5

1099 Words
Freya     "HEY!" Sabi ko dito sabay pitik ko ng ilang beses sa hangin. Napakurap ng ilang beses si Trisha sa akin.     "May sinasabi ka ba?" wala sa sarili nitong tanong. Napiling na lang ako sa kawalan ng pag asa.     "Tignan mo 'tong babaeng to, ano bang nangyayari sa iyo?! Pati ba naman ikaw Trish?!" naiinis akong pinamaywangan siya. Sira na ang araw ko mula ng malaman kong isinama ako ng magaling kong kaibigan sa raffle para sa hospital fundraiser, nanalo, at ang masaklap pa nito isang date pa sa isang doktor. Buti sana kung grocery, isang sako ng bigas o kahit gift certificate ang grand prize matutuwa pa ako eh.     But what's worse is yung hindi ko napag handaan ang unang pagkikita namin ni Dr. Jairus Saavedra. Yes I admit, napaka guwapo niya talaga at ang mga katulad niya ay sa magazine lang nababagay. He has this very masculine look, rugged but neat. Napakatangos ng ilong nito, may magandang hugis na mukha, almond – shaped brown eyes with flecks of gold, may pagka natural blonde ito at pag-dating sa katawan nito, I can say, paid up ang mahabang pag-gi-gym nito sa ganda ng hubog ng katawan niya and he has this 6'3 height na sobrang kaiinggitan ng lalaki. Akala ko sa imagination lang puwedeng magkaroon ng kagaya niyang lalaki.     But he's real, hell! And he's the hospital's Goddamn Ace Neurosurgeon. Hindi ito pang karaniwang dahil isa rin ito sa mga boss ko. And he is claiming our damn prize of a date!     "Sorry my dear Freya, wag mo akong isama sa pagka man-hater mo. I've known Dr. Saavedra since I started my commitment here at the hospital at masasabi kong wala siyang tinatapakang tao." Trisha said to me still not leaving her eyes to that Demi–Freaking–God sa ward namin. I glared at her.   "Sabihin na nating fair siya kaya in–offer na niya mismo sa'yo yung date thing, pero kung ako ikaw magpapaka professional lang ako at papaunlakan ko na lang siya. Or unless, kagaya ng sinabi ko kanina, maybe, natatakot ka ding mahulog sa kanya." pinag-krus nito ang kanyang mga braso at ngayon ay nakatingin ng ewan sa akin.     "H-Hindi ah!!" tanggi ko sa paratang niya. Halata ba?     "So ano ngayon ang ikinakatakot mo?" Trisha must be pissed now, halata na din sa annoyance ng boses niya.     "Dahil ni-manipulate mo ang raffle, Trish," I mumbled. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito saka akin.     "Its not a manipulation Freya. FATE ang tawag don. Trabaho ko lang ang magbola ng mga raffle ticket." Medyo nag-taas na din ito ng boses sa pinaratang ko sa kanya.     I sighed. Ayokong pag-awayan pa namin ng kaibigan ko ang bagay na ito. Kung fate ko na mabunot, edi fate. Ano pa bang laban ko dito. Tinitigan ko si Trisha, tipid akong ngumiti sa kanya and grabbed her left hand.     "Sorry na Trish, ayoko lang kasi ng pinapangunahan ako." pag dadahilan ko na lang sa kanya. Alam kong hindi rin nito maiintindihan ang mga rason ko at alam ko, nararamdaman kong hindi ko na maitatago ang totoo sa kanya. Sa kanilang lahat. Na natatakot akong ma-involved ulit sa isang maimpluwensyang tao. Sa mga lalaking katulad ni Dr. Saavedra.     "You're forgiven Freya, sorry din nainis ako sa'yo. Ikaw naman kasi eh..." Trisha said at bumalik na din ang masaya niyang mukha. "Dr. Jairus will stay for this day dito sa ward natin, part pa rin ng auction kagabi kaya may time kayong mag bond, kilalanin mo siya." Tsk. Parang ang daling sabihin ah!     Nginitian ko na lang si Trisha habang marami pa itong sinasabi sa akin. Automatiko naman akong napatingin sa gawi ni Dr. Saavedra na kausap ngayon ang isang naka-admit na bata. Sakto namang napalingon din ito sa gawi ko at ginawaran ako ng masuyong ngiti. At parang tumigil na naman ang pag-pintig ng puso ko.     Jairus     ONE DAY.     I have this one whole day service here at the pediatric department. Malayong–malayo sa operating table na araw–araw kong kaharap noon. Hindi sa ayaw ko sa bata. But the thought of a baby, a child, kumikirot ang puso ko.     Di sana may mga anak na din kami ni Lexie.     Nakuha ng isang batang lalaki ang atensyon ko. Maybe he's between 7 to 9 years old boy. He looks sick. Of course kaya nga siya nasa hospital diba?! But he really is sick.     "Hey young man." Lumapit ako sa kanya, "How are you today?” tanong ko dito pero nagulat ako ng inirapan niya ako.     Aba't! May attitude itong batang ito ah?     "Where're your parents?" tanong ko pa din sa kanya. Pero hindi pa din ito umiimik. "Can I do something for you?" pilit ko pa ding itong ina-approach. Pero mas ikinagulat ko ang sinagot niya sa akin.     "Yeah, can you please leave my girlfriend alone?!" sabi ng batang lalaki. Napangiwi ako.     "Eherm! G-girlfriend? W-who?" kunot–noo kong tanong. Pigil ko ang supil na ngiti sa labi ko. Am I exactly talking to a boy?    Naghalukipkip ito ng mga braso na tila isa siyang matandang lalaki na nakikipag sukatan sa akin. Nakakaaliw. "C'mon young man, who is this lucky girlfriend of yours? Kilala ko ba siya?" I asked him. Nag-pout pa ito ng bibig sabay kumunot ang noo niyo na para bang naiinis.     Tumango ito. Saka nagturo sa bandang nurses' station. Napangiti na lang ako, of course isang nurse ang makakagawa ng isang charm sa mga batang katulad niya. Sinundan ko yung itinuturo nito but only to be shocked.     Damn! She was talking about Freya.     Nag-locked ang mga mata namin, alam kong nagulat din siya. Hindi ko na naitago ang masuyong ngiti na iginawad ko sa kanya.     "I said stop looking at her! Girlfriend ko siya!" nabaling ako ng tingin sa batang ito na kaharap ko, halata ang pagkabanas niya sa akin.     "But nurse Freya is way older than you." sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla nito akong hinampas, pero imbes na magalit ako ay lalo pa akong natuwa sa kanya.     "No! I know that he will wait for me and I'll marry her!!" Nagwawala na ang batang ito sabay balahaw ng iyak. Alumpihit na ako sa puwesto ko dahil nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang mga pasyente. And I saw Freya walking towards us. Hindi ko mapigilang hindi siya pag masdang maigi. Parang nag i-slow motion ang kapaligiran ko.     Like Lexie, Freya has this beautiful face, small pointed nose, almond-shaped eyes. 5'4 ang tantiya kong taas niya and she has a gorgeous body. Unlike Lexie na namayat dahil sa sakit nito. And Freya was at least cool and calm. She has confidence. Nagsitayuan yata ang buhok ko sa batok ng makita kong ngumiti siya. So refreshing, no wonder nabihag niya ang puso ng batang ito.     She'd be far better with the kid than he was.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD