" THE WILD PRINCESS " BY : SHERYL FEE CHAPTER 16 " Ama gising na siya, aalis na ba siya?" tanung ni Amaya sa kanyang ama. " Kung iyan ang gusto niya anak wala tayong magagawa. Ang naalagaan natin siya ng mahigit dalawang ay okey na iyon." sagot ni Tata Ambet. " Sabagay nga naman itay. Pero nakasanayan ko na kasing may inaalagaan kahit hindi natin kaano ano." sagot ni Amaya. " Kaya kita binalaan dati dahil hindi natin alam ang katauhan niya. Ngayung bumalik na ang malay tao niya puwedi na natin siyang kausapin." aniya ni tata ambet. " Hindi ko naman maitatangging may pagtangi ako sa kanya itay pero bilang isang dalagang pilipina alam ko pa rin ang limitasyun ko." sagot naman ni Amaya. " Mabuti naman kung gano'n anak. Lapitan mo na siya ilang araw ns rin siyang laging nakatingin sa