Angeline pov: NAGNGINGITNGIT ANG loob kong tumalikod ng higa dito. Akala ko pa naman okay na kami. Hindi na talaga maganda sa pagsasama namin ang biik na alaga nito. Dahil dito nagkakatampuhan na kami ni Primo. Nagkakasamaan ng loob dahil lang sa lintik na biik?! Panay ang mararahas kong paghingang malalim. Kumukulo ang dugo ko. At gustong mangtusta ng biik na laging nagpapainit ng ulo ko magmula nang nabili ito ni Primo! Ilang oras lang ay dinig ko na ang panabayang paghilik ng dalawa sa sofa na ikinatihaya kong pasimpleng napasilip sa gawi nila at nasa kasarapan na nga sila ng tulog. Lalo lang akong nainis na napairap sa mga ito. Bumangon akong lumipat sa kabilang silid kung saan natutulog si Eivo. Magmula nang malaman nitong may baby na ako sa tummy ay mas naging matured mag-isip ito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books