(MEDINA’S POV) Nasundan ko na lang ng tingin si Josh na papalabas ng kabahayan, ngunit ramdam ko ang galit at inis ng lalaki sa akin. Ano’ng magagawa ko? Eh, ngayon ako dinatnan ng pula. Hindi ko naman puwedeng pigilan iyon na huwag munang lumabas. Marahas na lamang akong Napahinga, hanggang sa muli akong pumasok sa aking kwarto. Dito ko na lang hihintayin ang aking Amo na pinabibili ko ng napkin ko. Paghahandaan ko na lang ang sermon nito sa akin mamaya kapag dumating na ito. Kinuha ko na lamang ang tuwalya upang ilagay sa aking beywang lalo at may kaunting bahid ng dugo ang nasa aking ibabang kasuotan. Hanggang sa nagdaan ang kalahating oras. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at bumungad sa aking harap Marquez may dala-dala itong dalawang kahon. Naglakbay ang mga mata ko sa mukha ng