Nakita ko naman kanina kung papaano patakbuhin ni Marquez ang kotse niya. Bahala na basta't makaalis ako sa pwesto na ito para hindi matigok. Mabilis kong pinihit ang susi pagkatapos ay sinimulan ko nang patakbuhin ang kotse. Nanlalaki ang mga mata ko dahil bakit biglang bumilis ka agad ang takbo? Dapat mabagal muna ito, eh. Hanggang sa tumingin ako sa bus na papalapit at kaunting-kaunti na lang at mababangga na ang kotse ni Marquez. “Ahhhh!” malakas kong sigaw, dahil nakita kong sa isang malaking puno bumangga ang kotse ni Marquez. Mabilis tuloy akong tumungo upang hindi matamaan ng bubog ang aking mukha sayang naman ang aking ganda. Binitawan ko rin ang manobela upang gamitin ang aking kamay pananggalan. “Medina!” narinig ko ang boses ni Marquez. Ngunit hindi ako gumalaw sa pagkakat