Primo pov: LUMIPAS ANG ILANG BUWAN NA naging abala ako sa kumpanya. Nawala sa isipan ko si Eivo. Ang batang nakilala ko sa isla Del Monte na pinangakuan kong dadalawin ko sa susunod at dadalhan ng mga laruang gusto nito. May bagong bumabangga din kasi sa black tiger na hindi pa namin nahuhuli kung sinong grupo ang mga ito. Sa dami ng kalaban ko sa mundo ng mafia ay hindi ko basta-basta matutukoy kung sino ang tumitira sa mga lakad ng grupo namin. Inaagawan kami ng kliyente o kaya ay tinatambangan ang mga tauhan ko kapag may mga transaction ako. "Bigboss sigurado kang ayaw mo akong sumama?" panigurong tanong ni Amor habang nagmamaneho. Plano kong magbakasyon muna sa isla. Kung saan nakatira ang cute na cute na batang nakagaanan ng loob ko. Si Eivo. Excited na nga akong mai-abot dito s