Angeline pov: ILANG ARAW DIN nanatili si Eivo sa hospital. Mabuti na lang at hindi nga nagbibiro si Dexter na sinagot ang lahat ng bayarin at mga gamot.para sa anak ko. Malaki-laki din ang iniwan nitong pera na siyang ginagamit naming mag-ina habang nandidito sa pagamutan. Mas sumigla na rin naman si Eivo kung saan pwede na namin itong i-uwi. Bawal kasi sa anak ko ang magpagod. Humihina ang baga niya at sumisikip ang dibdib nito na ikinahihirap niyang makahinga sa tuwing inaatake siya ng hika.. "Kaya mo na ba talaga anak? Magsabi ka kung may masakit pa habang nandidito pa tayo sa pagamutan" aniko habang tinutupi ang mga damit nitong nabili ko sa kalapit na ukayan dito at pina-laundry na lamang kaysa umuwi pa ako ng isla Del Monte. "Okay na ako Mama. Malakas na po ako" masigla at nakang