“Anong bang ulo ang gusto mong ipalit ko sa ‘yo?” tanong sa akin ni Manilyn.
“Kahit ano, basta ‘yung mabilis akong makakapag-isip kung saan ako kukuha ng malaking pera, lalo at kailangan ni Inay sa sunod na linggo,” wika ko.
Biglang tumawa ng malakas ang aking kaibigan. “Siguro’y kailangan ko nang umalis upang maghanap ng ulong kailangan mo,” wika nitong nakangisi.
Tumango na lamang ako rito, habang natatawa sa kalokohan nito. Nang tuluyang makaalis ang aking kaibigan ay agad din naman akong tumayo upang pumasok sa loob ng bahay. Para kasing bigla akong inantok kaya sa aking munting silid ako tuloy. Dahil din siguro sa pagod kaya gusto ko ng magpahinga.
KINABUKASAN nagising ako sa pagtawag sa aking ng aking Inay.
“Medina, Medina!”
Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang boses ng aking Inay. Kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto ng silid ko.
“Inay!” wika kong inaantok pa.
“Bumangon ka na riyan at kumain, dahil kagabi ka pa hindi kumakain. Ako’y aalis muna at ikaw na muna ang bahala rito sa bahay,” biling ng aking Inay.
“Sige po,” inaantok kong wika.
Agad na umalis sa aking harapan si Inay. Kahit inaantok pa’y pumunta na ako sa munting kusina namin upang kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Umupo ako sa hapagkainan. Gamit ang tinidor ay tinusok-tusok ko ang pritong itlog na nakalay sa plato. Kailangan ko pa lang magtinda ng isda ngayon para makaipon ako ng pamasahe ng Inay papauwi sa probinsya nila.
Kailangan kasing makauwi si Inay habang maaga pa. Nalaman kasing namin mahina na ang kapatid nito at gusto ni Inay na makita ito.
Matagal na rin naman na hindi sila nagkikita, kaya kahit sa huling sandali ng buhay ng kapatid nito ay makausap at mayakap man lang ni Inay.
Tumingin ako sa pusang katabi ko kinuha ko ang natitirang itlog at ibinigay ko rito.
“Kikoy, ubusin mo iyang pagkain mo. Pasensya na at iyan lang ang naibigay ko sa ‘yo. Mahirap lamang tayo kaya huwag ka ng mag-inarte!” malakas kong bigkas.
Iniligpit ko ang aking mga pinagkainan. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung saan kukuha ng medyo malaking pera.
“Aahh! Himala! Kailangan ko ng himala! Nasaan ka na magpakita ka na sa akin!” bulalas ko.
Kinuha ko ang walis tambo at nag-umpis nang maglisnis sa buong bahay.
“Mang holdap kaya ako ng bangko. Ano sa tingin mo Kikoy?” tanong ko sa pusang nakasunod sa akin.
Ngunit wala akong narinig na tugon sa pusa. Nakatingin lamang siya sa akin, kaya napatuloy ako sa aking pagsasalita. Wala akong narinig kay Kikoy at kung may makakarinig sa akin ay siguradong masasabihan akong baliw.
“Kikoy, sasama ka ba sa akin? Kung sakaling pasokin ko ang bangko. Ikaw ang gagawin kong pain,” wika ko at humagalpak pa ng tawa.
“Alam mo Ki---”
Kumunot ang aking noo ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Kaya agad akong kumapit doon upang buksan iyon. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mabungaran ko ang mukha ni Josh.
“Kanina pa kita naririnig na salita nang salita doon sa bahay ko. Napakaingay mo. Can you please tone down your voice?”
Kumurap-kurap ang mga mata ko ng tumingin sa akin ang lalaki.
“Anong sabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Ang sabi ko, ang ingay mo. Puwede bang pakibawasan ng kaunti ang boses mo, dahil naririndi ako sa ‘yo! Nakakaistorbo ka na kasi.”
So, ito pala ang may-ari nang pinapatayong bahay dito lang sa tabi namin. Inismiran ko siya bago muling sumagot.
“Wala kang magagawa kung ma-ingay ako. Alam mo kung bakit? Kasi pamamahay namin ito. Ano bang pakialam mo? Saka kahit kumanta ako rito maghapon wala kang pakialam! Kung ako sa ‘yo lumipat ka na lang uli at dalhin muna lamang ang bahay mo. Nananahimik ako rito, tapos , kakatok ka sa pinto para magreklamo!” asar na wika ko.
“Nananahimik? Nakakabingi iyang boses mo. Nakikiusap lang ako sa ‘yo na huwag kang masyadong maingay pero ang dami mo nang sinasabi. Ano ka ba, manok?” asar na tanong nito.
Sa aking narinig ay tuluyan na akong napikon dito. “Hoy, mister! Baka nakakalimutan mo kung kaninong bahay ka nakatungtong. Ngayon.” Pinamaywangan ko ito, handang makipag-away rito.
“Just tone down your voice. At kung puwede kapag nag-uusap kayo ng boyfriend mo ay pakihinaan ang boses mo. Nang hindi kayo nakakaagaw ng atensiyon ng ibang taong mayroong ginagawa!”
Kumunot ang noo ko sa sinasabi nitong boyfriend ko.
“Hoy, excuse me, ‘no! Hindi ko boyfriend si Kikoy!” bulalas ko sa mukhan nito at halos mapatid ang aking litid.
Anak ng tukwa pati ang alaga kong pusa napagkamalan nitong boyfriend ko.
“Whatever. Just tone down your voice,” wika nito.
