay sigaw ni Queennie.
"Ah bunso kasi siya ang nanguha diyan sa garden ng talbos at siya ang nagluto. Kanin at iyang isda lang ang niluto ko." singit ni Ruben para maiwasan ang world war 20 este ang bangayan ng dalawa.
Ang papalabas sana sa kusina na si Queennie ay muling humarap sa dalawang binata at namaywang.
"Whatever! Eh anu kung siya ang nanguha at nagluto eh sa atin naman ang niluto niya! Pero sige SALAMAT!" labas sa ilong na aniya ng dalaga at tuluyang lumabas ng kusina.
Faktay kayung dalawa diyan pagtiyagaan ninyo ang adonong manok at pritong tilapia .
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY