Angeline pov: TAHIMIK AKONG NAKAUPO ng buhanginan. Nakatanaw sa madilim na dagat. Nahihimbing na rin si Eivo kayakap ang ama nito. Kung hindi ko lang inaalala ang kalusugan nito na makakasa.a sa kanya ang magpagod lalo na ang umiyak ay hindi ako papayag na manatili dito ang ama nito. Mapait akong napangiting hinayaang tumulo ang luha habang nakatanaw sa malayo. Pasado hatinggabi na rin. Tahimik ang paligid na tanging ang alon sa pampang ang naririnig na ingay. Malamig ang hangin at maaliwalas na ang langit 'di tulad kanina na napakakulimlim. Nagsilabasan na rin ang 'di mabilang na bituin na nangingislap sa kalangitan. Napalunok akong pasimpleng nagpahid ng luha na maramdaman ang mga papalapit na yabag mula sa likuran ko at ang pamilyar niyang pabango at prehensya. Hindi ako kumilos o u