THE WILD PRINCESS BY : SHERYL FEE CHAPTER 9 " Pare anong ginagawa ng hayop na iyun dito?" tanung ni Wayne kay Dos ng nasa daan na sila pauwi. " Iyan ang hindi natin alam tol. At isa pa paanu siya napunta dito sa Mt Province eh malayo na sa lugar nila." sagot ni Dos. " Huwag lang silang magkakamaling maghasik ng lagim dito at pag nagkataon ipalibing ko silang buhay." tiim bagang na aniya ni Wayne. Kagaya ng kaibigan niya ang pagiging doctor ang bokasyon niya pero hindi maaaring wala siyang alam sa self defense. Isang magiting na opisyal ang kanyang ama at gan'on din ang lolo Oliver niya. At ang ang kuya Villamor niya na sumunod sa yapak ng Lolo at papa nila ay isa ring opisyal sa AFP. "Mas maganda pa rin ang nag iingat pare we don't know their minds. So daanan na lang kita bukas