Angeline pov: TULALA AKONG lumabas ng banyo na tutop ang bibig ko. Sa sobrang abala namin dito ay hindi ko napansing hindi pa pala ako dinadatnan! Ni hindi ko manlang naisip na maaari nga palang mabuntis akong muli ni Primo lalo na't inaaraw-araw at ginagabi-gabi niya akong inuungutan na buong puso kong ipinagkakaloob dito. "Baby? What's wrong hmm?" napabalik ang ulirat ko na marinig si Primo. Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nitong kitang bagong gising. Sabog-sabog ang magulong buhok na namumula pa ang mga matang kitang kulang pa sa tulog. "P-Primo" "Is there something wrong baby? Tell me, may masakit ba sayo?" napailing akong hinaplos ito sa pisngi. Nangingilid ang luhang may ngiti sa mga labi. "Baby" "Um, can you go outside and buy me something baby" paglalambing ko diton