Hindi ko na magawa pang magsalita dahil mabilis nang tumalikod ang lalaki sa akin. Hinabol na lamang niya ng tingin ito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
“May araw ka rin sa akin Josh.." bulong ko. Habang nakakuyom ang mga kamao ko.
Muli kong ini-lock ang pinto. At ilang beses din akong nagbuntonghininga upang kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam at hindi sumingaw ang galit ko para sa lalaking 'yun. Hanggang sa magdesisyon na akong umalis ng bahay.
Tumingin ako wall clock at nakita kong alas-otso na ng umaga kailangan ko nang umalis.
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa bahay ni Eigram na kung saan ako kumukuha ng isda na puwede kong ilako.
Ngumiti ako rito at agad din akong binigyan ng isda na ilalako sa mga bahay-bahay. Nang makuha ko na ang sapat na isdang ititinda ko'y agad na rin akong nagpaalam sa babae.
Bandang alas-diyes ay ubos na aking tinda. May ngiti tuloy sa aking labi. Sana lang ay palaging ganito na palaging ubos ang paninda kong isda. Para may maipon akong pera na pamasahe ng aking Inay. Muli akong napatingin kay Eigram nakangiti pa rin ito sa akin.
"Oh, Medina. Mukha yatang maagang na ubos ang ang tinda mong isda?" tanong agad sa aking ni Eigram nang makita ako sa bungad ng pinto.
"Medyo swinerte ako ngayon araw, kaya maaga akong makakauwi sa bahay upang makapagluto ng pananghalian namin ni inay," wika kong nakangiti.
Tumango naman sa akin ni Eigram. Agad ko ring ibinigay dito ang pera.
Hindi naman ako nagtagal sa bahay ni Eigram. Nais ko rin kasing makauwi agad, mabuti na lamang at may dumating agad na jeep kaya nagmamadali akong sumakay.
Kaya lang ay inis na inis ako sa lalaking katabi ko rito sa loob ng jeepney. Kanina pa ako sinisiksik nito at lalo na at sobra akong naiinitan.
Sisikmatan ko sana ito nang makuha ng isang bagong sakay na pasahero ang aking atensiyon. Gusto ko itong sipain papalabas ng jeepney. Sapagkat hanggang ngayon ay asar na asar pa rin ako sa supladong lalaki.
Natuon ang pansin ng lahat dito. Artistahin talaga ang dating ng lalaki, pang-Hollywood ang kalibre.
Lihim akong nagmasid sa lalaki at may pagtataka rin sa aking isipan. Nasaan kaya ang kotse nito at bakit nakikipag siksikan dito sa jeepney.
Naputol ang lihim kong pagmamasid sa lalaki nang may maramdaman akong malamig na bagay sa aking tagaliran.
"Holdap ito!" deklara ng lalaking kanina pa gumigitgit sa akin.
Nakaramdam ko ang unti-unting pagtakas ng kulay ng mukha ko. Nanlalamig din ang buong katawan ko. Lalo na nang mapagtanto kong baril ang hawak ng aking katabing lalaki.
"Hubarin ninyong lahat ang mga alahas na suot ninyo! Pati ang mga wallet at cellphone ninyo ay kailangan ko rin!"
Halos ikabingi ko ang malakas na sigaw ng holdaper.
"Kapag hindi kayo sumunod ay tutuluyan ko ang babaeng ito!" sigaw ng lalaking holdaper.
Naramdaman ko ang pagdiin pang lalo ng malamig na bakal sa tagiliran ko. Tuluyan na nga akong napaiyak. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa labis na takot.
"Bilisan ninyo nang kilos!"
Ilang ulit akong lumunok upang alisin ang panunuyo ang lalamunan ko. Nanginginig din ang buong katawan ko.
"Manong, wala po akong pera," naiiyak na wika ko.
"Hindi puwedeng wala kang pera! Sige na, ilabas muna kung ayaw mong tuluyan kita!"
"Please, Manong holdaper, huwag po ninyong kuhanin lahat nang kita ko sa aking pagtitinda ng isda. Iyan na nga lang ang pera ko," wika ko at baka sakaling madaan ko sa drama at pakiusapan ang halang ang kalukuwang ito.
"Manahimik ka!" Lalo nitong idiniin sa aking tagiliraan ang baril na hawak nito.
Itinikom ko na lamang ang aking bibig dahil sa takot sa lalaking aking katabi. Pumikit din ako ng mga mata upang kumalma ang aking sarili.
"Lord naman... Ayoko ko pang mamatay. Please naman po, huwag ninyong hayaan na may mangyaring sa akin," piping dasal ko. Iyon lamang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.
"Ikaw, ibigay mo sa aking ang iyong kuwintas!"
Kaya bumaling ako sa aking kapitbahay na suplado. Inalis nga nito ang kuwintas sa leeg nito. Ibinigay ng lalaki ang hinihingi ng holdaper.
Tumingin ako sa lalaki, wala akong naaaninag na takot sa mukha nito.
"Pati iyang relo mo, ibigay mo sa akin," wika ulit ng holdaper kay Josh.
Nakita kong tumaas ang kalay ng lalaki. Tingin ko'y walang balak na ibigay ng lalaki ang relo niya.
"Hindi."
Nagulat ako sa sagot ng lalaki, sabi ko nga, eh, wala talaga itong balak ibagay ang relo.
"G-gusto mong tapusin ko na ang buhay ng babaeng ito?!" malakas na tanong ng holdaper kay Josh.
"Subukan mo," sagot ng lalaki.
Halos mamutla ako sa sagot ng lalaki. Parang gusto ko itong sakalin.